"You may now kiss the bride." Napalunok ako nang inanunsyo iyon ng pari. Nakatingin lang sa akin si Ashton at ako naman ay nilakihan ko siya ng mata. "Smack lang ah," paalala ko sa kaniya. Nakita ko naman na ngumisi siya nang sinabi ko iyon kaya nawala ang ngisi ko at napalitan ng pagkalito. Ano'ng ngiti 'yan? Binuksan niya ang belo ko at biglang hinapit ang bewang ko kaya naisampa ko ang kamay ko sa matipuno niyang dibdib. Bumilis tuloy ang pintig ng puso ko sa ginawa niya. Pinosisyon niya ang mukha niya at siniil ako ng halik. Akala ko ay smack lang kaya napapikit ako agad ngunit ilang segundo na ay hindi niya pa rin nilubayan ang labi ko at kinagat pa niya labi ko kaya naman ay tinapakan ko ng heels ang paa niya. "Ouch!" Lumayo siya sa akin at hindi makapaniwala akong tiningnan

