Kahit pagod na pagod ako kagabi dahil sa mga ginawa kong gawaing bahay nagising parin ako ng maaga pero this time alam ko na nakatulog talaga ako sa sobrang pagod, pag gising ko parang narefreshed yung buo kong katawan at malakas na ulit ako. Kailangan kong mag aral mamaya habang nag aalmusal dahil ayokong mawala sa isip ko yung goal ko... yung goal ko na kailangan may mapatunayan ako.
Nagluto ako ng almusal nila pero this time bacon and egg lang pati tinapay kasi naman parang ang tagal na ng mga frozen food nila. Sa lunch naman namin hinati hati ko yung hotdog at ginisa ko sa maraming bawang at sibuyas na may ketchup hehe.
Nakabihis nako at nag aalmusal ng magising sila, nakahanda naman na ang lahat para sa kanila kakain nalang sila pero this time sabay kaming kumakain dahil nag aaral ako habang kumakain kasama sila. Bakas sa mukha ni Dave at Rad ang saya dahil may breakfast sila samantalang si Zeus expressionless nanaman sya. Di pako nasanay hehe.
"Sana lagi nalang ganito!" Sabi ni Rad habang masayang kumakain.
Napatingin ako sakanya sabay tumingin din ako kay Dave na nakangiti. Nakakatuwa lang kasi simpleng simple lang yung ginawa ko pero tignan mo ang saya saya nilang dalawa, ewan ko nalang dyan kay Zeus.
"Sasabay kaba ulit samin ngayon Pau?" Tanong ni Rad.
Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya. Tumingin ako kay Dave na halatang hinihintay yung sagot ko sabay napatingin ako kay Zeus akala ko wala syang pakelam pero bigla syang huminto sa pagkain nya. Hinihintay nya rin ba yung sagot ko? Hindi ko kasi alam kung sasabay ulit ako sa kanila, ayoko na kasing maexperience yung nararanasan nila every morning, every lunch at probably every uwian. Alam nyo naman ayokong nakakakuha ng atensyon ng ibang tao mas gusto ko yung tahimik lang na buhay.
"Aaaahhhhh....."
"Okay! Sasabay kana. Wait mo lang kami ha, matatapos nako!" Sabi ni Rad sabay nagmadali syang kumain para mauna na syang maligo. Pero teka lang hindi pako sumasagot!! Sya lang din yung sumagot sa tanong nya. (T__T)
Okay sige kung sasabay ako sakanila kailangan maging handa ako! this time kailangan hindi ako hihiwalay sakanila para hindi ako maipit bwahahahaha!
As expected pagdating namin sa gate nakahanda narin yung mga fans nila pero ang hindi ko inaasahan ay yunh pinwesto nila ako sa tabi ni Dave sa kabila si Rad at sa likod ko ang pinakamatangkad sa kanila si Zeus.
Feeling ko prinsesa ako na prinoprotektahan nilang tatlo wahahaha! Daming naiinggit sakin ngayon i bet pinapatay na nila ako sa mga isip nila hahahaha!
Dun ko lang din napansin na marami silang hawak ng kung anu ano. Mga snacks! May chocolates, junk foods inumin, cake at mga cookies. Bakit di ko napansin to kahapon? Eh nandito rin naman ako? Dati hindi ko talaga mapapansin dahil di naman ako tumitingin sa kanila.
In fairness hindi sila magugulo at nagrarambulan ngayon behave silang lahat hinahayaan lang nila na makapasok yung tatlo pero nakatumpok tumpok parin sila habang sumisigaw.
"Dave para sayo." Ngumiti lang si Dave pero hindi nya inabot yung binibigay ng babae.
"Rad oh! Sayo to!" Sabi ng isang babae sabay abot ng cookies na may notes na nakadikit pero hindi to pinansin ni Rad nakayuko lang si Rad.
"Zeus! Please kunin mo to, ako mismo nag baked nito para sayo." Sabi ng babae, may itsura sya at mukang mayaman inabot nya kay Zeus ang isang kahon ng cookies at brownies.
Tinignan lang sya ni Zeus. "No thanks!" OMG! Zeus pwede bang tanggapin mo nalang! Mukang masarap! gusto kong kumain ng brownies!!!!
"Pero pinaghirapan ko to! Nag aral pa akong magbaked para ibigay sayo to." Pagpupumilit ng naiiyak ng babae.
"Ayoko ng matamis." Sabi ni Zeus na walang pakilam kahit masaktan pa nya yung kausap nya at pano nya nagagawa yung expressionless nya!!!
Ahhh baka pwedeng kunin mo nalang Zeus akin nalang! Napahawak ako sa mga braso ni Zeus habang tinitignan yung box na hawak hawak parin ng babae.
Magagalit kaya si Zeus pag ako yung kumuha nito? Sabihin ko nalang na ako nalang tatanggap ng mga pagkain nila wahahaha!!! Napatingin bigla sakin si Zeus dahil siguro sa biglaang paghawak ko sa matitigas nyang braso, nakatingin lang ako sa box na hawak ng babae, saglit aabutin ko na!?
Nagulat ako ng biglang kunin yun ni Zeus at pagkakuha na pagkakuha ni Zeus agad na naghiyawan at nagsigawan lahat ng estudyante na nandun. Marami ang kinilig marami rin ang nainggit dahil sa dinami rami nila na may gustong ibigay sa tatlo lalo na kay Zeus yung sa babaeng yun lang ang tinanggap niya. Pagkatapos nun nagpatuloy na kaming maglakad.
Parang naging bato yung babae sa sobrang gulat nya hindi siguro sya makapaniwala na kinuha ni Zeus yung pinaghirapan at ginawa nya.
"First time mo atang tumanggap mula sa fan mo ha?" Sabi ni Dave malapit na kami sa loob ng building.
"Uhm." Yun lang yung sagot ni Zeus. Pero teka di ba sya mamimigay? Kahit isa lang, malapit na kaming maghiwa hiwalay!!!!!
"Ahhhh...." sabi ko na agad nagpahinto sakanila.
"Bakit Pau?" Tanong ni Dave.
"Ahhhmmm.... pwede ba akong..." nahihiya kong sabi sabay turo sa box na hawak ni Zeus.
"Gusto mo ba yan?" Sabi ni Dave sabay tingin sa loob ng box.
"So mahilig ka pala sa cookies and brownies ha?" Dagdag nya po.
Ngumiti lang ako, nahihiya ako pero gusto ko talagang matikman kaya please kahit isa lang. "Titikman ko lang kahit isang brownies lang hehehe" sabi ko. Gad! Hindi ko akalaing magagawa ko to! Nakakahiya! Dahil lang sa brownies. Eeewww!
"Oh!" Sabi ni Zeus sabay abot ng box sakin. Tinuro ko naman yung sarili ko.
"Kunin mo na lahat."
"Seryoso? Akin na to lahat??!!" Sabi ko sabay napangiti ako sa sobrang tuwa. Hindi ko alam! gustung gusto ko kasi ang brownies o kaya cookies.
Tumingin ulit ako kay Zeus, sobrang nahihiya ako. Nakatingin lang din sya sakin. "Salamat." Sabi ko nalang sabay kuha ng box sa kamay nya.
Pagkakuha ko ng box umalis na agad sya, hindi man lang sya nagpaalam sakin di tulad nila Rad at Dave. Sobrang saya ko kasi may kakainin ako hahahahaha!
"Oy ano yan?" Bungad sakin ni Joan, ni hindi pako nakakapasok ng room at talagang yung dala ko lang yung nakita nya ha!
"Bigay ni Zeus!" Bulong ko pagkaupo ko sa tabi ni Joan! Dyusko! Sabi ko hindi nako tatabi sakanya eh.
"What!!!!" Sigaw ni Joan sa sobrang gulat, di ko naman sya masisisi dahil kahit ako magugulat din kung sakaling malaman ko na may binigyan ng brownies si Zeus eh. "Sa tagal ko nang fan ng 3 handsome men specialy si Zeus never kong nabalitaan na nagbigay sya ng kahit na ano sa kahit sinong estudyante dito! Guuurl! Iba karin talaga! Minsan hindi na kita maabot." Pagbibiro ni Joan.
"Wag ka maingay well actually di naman talaga sya ang nag bigay, what i mean binigay ng fan nya bago binigay nya sakin."
"Whaaaat!!----"
"Oh malamon moko Joan ha!"
"Teka teka naguguluhan ako! Tumanggap si Zeus ng gift mula sa fan nya?!"
"Oo, bakit? May masama ba dun?" Sabi ko habang binubuksan yung box na hawak hawak ko hahaha. Di naman sa pagdadamot ayoko sanang bigyan si Joan pero baka magtampo sya hehe.
Hindi ko alam kung nakatulong ba yung brownies na kinain ko kung bakit ganadong ganado akong mag-aral ngayon halos ang bilis kong naintindihan yung mga tinuro samin kanina ng mga professor namin nagmuka na nga akong jolibee kanina nung recitation hehe.
Lunch break na namin isa lang yung dinala kong container dahil nawala ni Zeus yung container nya kahapon. Dinamihan ko nalang yung akin para i-share ko kay Joan pero good thing nagbabaon narin sya hehe bakit hindi kaya namin to naisip nuon? Bumibili pa kami sa canteen ng pagkain namin. Ahhh kasi naman mahirap kumilos sa boarding house ko dati.
Kumakain na kami ng biglang nasigawan nanaman yung mga estudyante, malamang nakita na nila yung 3 annoying men kaya nagwawala nanaman sila. Samantala kami ni Joan chill chill lang kami dito sa bench habang kumakain. Pero nagtaka kami ni Joan bakit parang palapit ng palapit yung sigawan at tilian ng mga estudyante samin parang lumalakas.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Zeus na naglalakad papunta samin, pambihira! Don't tell me nawala nanaman nya yung pagkain nya! Tumingin ako sakanya pero agad ko rin niwas yun tingin ko na para bang walang nakita ng biglang magtama yung mga mata namin.
"Oh!"
"Aray!" May humampas sa ulo ko. Napatingin agad ako at nakita ko sa tabi ko si Zeus na nakatayo at may kung ano syang pinatong sa ulo ko. Agad kong hinawakan yung pinatong nya sa ulo ko at tinignan.
"Ano to?"
"Basura."
"Basu? I mean para san to?" Nakakabwisit talagang kausap tong lalaking to! Hindi ako nakakakuha ng matinong sagot sa kanya!
"Sayo."
"Ay talaga!? Naks sweet naman, bakit ito naba yung sweldo ko sainyo? Hehe" pagbibiro ko, feeling close nako sakanya.
"Bigay lang sakin yan."
"Ng fan mo?"
"Uhm."
"Naks, kung ganon akin nalang to ha. Pag may nagbigay ulit sayo, ibigay mo nalang sakin ha!" Sabi ko pero hindi na sya sumagot at bigla nalang umalis.
"Sabihin mo rin sa dalawa na gayahin ka ha! Salamaaaat!!!" Sigaw ko, pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad nakita ko lang na humawak sya sa batok nya.
"Brownies?" Tanong agad ni Joan.
"Yeeah!!! Mukang may advantage din naman pala yung pagtira namin sa iisang bahay hehe." Sabi ko sabay binuksan ko yung box 12 pcs na brownies yung laman. (^___^) ang saya saya ko ngayon.
"Teka, tama ba yung pagkakarinig ko? Diba sabi ni Zeus binigay raw sakanya yang brownies?" Tanong ni Joan.
"Oo, maniwala ka man o hindi alam mo bang sobrang daming fans nya ang gustong magbigay sakanya ng kung anu-anong gifts! nanghihinayang nga ako kasi di naman nila tinatanggap, diba sayang din lalo na pag pagkain."
"Alam ko nq mqraming nagbibigay sakanya. I mean parang ang weird."
"Bakit?"
"Tignan mo to, may nag post sa group namin." Sabi ni Joan at pinakita nya yung cellphone nya, agad kong kinuha yun para tignan nakita ko ang picture ni Zeus sa isang store malapit dito sa school namin. Binasa ko yung caption ng nag upload.
ShielaMaramag: guys guess what kung sino nakita ko sa store! Hihimatayin na ata ako! Kung magbibigay kayo ng gift sakanya ito ang ibigay nyo. S'nb Brownies, ayan yung hawak nya sa store bago ako umalis.
Nagtaka ako sa nabasa ko at naguluhan? Wait Ibig sabihin ba, itong brownies na tinignan ni Zeus sa store galing dito sa uploader? O si.... Naguguluhan ako!?
Ini-scroll down ko yung picture para magbasa ng ibang comments.
MarkLaciapag: so hindi pala totoo na hindi sya mahilig sa sweets? Kanina ring umaga tumanggap sya ng brownies galing sa isang babae eh.
JohnMel: bwisit! Mukang mag aaral narin akong magbake! Hahaha
Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon? Ano ba talaga? Narinig ko rin kanina na ayaw nya sa matamis eh and yung uploader nga ba talaga yung bumili nitong brownies na kinakain ko? Ahhhh! Ang sakit ng ulo ko! Basta ang mahalaga, may brownies ako at libre pa. :)