Mahigit dalawang linggo ko nang kasama ang 3-annoying men pero maniwala kayo o sa hindi parang nasasanay nako sa buhay nila pero hindi ko sinasabing gusto kong permanent na yung buhay ko tulad nila. Mas gusto ko parin yung tahimik at simpleng buhay estudyante lang. Ang ibig kong sabihin parang nasasanay nako na kasama ko sila parang hindi nako natatakot o nag eexpect sa kung anong mangyayari.
Yung tipong gigising ako ng maaga, magluluto ng breakfast namin at ng lunch sabay na papasok, bago makikipag digmaan sa mga estudyante makarating lang sa building, bago aral tapos kakain ng lunch maririnig ko ang sigawan ng mga estudyante tapos aral na naman bago pasok sa trabaho. Uuwi magluluto ng hapunan at maghuhugas. Twing sabado naman linis ng bahay, maglalaba ng mga damit namin at maghuhugas ng mga pinagkainan. Parang ganun lang din ang buhay ko kung titignan mo parang normal lang din naman. Wag mo lang silang titignan kasi feeling ko hindi normal na nakatira ako sa iisang bubong kasama ang tatlong hearthrob ng school namin.
Marami narin ang naiinggit sakin kung pano at kung bakit daw ako naging close sa kanilang tatlo kung bakit pinupuntahan ako ni Zeus kung bakit lagi akong kinakausap ni Dave kung bakit laging nakadikit sakin si Radcliff. Para tuloy akong celebrity, parang mas sikat pa nga ako sa kanilang tatlo pano maya't maya may nag iinterview sakin tungkol sakanila.
Minsan nga iniisip ko na yayaman ako dito eh pwede kong pagkakitahan yung interview nila o kaya bawat sagot ko sa tanong nila about sa 3 handsome men papatawan ko sila ng 20 pesos each hahahaha! Naisip ko rin na picturan ko kaya sila habang natutulog bago ibenta ko ng 200 pesos wahahahahaha! Sobrang yaman ko na siguro!
Pero hindi ko rin talaga matatangi na kapag nandito na kami sa loob ng bahay lumalabas na parang katulad ko lang din sila, normal na estudyante.
Hindi ko rin alam kung pano kumalat na parang wildfire and balita sa school na kasama ko sa iisang bahay ang 3 annoying men! Malamang marami siguro ang nagma manman sa labas ng bahay! Grabe ang creepy!
Dahil kalat na nga rin sa school ang pagsasama namin ng tatlong itlog nayun sa bahay at sinasabi nila na close na close raw ako sa 3 annoying men, ayun! Ang labas naging delivery boy ako ng mga gifts ng mga fans nilang tatlo. Syempre alam naman nila na hindi tatanggapin yun nila Zeus kaya ang ending sakin nalang nila pinapabigay. Gusto ko nga sana silang singilin ng 100 pesos kada pabigay ng regalo o pagkain nila eh.
"Andito nako!" Bati ko habang dala dala ang dalawang plastik na regalo para sakanila. Dyusko! Nahirapan pakong dalahin yan kanina dahil nga sa trabaho ang tuloy ko after school. kaya naman limitado lang talaga yung kinuha ko sa mga fans nila.
"Ano yan?" Sabi ni Dave sabay upo sa tabi ko. Lumapit narin sila Radcliff at Zeus at umupo narin sa kabilang sofa.
"Sainyo yan!" Sabi ko habang hinahabol pa yung paghinga ko.
"Talaga!? Wow ang sweet naman!" Sabi ni Dave at tinignan yung laman ng dalawang plastik kumuha sya ng isa, for the record mga pagkain lang yung tinatanggap ko wahahahaha!
"Bigay yan ng mga fans nyo." Pagkasabi ko nun agad binitawan ni Dave yung hawak hawak nyang box.
"Bakit mo kinuha yang mga yan?" Sabi ni Dave.
"Eh ginugulo nila ako eh, kahit saan ako magpunta sa room, even sa CR di nila ako tinitigilan! kaya tinatanggap ko nalang isa pa ano ba kayo sayang... kung ayaw nyo, pwede bang akin nalang??" Sabi ko sakanila sabay ngiti.
"Enjoy! Mabusog ka sana, at wag sanang masira yang ngipin mo." Sabi pa ni Dave na parang may pagbabanta.
"Oh meron din pala para sayo Paulo eh" sabi ni Radcliff at kinuha nya yung box sa isang plastik.
"Ha? Talaga, di ko napansin? Di nga? Para sakin?" Nagulat ako dahil sa sobrang dami ng lumalapit sakin hindi ko na tinitignan kung para kanino yung mga binibigay nila dahil alam ko naman para sa kanilang tatlo lang yun.
"To Paulo, always smile! :) enjoy! Archee?"
"Archee? Sinong Archee yan?" Sabi ko at inabot ko yung kamay ko kay Radcliff para kunin sakanya yung box na hawak nya pero bigla silang nagtinginan tatlo at agad na binuksan yung box, naamoy ko na brownies yun at agad nilang kinain lahat! Silang tatlo kinain nila yung brownies na para sakin!
"Huy! Anong ginagawa nyo! Para sakin yan! Ang dami dami nyong snacks at brownies dito oh!" Kinukuha ko yung box para matikman ko rin pero pilit nilang nilalayo sakin kaya naman hindi nako nagpumilit pa.
"Kinain nyo yung sakin. Akin na lahat to. Hindi ko kayo bibigyan!" Sabi ko sabay yakap sa dalawang plastik na dala dala ko kanina.
"Simula ngayon hindi kana tatanggap ng kahit ano pang bagay sa ibang tao!" Sabi ni Zeus, seryosong seryoso yung mukha at boses nya. Tama ba yung narinig ko? Sa ilang linggo naming magkakasama ito na ata yung pinaka mahabang salita na lumabas sa bibig nitong matangkad na lalaking to.
At isa pa ilang beses ko ng ginawa to bakit all of the sudden pinapatigil to ni Zeus.
"Okay." Sabi ko sa malungkot na tono. Pagkain lang naman yung kinukuha ko bakit seryosong seryoso sya.
"Pano pag brownies..." sabi ko ulit sa malungkot na boses.
"Ako tatanggap pag brownies." Sagot ni Zeus. Napangiti naman ako sa sinabi nya ganun din yung dalawang kasama namin na kumakain parin ng brownies na para sakin.
"Pero ibibigay mo sakin yun ha?"
"Uhm!" Sabi lang ni Zeus sabay tumayo na sya at umalis.
"Dave at Rad, ganun din ba kayo? Consider it as a payment ha!" Tumango lang yung dalawang lalaking kaharap ko sabay ngiti. Sinagot ko rin sila ng ngiti dahil alam ko na kahit hindi ako tumanggap mula sa mga fans nila, makakakain parin ako ng brownies kung bakit kasi gustong gusto ko ng brownies lalo na pag masyadong moist yung pagkakabaked at yung top nya medyo crispy! Hmmmmm.... sarap! Naglalaway tuloy ako.
***
Dalawang subject pa bago mag lunch break pero hindi ko mapaliwanag kung bakit nag aalburuto yung tyan ko! Dahil ba sa dami ng brownies na kinain ko? Baka magka diabetes nako nito ha? simula kasi ng makatanggap ako ng brownies galing sa fans nilang tatlo, parang araw-araw nakong kumakain. Di ko naman mapigilan!? Hindi kaya, may food disorder na ata ako? O food addiction sa brownies?
Tinaas ko yung kamay ko para mag excuse sa professor namin, pupunta nako ng CR hindi ko na kaya puputok na ang Mt. Taal! Pakiramdam ko nakikipaghabulan ako sa mga aso at pakiexplain nga bakit pag najejebs ka bago palapit ka ng palapit sa CR mas lalong tumitindi yung pag aalsa ng mga bagay na gustong lumabas sa tyan ko?
Nang mairaos ko ang himagsikan at naglalakad nako sa walk way pabalik ng room hinarang ako ng ilang mga estudyante.
"Paulo! Makisuyo sana ako pakibigay naman to kay Zeus please."
"Ito kay Radcliff, sana magustuhan nya. Hihi"
"Ako para kay Dave to. Oh! Sige na tulungan mo naman kami."
Ito na nga ba yung sinasabi ko eh, hindi ko alam kung pano ko sila tatanggihan at mukang masarap yung pinapaabot nila, kaso baka magalit sakin si Zeus kapag kinuha ko to? Hmmmm... kunin ko nalang kaya bago kainin ko narin para hindi malaman na may pinaabot sakin? Kaso baka sakin naman yung balik. Haaay maraming malulungkot nito.
"Nako sorry, hindi nako pwedeng tumanggap nyan." Sabi ko sabay ngiti ng taimtim.
"Ha? Bakit? Pagkain naman to? Ang sabi nila pag hindi lang pagkain ang hindi mo inaabot sakanila!?"
"Mas maganda siguro kung kayo nalang mag abot sakanila. Mas maganda yun diba?" Sabi ko nalang at agad na umalis sakanila para hindi na nila ako kulitin.
Sobrang nanghihinayang tuloy ako parang ang sarap pa nung isang box para syang bread na may chocolate na toppings eh parang nakita ko na dati yun sa ground floor ng sm manila eh kaso nakalimutan ko na yung pangalan.
"Ano nangyari sayo?"
"Nanghihinayang kasi ako."
"Nanghihinayang? Saan?"
"Sila Zeus kasi, ayaw na nila akong tumanggap ng gift para sa kanila! Sayang nga eh."
"Nako ano kaba baka prinoprotektahan kalang nung mga yun, alam mo naman yung mga fans nila diba? Akala mo laging makikipagdigmaan."
"Makapagsabi ka naman, edi fan karin nila?"
"Kaya nga! Kaya alam ko mga galaw ng bituka nila, well ang advantage ko lang sakanila kaibigan ko yung housemate nila hahahaha"
"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang sabay higa ng ulo ko sa desk ko.
Bakit ba hindi na tumahi-tahimik yung buhay ko ngayon? Haaay...
AaaaaAaAAYYYIIIEEEEHHH!!!!!!
Nagulat ako ng biglang magsigawan yung mga classmate ko kaya naman agad akong napabangon para tignan yung nangyayari. Tumingin ako sa glass window namin at nakita ko si Zeus na naglalakad sa labas, saan kaya sya pupunta?
Tumingin sya sa taas ng pintuan namin tinitignan nya siguro yung room number pagkatapos nyang tignan bumalik ulit sya sa window glass ng room namin at parang may hinahanap. Ilang segundo lang finally nag tama yung mga mata naming dalawa.
Nagwawala parin yung mga classmate ko sa sobrang kilig. Ano ba ginagawa nya dito sa room namin? At sino yung hinahanap nya?
Pagkatama ng mata namin agad syang naglakad papunta sa pinto at dahan dahang binuksan to. Lalong nagsigawan yung mga classmates ko at yung sigawan nayun napalitan ng kilig ng biglang maglakad si Zeus papasok ng classroom namin habang nakatitig sakin.
OMG! Seryoso! Sobrang kinakabahan ako para akong bato na nanginginig dyusko! Yung puso ko ang bilis ng t***k! Ano bang ginagawa nya dito.
Tumayo sya sa harapan ko at naghiyawan yung mga clasmates ko bakit parang mas kinikilig pa sila kesa sakin?
"A-anong----"
"Oh!" Sabi nya lang sabay abot ng box ng brownies sakin.
"Sakin?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.
"Uhm."
"Binigay ng fan mo?"
"Hindi." Sabi nya sabay umalis nalang bigla, naghiyawan ulit yung mga classmate ko na tinalo pa ang mga nag rarally na patalsikin ang presidente! Dyusko feeling ko ang pula pula na ng mukha ko sobrang init ng mukha at tenga ko.
"Ikaw na gooorl! Ang haba ng hair mo!!!" Sigawan ng iba ko pang classmate.
Habang si Joan halos maputol na yung braso ko kakahila nya. Isa pa ano yung ibig sabihin ni Zeus na hindi? Ibig nya bang sabihin hindi galing sa fan nya yun? Kanino galing? Hindi kaya sakanya galing?!!!!