Nasa mood yata ako sa pagluluto ngayon kaya nakangiti ako habang hinihiwa ang baboy. Nasa lamesa na lahat ng mga ingredients at mga dapat ilagay sa pancit. Hindi naman ito mahirap sa akin dahil kapag usapang pancit sa amin ay ako naman talaga ang nagluluto. Gusto ko lang naman paglutuan ang dalawa kong bodyguard, baka sakaling makombinsi ko na sila, tsaka opportunity din 'to sa isang tulad ko lalo na't wala si Ashton. Baka nagpunta kay Sabrina at nag-explain. Wow, bitter ka Katarina? Kahit maghalikan pa sila, wala akong paki. Ubusin ko yaman niya eh. Napailing na lang ako sa naisip. Matapos kong hiwain ang baboy ay nag-angat ako ng tingin sa dalawa na nakatingin na sa gawi ko. I smirked and looked at them. "Magaling ba akong maghiwa?" mayabang na tanong ko at natawa pa. Umiling n

