"Dito ba?" tanong niya at kinapa-kapa ang zipper ng lintek na gown na 'to. Naka-piring kasi siya, ako mismo naglagay para sigurado. "Hindi, ibaba mo pa," sabi ko at napairap. "Ang higpit naman ng pagtali, hindi naman kita sisilipan. Pinahirapan mo pa ako."Tinampal ko naman ang kamay niya nang tumagilid ang pagkapa niya. "Malapit na ang zipper, lumiko ka pa! Baka naman gusto mo lang mahawakan boobs ko!" inis kong sambit at sinubukang abutin ang zipper ko. Grabe, hindi man lang umabot 'yong zipper. Ang daming kolikot ng gown na ito, may mga kunting butones pa. Parang gusto ko na lang punitin ito. Naramdaman ko naman na hindi na nangapa si Ashton kaya naman ay napalingon ako sa kaniya. "Hoy!" sita ko. "May boobs ka ba?" pang-aasar na tanong niya at ngumisi pa. Umawang nama

