Huminga ako ng malalim ng mahuli ako ni Zeus na kinukuhanan ng litrato yung dalawa. Ano ba'tong nangyayari sakin? Ano ba'tong iniisip ko? Bakit ko ba to ginagawa?
Yumuko ako at tumingin sa dalawang kumakain na ngayo'y nakatingin sakin, bigla kong naisip na mabait sila sakin at tinanggap nila ako dito sa bahay ng maayos bago ganito yung gagawin ko?
Tumingin ulit ako kay Zeus na naghihintay parin ng sagot mula sakin.
"Aaaahhhhh..... ahhh.... ano ahhh... wala, wala..." sabi ko nalang at agad umalis at nagpunta sa kwarto ko.
Humiga ako at tinignan sa gallery ko yung pictures na nakunan ko habang kumakain si Dave at Radcliff.
Ibibigay ko ba to sa news club o hindi? Pero sayang yung 800 pesos, pandagdag din yun sakin. Pero kung iisipin mo bakit handang magbayad ang news club ng 800 pesos para lang sa picture nila? Anong meron?
Tinap ko yung dalawang picture na may mukha ni Radcliff at Dave at tinignan ko sila sabay napaisip ako... hindi naman ako ganito dati ha? Nuon pag pera ang usapan gagawin ko ang lahat para lang kumita pero ngayon parang hindi ko kaya... parang mali tong ginagawa ko... di ko naman sinasabing gumagawa ako ng mali nuon para lang kumita ng pera what i mean kasi ngayon tinuturing ko na silang kaibigan at kahit hindi man nila sabihin sakin yung nararamdaman nila, alam ko nahihirapan din sila at hindi sila masaya sa sitwasyon nila. halos hindi na nga nila magawa yung gusto nilang gawin sa school o kahit sa labas dahil maraming mga matang nakatingin sakanila at dito nalang sa bahay nila nararamdaman na normal din silang tao.
"Hindi muna ako sasabay sainyo ha!" Sabi ko ng magising silang tatlo para mag almusal, nakahanda narin yung pagkain nila para mamayang lunch, halata sa mukha nila ang pagtataka halos sundan nila ako ng tingin ng magtungo ako sa CR para maligo. Maaga akong papasok ngayon para maunahan ko na yung lalaking nag alok sakin sa News club mahirap na baka bigla nya kong i approach sa harap nilang tatlo.
Nagmadali akong naligo pero tapos na silang kumain ng matapos akong maligo, umakyat agad ako sa kwarto ko para mag ayos pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para hugasan yung mga pinagkainan nila, si Dave ang naliligo samantalang si Radcliff at Zeus ay nakaupo pa dito sa kusina.
Habang naghuhugas ako ng pinagkainan nila bigla akong nakaramdam ng kakaiba na Para bang may masamang nakatitig sakin? Tumataas bigla yung mga balahibo ko sa batok! Mabilis akong humarap sa dalawa para tignan kung may nakatingin ba sakin pero nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng tumingin ako sa expresionless na lalaking kasama namin dito sa bahay. Nakatitig lang sya sakin na para bang may ginawa akong kasalanan sakanya.
Teka? May ginawa ba ako sa kanya? Bakit ganyan yung tingin nya sakin? Anong iniisip nya? Pero bigla akong napaatras ng binuka nya yung bibig nya at bumulong sya "ano!!!" Na parang inaaway ako. Ano bang problema nya ngayong umaga? Galit ba sya?
"Paulo! Yung yolk sa egg ko hindi pantay!" Sabi ni Radcliff kaya naman bigla kong iniwas yung tingin ko kay Zeus oo expresionless sya pero nakakatakot naman sya kung tumitig.
"O sige sige palit nalang tayo." Bakit pakiramdam ko nag mumuka nakong nanay kay Radcliff?
Pagpasok ko hindi ko nakita yung vice president ng news club o kahit sino sa mga back up dancers nya kaya naman kinakabahan ako kung pano ko sasabihin sakanya na hindi ko na gagawin yung gusto nya. Lumipas ang umaga, tanghali at hapon pero hindi parin sya nagpaparamdam, hindi kaya niloloko lang ako ng taong yun?
"Pau, di muna ako sasabay sayo ha. Sasamahan ko si Mama! Oh una nako ha naghihintay na kasi si mama sa mall." Nagmamadaling sabi ni Joan.
Ha? Kala ko ba maghahanap kami ng part time ngayon? Nag resigned na kasi ako sa Mcdo dahil hindi ko talaga kinakaya yung layo. Magkakasya pa kaya tong ipon ko? Bago sayang pa yung kikitahin ko sana sa mga picture.... haaaayyy.. ang hirap naman ng ganitong buhay!
Tumayo nako at pinasok ko yung mga gamit ko sa loob ng bag para umuwi na pero pag labas ko ng room hindi pako nakakalayo sa pintuan ng room namin biglang may nagsalita sa gilid.
"Hi, Paulo.." napasigaw ako sa gulat ng magsalita sya sa gilid medyo madilim kasi sa part nayun dahil maliit lang na espaso yun nasa gilid ng room namin at pano sya nagkasya dyan?!
"So ilang picture ang ibibigay mo!?" Bungad sakin ng ng taga news club. Tumingin lang ako sa kanya habang nililinis nya yung camera nya.
"Nagbago na yung isip ko."
"AnooOoOOOOO!!!!! Kala ko kailangan mo ng pera!!!!" nagulat ako sa lakas ng boses nya."kala ko ba nakapag usap na tayo!"
"Eh kasi parang mali yung gusto mong mangyari eh ipa-public natin yung private life nila. Pero kung gusto mo pwede ko silang kausapin kung papayag silang interviewhin mo." Paliwanag ko pero lalo lang syang nagalit.
"Ikaw!"
"Oh ano ako!" Biglang nagbago yung expression nya, yung galit na galit na mukha nya biglang napalitan ng takot wahahaha! Sabi ko na nga ba matatakot sakin to eh.
"Pagbabayaran mo tong kakahiyan ng ginawa mo sakin!" Sabi nya sabay mabilis na kumaripas ng takbo.
"Hmmm.. pagbabayaran. Lolo mo!" Bulong ko pa. Ang sarap sa pakiramdam kasi alam ko na wala akong ginawang masama o makakasakit sa ibang tao. Tumalikod nako para bumalik ng room ko pero napahinto ako sa gulat ng makita kong nakatayo ang 3 handsome men sa likod ko.
"A-anong ginagawa nyo dito!?" Nauutal kong sabi, kinakabahan ako baka mamaya nakita nila na kausap ko yung news club at baka hindi na nila ako pagkatiwalaan at worst kung paalisin nila ako sa boarding house. "Kanina paba kayo dyan?"
Hindi sila sumasagot pero biglang ngumiti si Radcliff at tumakbo papalapit sakin para yakapin ako. Hala? Anong nangyayari? Bakit ako niyayakap ni Radcliff? Nilabas ko yung ulo ko mula sa dibdib nya imagine sa tangkad nyang to tapos yayakapin nya ko hindi ako makahinga. Tumingin ako kay Dave na nakangiti rin at papalapit saming dalawa ni Radcliff.
Nang bitawan ako ni Radcliff sa pagkakayakap hinawakan naman ako ni Dave sa balikat ko. Wait?! Ano bang nangyayari? Ang weird nila? May problema ba sila? Tumingin ako kay Dave na nakangiti parin sabay tumingin ako kay Zeus na nakatayo sa di kalayuan. Expresionless parin yung mukha nya!!!!!!!
"Ma-may problema ba?" Sabi ko habang kinakabahan. Malamang hindi nila nakita na kausap ko yung vice president ng news club kasi kung nakita nila malamang tatanungin nila ako pero ngayon parang masaya sila siguro kararating lang nila.
"Gusto mo ba sumama samin?" Biglang sabi ni Dave.
"Ha?"
"May part time kasi kaming tatlo ngayon, pupunta kami sa agency para mag model ng mga brand nila. kailangan namin ng assistant, gusto mo ba?" Aaaahhhhh!!!!!! Sabi ko na nga ba eh kaya sweet sweet-an sila sakin ngayon! Although sweet naman talaga si Radcliff pero kaya pala ganito yung mga galaw nila kasi kaylangan nila ako!!!!
"Don't worry hahatian ka namin sa sasahurin namin!" Masayang sabi ni Radcliff.
"Talaga!?" Sabi ko naman sabay hawak sa mga kamay niya. Para kaming magjowang nakakita ng isang liwanag sa dilim.
"Ano gusto mo ba?" Tanong ulit ni Dave.
"Sure! Yes sir!" Sabi ko na may saludo pa. "Ako ang magiging pinakamagaling na assistant!" Ohmygad para akong manager nilang tatlo hihihi. Aaaahhhhhh ngayon model lang pag tumagal pag naging artista na silang tatlo ako ang magiging manager nila! Limpak limpak na pera ang maiipon ko! Hihihi.
"Aray!" Nagising ako sa diwa ko ng may pumitik sa noo ko. Pag tingin ko si Zeus.
"Anong problema mo? Masakit ha!?" Sigaw ko sakanya.
"Kung anu-ano nanaman iniisip mo. Pera bayan o brownies?" Sabi nya sa walang expresion na mukha.
Bigla akong napahawak sa noo ko na pinitik nya, ang sakit nun ha. Di talaga kami magkakasundo nitong lalaking to. Teka nasan na si Dave at Radclifff?
"Ano pang ginagawa mo? Dalahin mo nayan, nasa sasakyan na sila." Sabi ni Zeus at nagsimula ng maglakad.
Isang bag lang pala eh, kaya ko to! Pero napatigil ako ng pagbuhat ko sa bag. Shiiiiiiit bakit ang bigat! Isang bag lang to! May ref ba sa loob nito!!!!
"Hoooy! Hindi mo ba ako tutulungan! Ang bigat nito!" Sigaw ko sa pinakamatangkad na lalaki sa grupo nilang tatlo. Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin.
"Pagpapawisan ako." Huuuuuuuhhhhhhh!!!!!!????? Ang arte talaga nitong lalaking to! Mas maarte pa sya sakin! Aaahhhrrrgggghhh!!!!!!
Nang dumating na kami sa MSE agency nagulat ako dahil sobrang ganda ng building nila at ang linis tignan, maaliwalas. Di pa kami nakakapasok sa loob ng studio na pupuntahan namin sinalubong agad kami ng limang lalaki at dalawang beki para asikasuhin kami at ihatid sa studio. Si Dave ang kumakausap sa mga beki habang yung dalawa parang wala silang kaalam alam kung bakit sila nandito.
"Nga pala sino yang kasama nyo?" Biglang tanong ng beki kay Dave kaya naman napatingin ako sakanya. Pagtingin ko sakanya nakatingin din sya sakin ng masama at parang may mangyayaring paligsahan dito samin.
Pwede ba? Wag mokong tignan na kala mo inaagaw ko sayo yung jowa mo dahil sa totoo lang sawa nako sa mga mukha nila dahil nakatira lang kami sa iisang bubong! Ano ka ngayon, b***h! Hahaha pero sa isip ko lang yan sinasabi.
"Ah si Paulo nga pala, assistant naming tatlo." Pakilala ni Dave.
"Ahhh... assistant lang pala!" Teka may gusto bang ipahiwatid tong beking to? Pero sa sinabi nya halata mo kay Dave na hindi nito nagustuhan yung tono ng pananalita ng beki samantalang tong dalawang nasa harapan ko bigla nalang nagtinginan.
Pagkarating namin sa studio agad inassist tong 3 handsome men at ako nilagay ko sa gilid ko yung bag ko at umupo para maghintay kung anong gustong tulong nitong tatlo o kung uutusan man nila ako, pero bakit ganun parang hindi naman ako kailangan dito? Kasi ang daming nag aasikaso sakanila pati mga damit nila sinusuutan sila?! Teka eh ano tong bag na dala ko?! Bakit nagpadala pa tong si Zeus sakin ng bag kung lahat naman ng kailangan nila andito na!?
"Pau, bagay ba?" Masayang tanong ni Radcliff habang nakabuka pa ang kanyang mga kamay para ipakita sakin yung suot nyang damit. Parang summer ata yung themed nila, bagay na bagay kay Radcliff yung kulay itim na sando at puting short talagang nangingibabaw yung kutis nya na mas maputi pa sakin ni ultimo kili kili nya mas maputi pa kesa sa mukha ko! Ang saklap talaga.
"Ha!? Oo bagay na bagay sayo!" Masaya kong sagot.
"Nga pala, anong laman nyang bag mo? Ba't dalawa yung dala mong bag?"
"Hah!? Diba gamit nyo to!?" Nagtaka si Radcliff at umiling. " hindi ah, nandito na lahat ng gagamitin namin."
"Ano?!" Punyeta ka talaga Zeus! Sabi ko na nga ba may binabalak kana naman eh! Pinahirapan mo pa akong magbitbit nito! Mabilis kong binuksan yung bag na dala ko at bumungad sakin yung mga bato sa loob ng bag!!! Walang hiya ka talaga Zeuss!!!!!
"Radcliff, set na!" Sabi nung assitant ng photographer kaya naman mabilis na nagpaalam sakin si Radcliff para pumunta sa stage at makuhanan sila ng picture.
Una isa-isa silang pinicturan bago silang tatlo sabay pinagpalit na naman sila ng damit. Grabe hindi ko kinakaya yung itsura nilang tatlo bakit ang gwagwapo nila!? Hanggang ngayon tuloy hindi parin ako makapaniwalang nakatira kami sa iisang bubong. Ni kahit sa panaginip ko hindi ko inisip na makakasama at magkakaroon ako ng tatlong kaibigan na sobrang gwapo.
"Ah excuseme! Diba assistant ka!?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nagtaka ako dahil ito yung beking mainit ang dugo sakin.
"Ye-yes po!"
"Good! Ibili mo nga kaming kape sa labas, sa Starbucks! Bali anim ha" sabi nya at abot sakin ng mga kapeng gusto nila. Tumango nalang ako bilang pagsunod sa utos nya. Okay narin to para may ginagawa ako at para maganda ang tingin nila sa tatlong itlog nayun at para kunin ulit silang modelo hehe.
Pag dating ko ng starbucks agad kong inorder yung mga nakalista sa papel at agad akong umakyat sa studio para mabigay agad dun sa beki pero pag dating ko nakisuyo sya na kunin ko yung mga damit sa wardrobe na nasa kabilang studio para gamitin nila Zeus hindi naman kalayuan dito dahil nasa iisang floor lang naman pag balik ko medyo nag sungit sakin yung beki at nakalimutan ko raw bumili ng tinapay! Pero teka wala naman syang sinabing bumili ako nun ni hindi nga nakalista sa papel, isa pa ganito ba talaga pag asisstant ka? Lagi kang inuutusan? I mean kung sila Dave ang mag uutos sakin okay lang! Nako kung hindi lang talaga para sa tatlong to di ako papakabog sa beking to eh! Ngumiti nalang ako at sinunud ko yung inutos nya at nagmadaling bumaba ng building.
Dyusko sabi nya malapit lang dito pero medyo malayo pala yung bilihan ng tinapay! Binilisan ko nalang maglakad para mabilis din ako makabalik pero nung pag pasok ko sa studio habang pinupunasan pa yung pawis ko at hinahabol yung hininga ko biglang bumungad sakin si Dave.
"Paulo saan ka ba nang galing?!" Nag aalalang sabi ni Dave, medyo mataas na ang tono ng boses nya.
Nagtaka naman ako sa inasal ni Dave. "Ah inutusan kasi akong bumili ng kape kanina bago nakalimutan nila ipabili yung bread kaya eto bumalik ako." Paliwanag ko.
"Bakit ika---" sabi ni Dave pero napatigil sya ng biglang dumating si Zeus at sumigaw "Ano na naman bang ginawa mo! Kahit kailan talaga sakit ka sa ulo!" Pasigaw na sabi ni Zeus at galit na galit yung mukha nya.
Nagtaka ako dahil bakit galit na galit sila umalis lang naman ako sandali eh."Ha!? Hindi, inutu---"
"Sana hindi kanalang namin niyaya dito! Ni hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka! Ang simple simple lang magpaalam Paulo!"Galit na galit parin si Zeus lalapit sana sya sakin pero hinarang ni Dave yung kanang kamay nya na naging dahilan para huminto sa paglapit sakin si Zeus.
"Gusto ko lang naman tumulong sainyo" Paliwanag ko.
"Tulong!? Tignan mo nga yung ginawa mo! Lahat kami dito nag aalala kung saang lupalop ka nagpunta!"
Hindi ako nakasagot kay Zeus at napatingin lang ako kay Dave at Radcliff. Huminga ng malalim si Dave para siguro tanggalin yung galit na nararamdaman nya. Gusto ko lang naman tumulong hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Sana sinabi nila na bawal akong umalis dito para alam ko! hindi yung sisigaw sigawan nalang ako ni Zeus. Halos mamuo na yung luha sa mga mata ko.