"Ano?" napapikit ako at natigilan sa pag-akyat nang marinig ko ang malakas na singhal ni Matthew. Maybe he knew what I told to Ashton. Napapikit na lang ako sa inis at dumeretso na sa kwarto namin. Hindi ako lumabas ng isang oras. Ang gusto ko lang naman ay umalis na sila para makahinga na ako ng maluwag. Hindi ko naman ginusto na gawin silang magnanakaw sa pamamahay na ito. All I want is to avoid Ashton. Masyado yata akong naging emosyonal kahapon kaya ko nagawa 'yon and nagsisisi na ako ngayon. Hindi na sana ako lumagpas. Alam ko naman na naka move on na ang tao at mukhang ako pa yata ang hindi. I always told myself that I totally moved on, na humilom na ang sugat sa puso ko at puwede na ako makapagsimula ulit. Napabuntong hininga na lamang ako at napapikit. Gusto ko lang namang u

