Haaay ang bilis talaga ng araw, hindi ko na namalayan na Sabado na pala ngayon, may usapan pala kami ni Joan na maghahanap kami ng part time ngayong araw. hindi ko na kasi talaga kinakaya pa yung layo ng home to school to work and vice versa, out of the way pa.
Kaya naman maghahanap kami ng trabaho along the way. actually hindi naman talaga need ni Joan ng part time kasi suportado naman sya ng magulang nya pero kasi gusto na nyang ma-experience ang mag trabaho kaya naman sumama na sya sakin.
Maaga pa pero umalis nako ng bahay, nagmamadali ako na para bang may hinahabol, ni hindi nako nag almusal naligo nalang ako at nag ayos at agad na pumunta sa lugar na pagkikitahan namin ni Joan.
Pero sa paghahanap namin ng trabaho ni Joan para ba kaming pinag kakaitan ng tadhana, Alam ko may part time nako sa Mcdo pero kasi kung magtatrabaho rin naman ako mas gusto ko yung convienient rin sakin i mean yung hindi ako mapapagod dahil sa byahe,
sayang kasi yung oras.
"Sino yang tumatawag? Bakit hindi mo sinasagot?" Tanong ni Joan sabay higop sa shake nya.
Nakatingin lang ako sa screen ng telepono ko at unknown number yung naka display.
"Hindi kasi nakaregister yung number sakin eh."
"Hala sya! Ba't hindi mo sagutin para malaman mo kung sino yan? Siguro may tinatago ka no? Kaya ayaw mong sagutin? Sino niloloko mo?" Napatingin ako bigla kay Joan.
"Anong sinasabi mo?!" Sabi ko sabay tingin sakanya na may pagkairita. Nag make face lang sya.
"Sino to?" Sabi ko ng sagutin ko yung tawag sa telepono ko.
[Paulo!? Asan ka?] Nagtaka ako dahil hindi ko kilala kung sino ang nasa kabilang linya.
[Anong oras ka uuwi? Bakit umaalis ka ng walang paalam?]
Naguluhan parin ako dahil hindi ko alam kung sino ang kausap ko at kung bakit ganito yung sinasabi nya? Hindi kaya na wrong number lang sya? Pero tinawag nya yung pangalan ko.
"Ahh sorry... sino to?"
[si Dave to.]
"Dave?!" Pagkasabi na pagkasabi ko nun biglang lumaki yung mga mata ni Joan at agad na tumayo at nilapit yung mukha nya sa telepono.
[Sabihin mo sakanya umuwi na sya!] Narinig ko na may nagsalita pa beside kay Dave siguro si Radcliff.
[Hinahanap kana kasi ni Radcliff. Ano kasi eh.... ano ahhh.... hindi pa kami kumakain.. hehe.]
"Ha?! Ba't di pa kayo kumakain? Anong ora----" napatigil ako sa pagsasalita ng maalala kong hindi nga pala sila marunong magluto. Pero pano sila nakakakain nuon nung wala pako sa boarding house.
"Ah-ah-ah sige pauwi nako." Sabi ko nalang sabay nagpaalam.
[Nga pala number to ni Zeus ha.] Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yung sinabi ni Dave bago nya ibaba yung telepono.
Langya talaga yun! Bakit yung number pa ni Zeus yung ginamit nyang pantawag sakin?! Pwede namang yung number nalang nya?! So alam na ngayon ni Zeus yung number ko?
"Ano raw sabi?" Tanong agad ni Joan pagkababa na pagkababa ko ng telepono.
"Wala naman, tinatanong lang nila kung saan ako nanggaling...
At tong si Dave talagang yung number pa ni Zeus yung pinantawag nya!" Naiinis kong sabi.
"talaga!" Napatingin ako kay Joan na parang tuwang tuwa pa sa nalaman nya."ay teka, sa tinagal tagal mo ng kasama silang tatlo, nao-open ba sayo ni Zeus yung nangyari before? Nung matapunan mo sya ng shake?"
Huminga ako ng malalim ng maalala ko yun. Isa pa yun na pinoproblema ko. Malinaw pa sa ala ala ko na nagtama yung mga mata namin ni Zeus nung araw nayun eh pero bakit nung nagkita kami hindi nya nabanggit sakin? Or di nya ko kinompronta nun? Aaaahhh! Ang sakit ng ulo ko!? Siguro hindi nya nga ako naalala dahil maraming estudyante ang umaaligid sakanya.
"Tara na nga uwi na tayo!" Yaya ko kay Joan pagkatapos kong guluhin yung buhok ko dahil sa inis.
"Teka! Diba maghahanap pa tayo ng part time!?"
"Next week nalang! Tara na!" Aya ko ulit sakanya sabay tumayo na ako.
Monday...
Another day na naman na naka survived ako sa mga fans ng 3 annoying men. Parang nami-miss ko tuloy yung simpleng buhay na meron ako dati. Kasi simula ng lumipat ako sa bahay nila para akong may tatlong batang inaalagaan isama pa yung naging maingay yung mundo ko dahil sakanila. Pakiramdam ko hindi na normal yung buhay estudyante ko. Dati walang pumapansin sakin ngayon halos lahat sila pinapansin ako at gustong mapalapit sakin pero alam ko naman na kaya lang sila lumalapit sakin dahil lang sa tatlong to eh. Isa na nga lang yung ikinatutuwa ko sakanila eh.... yung pag tanggap ko ng mga regalo ng mga fans nila pero itong si Zeus pinagbabawalan pako. Haaaaayy....
"Hi Paulo!" Napatingin ako sa estudyanteng nasa harapan ko, naka eye glasses sya at may tag na blue sa bulsa ng uniform nya sa kaliwang dibdib.
"....."
"Ahhhh... okay alam ko kilala mo na'ko. Kaya hindi nako magpapakilala sayo. Wahahahaha!" Confident na confident sya pero hindi ako sumagot sakanya, nakatingin lang ako sa kanya at iniwas ko yung tingin ko. Pero based sa uniform nya marahil member to ng news club ng school.
"Hi, di mo ba ako kilala? Hello? Hi!"
"Ano bang kailangan mo?!" Sabi ko ng hindi ko na mapigilan pa ang pangungulit nya.
"Wayne is the name, vice pres ng News club!" Nanlaki yung mga mata ko ng biglang nagpalakpakan yung ibang estudyante na bigla nalang sumulpot sa tabi nya na parang chini-cheer pa sya! Kailan pa sila nandyan!?
"Ahh.... okay?" Sabi ko nalang sabay iniwas ko ulit yung tingin ko sakanya.
"Balita ko naghahanap ka raw ng part time ha?" Napatingin ako sa kanya na, pano nya nalama-- at anong problema nitong taong to mukang may sayad ata. Halos kilabutan ako sa ngiti nya na parang may masamang balak kasabay ang pag taas baba ng dalawa nyang kilay.
"Pano mo nalaman na naghahanap ako ng part ta--"
"News Club rule!!!!! Hahahahaha! Marami akong mga mata at tenga sa school Paulo!!!" Halos mahulog ako sa inuupuan ko ng bigla syang sumigaw, nasa play ba kami? And what's with his backup dancers? Mababaliw na'ko pag pinagtuloy ko pang kausapin tong taong to.
"Sorry hindi ako interesado sa club nyo at lalong hindi ako intiresado sa mga back up dancers mo!" Sabay nagpatuloy nakong maglakad.
"May deal ako sayo!" Sigaw nya pero hindi ko sya pinansin.
"Babayaran kita ng 300 pesos!!!
600!!!!!
800 pesos!!!!!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko yung 800 pesos hahaha. Please don't judge me, na curious lang ako. Hehe. :)
"Owwwwkey---Ano yun?" Lumapit sya sakin kasama yung mga back up dancer nya na kitang kita mo ang kilig sa mga mukha nila.
"Balita ko, ka housemate mo ang 3 handsome men?" Hindi ako sumagot sa sinabi nya bagkus tumingin lang ako sa kanya ng may pag aalinlangan.
"Okay, ganito. Simpleng simple lang naman gagawin mo eh. Pipicturan mo lang sila sa loob ng bahay nyo, yung bang kukuhanan mo lang kung ano ba yung ginagawa nila pag nasa bahay na sila. Babayaran ka namin ng 800 pesos kada picture na mabibigay mo samin."
"800 pesos kada picture!" Inulit ulit ng mga backup dancers nya, sabay sabay pa nilang sinabi na kala mo kumakanta ng chorus ng isang kanta.
"So you mean, pipicturan ko lang sila sa bahay bago, babayaran nyo ng 800 pesos kada isang picture?" Inulit ko ulit. Not bad diba? Hindi ako mahihirapan? Wahahahaha! Sinasaniban nanaman ata ako ng pagiging muka kong pera.
"Oo tama ka dyan! 800 pesos kada picture."
"Okay sige, deal!" Sabi ko.
Wahahaha mukang kikitang kabuhayan ako nito ha? Pero pano ko sila makukuhanan ng hindi nila nalalaman? at kung makikita nila na may picture sila sa loob ng bahay, malamang ako agad yung paghihinalaan nila? Pano ko gagawin to?
***
"KAAAAIN NAAAAAA!!!!!" Sigaw ko habang inaayos ko yung mga plato sa lamesa. Medyo kinakabahan ako sa gagawin ko pero push lang para sa 800 pesos wahahahaha!
Mabilis na bumaba si Radcliff at kauuwi lang ni Dave na narinig ang pagtawag ko sa pintuan pag pasok nya.
"Tara na! Kain na." Yaya ni Dave.
"Sige lang, tapos nako."
"Kumain kana!? Di mo kami hinintay?" Sabi ni Radcliff.
Pero sinagot ko lang sya ng ngiti. "Nga pala si Zues wala pa?"
"Wala pa ata eh." Sagot ni Dave. "Wala rin sya sa taas" sabi naman ni Radcliff.
Okay saktong sakto to kahit sila munang dalawa. So tig isang shot nalang sila para tig-800 sila hahahaha!
Pumunta ako sa gilid ng pinto at dahan dahan kong nilabas yung cellphone ko. 1, 2, 3 shoot! Hahaha ang cute ni Radcliff pag hindi nakaayos yung buhok nya! Si Dave naman. Okay 1, 2, 3 shhoo------
"Aaaaaahhgghhhh!" Napasigaw ako ng makita ko ang mukha ni Zeus sa tabi ng mukha ko. Kailan pa sya nandito sa tabi ko? At bakit di ko sya napansin? Napatingin naman samin yung dalawang kumakain dahil sa sigaw ko.
"A-anong..." gulat na gulat ako at hindi pakapagsalita ng maayos. Tumingin lang sakin si Zeus gamit ang walang expression nyang mukha at tumingin sa hawak hawak kong cellphone na agad ko namang tinago.
"Anong ginagawa mo?" Sabi nya sa malamig na boses.
Halos mataranta ako dahil hindi ko alam yung gagawin ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako natataranta wala naman akong ginagawang masama pero... pero kasi tama ba tong ginagawa ko? Dahil lang sa pera ilalabas ko ang private life nila?...
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng bigla akong tumingin kay Zeus na ngayo'y nakatitig sakin at naghihintay ng paliwanag ko. Malamang nakita nya na kinuhanan ko ng picture yung dalawa. (T__T)