Yumuko ako para itago ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
"Anong nangyayari dito?" Biglang singit ng beking nag utos sakin at lumapit siya samin. Kunwari pa sya na nagtatanong pero alam ko naman na naririnig nya yung pagsigaw sakin ni Zeus.
Hindi sila sumagot sa tanong ng beki bagkus nanatili lang silang tahimik pero ng magtama ang mga mata namin nitong beking nasa harapan namin nakita ko sya na ngumiti yung ngiting pang asar. Sya yung typical na bakla na kapag tinignan mo alam mo na agad na plastik at palaaway, hindi sya tulad ng ibang bakla na mababait talaga. Hindi naman ako galit sakanya pero hindi bagay yung kilay nya sakanya!
"Nako naiintindihan ko naman kayo kung galit kayo dyan sa assistant nyo. Kahit ako maiinis dyan eh tignan nyo ang ayos ayos ng pakiusap ko sakanya kanina, mali mali naman yung pinagbibili, kakaloka! Parang hindi assistant!" Sabi ng beki sabay tawa.
"Haay nako akina nga yan! Ang tagal tagal mo! Yan na nga lang trabaho mo hindi mo pa maayos!" Sabi nya sabay agaw ng dala kong tinapay. Napatingin ako sa kanya at inirapan nya ko. Nakita ko rin si Dave na pumikit at huminga ng malalim samantalang si Zeus ay nakatingin lang ng malayo na parang sobrang lalim ng iniisip.
"Teka nga, teka nga lang. Ang ibig mo bang sabihin kaya nawala si Paulo dito sa studio dahil inuutusan mo sya!?"
"Ay oo! Pasensya na ha! Wala kasi kaming mautusan kanina kaya inutusan ko nalang yang assistant nyo. Atleast ngayon alam nyo na, na mali-mali sya. Nako kung ako sa inyo palitan nyo na yan, humanap nalang kayo ng iba." Sabi nya sabay ngiti.
"Anong karapatan mong utusan si Paulo?!" Nagulat ako at napalaki ang mata ko ng sabihin yun ni Zeus, Galit yung tono ng pananalita nya! Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
"Magbihis na kayo! Aalis na tayo!" Pasigaw na sabi ni Zeus sa dalawa at mabilis siyang pumunta sa dressing room nila. Samantalang tinignan pa ng masama ni Dave at Radcliff tong beking nasa harap namin bago sila sumunod kay Zeus.
"Teka anong nangyayari! Bakit kayo nagbibihis hindi pa tayo tapos!" Sigaw ng direktor at nagkagulo na nga dito sa studio. "Zeus, Zeus teka lang. Ano bang problema?" Dagdag pa ng Direktor habang pinipigilan si Zeus.
Nang nagkakagulo na agad akong tumakbo sa dressong room nila, sumunod din sa loob yung mataray na beki.
"Pasensya kana Zeus, isa pa hindi mo naman kailangan magalit sakin, assistant nyo lang naman yang inutusan ko eh, no harm done." Singit niya.
"Hindi lang sya basta bastang Assistant Teody! Kaibigan namin sya kaya wala kayong karapatan na utus utusan lang sya sa mga personal needs nyo! Ang usapan natin magmomodelo kami ng mga brand nyo pero wala sa usapan natin na gagawin nyong tagabili ng tinapay tong kaibigan namin!"
Nagulat ang direktor at napatingin sakin. Mabilis na humingi ng paumanhin ang direktor at pilit na pinipigilan silang tatlo na umalis. Pinahingi rin ng despensa si Teody sakin. So Teody pala ang panagalan nya.
Nung una nasaktan ako dahil sinigaw sigawan ako ni Zeus pero ngayon iba na yung nararamdaman ko. I mean hindi ko inaakalang magagalit sya dahil sa ginawa sakin ni Teody. Pero deep inside naman nung una palang na utusan ako ni Teody naramdaman ko na agad na gusto nya kong pahirapan, alam ko naman na mainit yung dugo nya sakin simula palang. Hindi nya siguro matanggap na ako yung assistant ng tatlong itlog nato. Kaso nagkamali sya dahil kaibigan ang turing sakin nilang tatlo.
Pero sakabila ng lahat ako na mismo ang nakiusap sakanila na tapusin na nila ang picture taking nila dahil nang hihinayang ako sa kikitahin nila, namin. Tutal andito narin naman kami kaya mas okay kung ituloy nalang namin at tapusin na. Hindi ko alam kung anong ginawa o nasabi ko pero pagkatapos ng lahat napapayag ko rin si Zeus na tapusin nalang yung shoot nila.
Pagkatapos ng shoot nila agad kaming umuwi at habang nasa byahe kami hindi kumikibo si Zeus, well ano pa nga bang bago dun. Pero in fairness ha, natouch ako sa ginawa nya hehe.
Pagdating namin sa bahay umakyat agad sila sa taas habang ako nagtuluy tuloy sa kusina para magluto ng dinner namin dala ko pa yung bag ko galing school. Nagmadali rin akong magluto dahil alam ko naman na gutom narin sila, actually gusto ko na ngang magsabing kumain nalang kami sa labas kaso nahihiya ako kasi walang nagsasalita sa loob ng sasakyan haha. Prinito ko nalang yung nakita kong chicken dito para mabilis lang maluto at makakain na kami.
"Oh ito na yung sahod mo." Sabi ni Dave sabay ngiti sakin at inabot sakin yung sobre. Pagkaabot ko sa mga kamay nya agad kong binuksan yung sobre at tinignan yung laman nitong pera.
"10k?!!!!" Nagulat ako dahil bakit? Teka totoo bato na 10k yung binibigay nila sakin? Or baka naman nagkakamali lang sila.
"Teka Dave, sure ba to o nagkamali kalang ng bilang?"
"Ha? Bakit?"
"Ang laki kasi nito, i mean wala naman akong masyadong ginawa nagbuhat lang ako ng bag ni Zeus na may lamang bato. Teka ano nga ba yung gagawin nya dun!?" Sabi ko.
"Tama lang yan" sabi nya sabay tawa. " oh ano ayaw mo ba? Akina bawasan natin."
"Ay hindi okay lang! Okay lang!" Sabi ko sabay tawa.
"Nga pala Pau, pag pasensyahan mo na si Zeus kanina ha sa mga nasabi nya." Napatingin ako kay Dave ng bigla nyang sabihin yun. "Actually si Zeus yung unang nakapansin sayo na wala ka sa studio, bago nung tinawagan ka nya, narinig nya yung cellphone mo sa bag kaya sobra syang nag alala kung nasan ka. baka kasi mamaya kung ano ng nangyari sayo lalo na, na wala kang kakilala dun studio, sana wag mong masamain yun Pau." Paliwanag ni Dave.
Ngumiti ako kay Dave." Okay lang sakin yun, naiintindihan ko naman kayo kung bakit nangyari yun, kasi kahit ako siguro ganun din yung mararamdaman ko kung biglang mawala yung kasama ko. Pasensya nakayo sakin kanina ha." Paghingi ko ng paumanhin na sinagot naman ng ngiti ni Dave sabay hawak sa ulo ko.
"Pero syempre what's for dinner? Grabe napagod na kami gutom na gutom na kami, malamang si Zeus malapit ng mamatay yun."
"Ay oo nga katatapos ko lang tong lutuin.. uhmmmm fried chickeeeen!" Sabi ko sabay bukas ng kaldero at inamoy. "Ay sige na pala tawagin mo na sila kain na tayo." Habol ko pa.
"Sana ginawa mo nalang afritada yan."
"Ha? Bakit? Ayaw nyo ng fried chicken?"
"Okay lang naman pero si Zeus kasi mahilig sya sa mga tomato based na ulam." Sabi ni Dave sabay sumigaw para tawagin yung dalawa.
Habang kumakain kami tahimik parin si Zeus at parang may iba sakanya I mean ganyan naman talaga sya eh pero parang hindi sya mapakali. Bago nakikita ko pa si Dave na sumesenyas senyas.
"Aware naman kayo na nandito ako diba?" Sabi ko kay Dave ng pabiro.
"Ahhmm.. ano kasi may sasabihin sayo si Zeus." Ng marinig ko yun agad akong napalingon kay Zeus, nakita ko pa syang umamba kay Dave.
"Ano yun?"
"Sorry." Sabi nya sabay kain ng kanin.
"Sorrrry?" Sabi ko pero nagpatuloy na syang kumain at iniwas na nya yung mukha nya sakin.
Ha? Wait ayun lang yung sasabihin nya!? wala ng iba!? Wala man lang sorry Paulo, nabigla lang ako! Aaarrrgghhhhh!
Sabagay kahit sa kaunting panahon lang namin magkakasama nakilala ko na si Zeus na hindi sya yung tipo ng tao na maraming linya ng salita ang lumalabas sa bibig.
Tumingin lang ako kay Dave at nagkibit balikat lang sya na para bang sinasabi nya na hindi nya rin alam kung ayun lang ba yung sasabihin ni Zeus pero kahit ganun paman sa attitude nya? Atleast nag-sorry parin sya diba at dahil dun masaya nako.
"Ay oo nga pala! Nakalimutan ko!" Sabi ko ng maalala ko na may naglagay pala ng gift sa bag ko kanina sa school hindi ko na natanong kung kanino galing to pero alam ko naman na, na para to sa tatlong itlog nato at galing to sa mga fans nila.
Kinuha ko yung bag ko na nakasabit sa gilid ng upuan ko at agad na binuksan to para kunin yung plastik.
"Ano yan?" Tanong ni Rad.
"Ah di ko rin alam eh, siguro chocolates, brownies or cookies. sainyo yata yan eh." Sabi ko sabay labas ng plastik sa bag ko at nilapag ko sa lamesa. Tumingin sakin si Dave at Rad sabay tingin kay Zeus na nakatingin sakin ng masama.
"Diba sinabi ko na sayo na wag ka ng tatanggap ng kahit anong bagay sa school para samin?" Sabi ni Zeus, galit nanaman ba sya? Kaka-sorry nya lang ha!
"Well technically hindi naman ako tumanggap ng bagay para sainyo, nilagay yan sa bag ko. Kaya---"
"Namimilosopo kapa."
Ngumiti lang ako kay Zeus pero sinungitan nya lang ako. Kinuha ko yung isang box ng chocolate at binasa ko yung note na nakadikit dito.
"Oww wait! Hindi pala para sainyo to!" Sabi ko sa masayang boses, syempre masaya ako kasi makakain ko to hahaha!
"Ha!?" Sabay na sinabi ni Dave at Radcliff. Gulat na gulat sila.
"Oo nga tignan nyo pa, to Paulo from---" hindi ko pa tapos basahin yung note ng agawin sakin ni Zeus yung box ng chocolate. Diba nasa kabilang side sya ng table pano sya nakarating sa gilid ko ng ganun kabilis?!
Napatingin lang ako sakanya habang tinitignan nya yung note na nakadikit sa chocolate.
"Huy! Anong ginagawa mo!" Sigaw ko ng bigla nyang buksan yung box at kinain nya yung chocolate!
Yayakapin ko sana yung plastik pero huli na ang lahat nakuha na ni Dave at Radcliff yung iba pang sweets na nasa plastik, buti nalang nakuha ko yung isang note.
"Ano ba! Akin yan eh! Alam nyo naman na favorite ko ang chocolates or any sweets eh bakit kinain nyo lahat! Ang dami daming nagbibigay sainyo ng ganyan hindi yun yung kainin nyo! Bakit yung akin pa!!! Ahrrgghh! Nakakainis naman kayo!!" Naiirita kong sabi na parang bata.
"Sorry, sorry Pau. Namiss kasi naming kumain ng matamis eh." Sabi ni Dave habang natatawa pa.
"Bakit hindi nyo kainin yung binibigay sainyo ng mga fans nyo! Ang dami dami nun ha!" Naiirita parin ako.
Tumingin ako kay Zeus na sarap na sarap sa kinakain nya, akala ko ba hindi sya kumakain ng matamis! Nakakainis naman tong mga to! Haaaay.. nag magtama yung mga mata namin nagkibit balikat lang sya at bumalik na sya sa upuan nya.
Binuklat ko yung note na nakadikit sa ibang chocolates at binasa ko yun.
"Hala! Omygad! Ohmygad!" Sabi ko sa natatarantang boses at the same time kinakabahan.
"Bakit?! Bakit?" Sabi ni Rad.
"Gustong makipagkita sakin nitong nagbigay ng sweets sakin bukas! Hala ohmygad" Sigaw ko na kinakaba kabahan parin.