Ito na ang hinihintay naming lahat! Mixed emotion ang nararamdaman ko, masaya at excited ako pero at the same time kinakabahan ako para sa 3 annoying men! Si Rad kasama sa basketball tournament, si Dave naman sa swimming at ito namang lider nila representative ng department nila sa pa-pogian haha pero bakit nararamdaman ko na hindi nako magtataka kung si Zeus na ang manalo sa king of the night?
Ako lang ang walang sinaliyan ngayong foundation saming apat haha ganun pa man sisiguraduhin ko naman na susuportahan ko silang tatlo kaso ang hirap hindi ko alam kung saan ako pupunta sakanila magkaka overlap ang start ng mga sinalihan nilang paligsahan.
Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta, sa masasarap ba? Sa mga hot? O sa mga hearthrob. Basketball, swimming o department's star.
"Pau, dun ka sa harap umupo ha para di ako kabahan." Sabi ni Rad habang kumakain kami.
Ngumiti ako."syempre naman! Ichi-cheer kita hehe!"
"Oh teka lang, bakit si Rad ichi-cheer mo? Pano naman ako? May laban din ako!" Sabi ni Dave.
"Eh kaya mo naman na yan Dave eh, sanay kanang sumali sa mga tournament ako ngayon lang kaya need ko si Paulo."
"Ha? Ediba naglalaro kana ng basketball nung highschool ka? Pero bigla kanalang nag stop? Paulo ano? Sa swimming ka nalang manuod."
"Ha? Paulo diba sabi mo sa sakin ka manonood?"
At tuluyan na nga silang nagtalo dalawa ng may bigla akong narinig.
"Eeerrrmmm..."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog, galing to kay Zeus na umiinom ng tea.
Napahinga lang ako ng malalim... haaaay! wag mong sabihin sya rin!? Kahit hindi sya magsalita which is hindi naman talaga nya gawain mag salita bakit feeling ko isa rin syang nakikipagtalo dito sa dalawa cold war nga lang yung sakanya.
Pano ko naman kaya hahatiin yung katawan ko sakanilang tatlo? At bakit kailangan na andun ako sakanila para mag cheer alam naman nating lahat na marami silang mga fans sa school at alam natin na kahit hindi nila sabihin mag chi-cheer at mag chi-cheer yung mga fans nila para sakanila.
"Sanadali nga lang! Ganito nalang. Tutal mauuna ka ng konti Rad sayo muna ako pupunta, bago pag nag start na yung sainyo Dave pupuntahan naman kita. Okay bayun?" Sabi ko, napaisip naman silang dalawa.
"Errrm!" Napatingin naman ako kay Zeus ng umubo pa kunwari.
"At since ikaw naman ang huli pagkatapos ng laban nila Rad at Dave sayo naman ako pupunta. Okay?" Sabi ko pero hindi sya sumagot! Letse ka talaga!!!!!!
Wala kaming klase ngayon kaya naman pag pasok namin sa school mas maraming estudyante ang sumalubong samin! Nako naman! Pero natutuwa ako dahil halatang halata na prinoprotektahan ako nitong tatlong kasama ko para hindi ako maipit sa mga nagkakagulong estudyante.
"Pau! Wag mong kakalimutang pumunta sakin ha!" Pag papaalala ni Dave dahil diretsyo nako sa gym para sa laro ni Rad. Andun narin si Joan at naghihintay na sakin. Sinagot ko lang sya ng pagtango at ngiti.
Pagdating namin ni Radcliff sa entrance ng gym naghiwalay na kami at nagpaalaam sa isa't isa, ako sa entrance ng gym pumasok habang sya naman sa athlete entrance sya pumasok.
"Rad! Kaya mo yan!" Sabi ko kay Rad at tinaas yung kamao ko para icheer sya ng personal, sinagot naman nya ko ng ngiti at tinaas din ang kamao nya.
Sa harapan kami nakaupo dahil may seat number kami, todo pasalamat naman si Joan kasi binigyam ko rin sya ng ticket alam ko kasing bet na bet nyang manood ng mga lalaking nagbabasketball. Yung unang baytang lang ang may mga seat number para sa event nato, para yun sa mga kaibigan ng mga player samantalang the rest ng mga upuan sa pangalawa hanggang pang anim na baytang first come first serve na.
"Oh!" Sabi ni Joan sabay abot sakin ng bote ng tubig.
"Para san to?"
"Nako para yan sa lalamunan mo, i'm sure sasakit lalamunan mo kakasigaw."
Ilang minuto pa nagsimula na ang laban pinakilala muna ang bawat team. Totoo nga yung sinabi ni Joan na sasakit yung lalamunan ko dahil paglabas ng team nila Rad sumigaw ako ng napakalakas, ganun din yung mga fans nya ang iba gumawa pa ng sarili nilang jingle para lang macheer si Rad.
Nilabas ko yung ginawa kong banner para kay Rad actually ginawan ko silang dalawa ni Dave. Hindi nako gumawa kay Zeus dahil hindi naman sport yung sinalihan nya palakpakan lang okay na hehe.
Halos matanggal yung mga mata ko ng makita ko si Rad maglaro ng basketball! Sobrang galing nya! Alam ko ang tingin ko sa kanya baby pa kahit pa na magkakasing edad lang kami at sa buwan lang kami nagkakaiba.
pero ngayon habang pinapanood ko sya ang sarap nyang tignan ang bango bango nyang tignan kahit pa pawis na pawis na sya. Sobrang lumilitaw yung kaputian nya dahil sa kulay itim at yellow na jersey na suot ng team nila. Yung pawis nya sa mukha, yung tangos ng ilong nya at mapupula nyang mga labi, malapad din ang likod nya bumabakat yung mga muscle nya! At yung braso nya mukang matigas. Di ko rin maiwasang tumingin sa buhok nya sa kilikili na sa sobrang nipis kitang kita ang kaputian ng kilikili nya mas makinis pa sa mukha ko at pag binaba mo pa yung mata mo, may nakabukol! OMG! Pinagpala sya. Teka! Teka nga lang! Dyusko! kalibugan umalis ka nga sa isipan ko!!
"Pau okay kalang ba?" Tanong ni Joan.
"Ha? Oo okay lang ako, wag mo'kong pansinin. Haha!"
Pag nakaka shoot sya ng bola halos magpatayan na yung mga fans nya sa sobrang kilig nila!
Sobrang intense ng laban sobrang galing ni Rad pero magagaling din yung mga kalaban nila magkadikit lang ang score nila na 6-5 para sa first quarter.
"Grabe nakita nyo ba yun? Tumingin sakin si Radcliff! Kanina nya pa ako tinitignan!" Sabi ng isang babae malapit samin.
"Sis wag ka ngang ambisyosa alam naman natin na sakin tumitingin si Rad hindi nya siguro maiwasang tignan ang mala dyosa kong ganda." Sabi pa nung kasama nilang beki.
Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Joan at natawa sa mga usapan nilang grupo na halos mag okrayan na silang lahat para lang makuha si Radcliff.
"Ohmygad! Ohmygad! Lalapitan nako ni Rad!" Natatarantang sabi ng babae kaya naman napatingin kami sa lalaking tinutukoy nila, si Rad nga yun. Nagtitilian at nagsisigawan ang lahat ng nadadaanan ni Rad sa sobrang kilig nila.
Kung pupunta nga si Rad malapit dito samin at totoo nga yung sinasabi nila, Don't tell me may bet si Rad sa grupo nila?
"Ah Rad gusto mo ng water?" Alok ng isang babae malapit samin pero tinanggihan nya yun at biglang nagtama yung mga mata naming dalawa kaya namang iniwas ko agad yun. Ohmygad! Dito ba sya pupunta samin? Nako wag! Please wag! Ayoko ng g**o nakakahiya! Dun ka.
"Nauuhaw ako." Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko hingal na hingal to at pawis na pawis.
"Ha?" Sabi ko lang.
"Tubig." Sabi nya sabay turo sa tubig na hawak ko. Napatingin naman ako sa team nila, may mga tubig naman dun bakit yung sakin pa yung gusto nya?
Inabot ko sakanya yung hawak kong tubig at sinagot naman nya ko ng ngiti at agad na uminom ng tubig.
"Nako, talo ka beks. Hindi ikaw ang pinili."
"Sino bayan? Bakit sya nilalapitan ni Rad?"
"Sssh! Wag kayo maingay baka marinig tayo, ayan ata yung chakang kasama nila sa bahay."
"Nako sya bayun, nako arte arte di naman maganda."
"Kaya nga naiinis ako dyan, kala mo maganda."
Napangiti ako sa sobrang inis ng marinig ko yung mga pinag sasabi nitong mga to! Akala ata nila hindi ko naririnig yung mga sinasabi nila! Mga inggit lang sila dahil ako nakakausap at nakakasama ko si Radcliff sila hanggang tingin lang. Sa sobrang inis ko mas lalo ko pa silang inasar.
Pagkatapos uminom ni Rad ng tubig inabot nya ulit sakin yung bote.
"Thank you." Sabi nya. Kinuha ko yung bote at nilabas ko yung panyo sa bulsa ko.
"Oh sandali lang, dyusko naman pawis na pawis ka oh, lapit ka punasan muna natin yang pawis mo." Sabi ko sabay punas ng pawis nya sa mukha at sa leeg. Pumikit si Rad at nilapit nya yung mukha nya sakin tinaas ko yung bangs nya, grabe basang basa rin yung buhok nya dahil sa pawis. Pinunasan ko yung mukha nya.
Lumingon ako sa grupo ng mga babae at beki malapit samin at nakatingin sila ng masama sakin actually hindi lang sila halos lahat ng nandun halos pinapatay nako ng tingin pero ang iba naman kinikilig saming dalawa at ang iba naiinggit at naiinis tulad nitong grupong pinapakitahan ko ng affection ko kay Rad hahaha.
Nilapit ko yung mukha ko sa tenga ni Radcliff habang pinupunasan ko yung leeg nya narinig ko pa na may nagsigawan dahil sa ginawa ko.
"When I say sinong love mo, you say ikaw." Bulong ko.
"Ha?"
"Basta gawin mo nalang! Ha? Ha?" Sabi ko sabay ngiti sakanya.
"Ayan fresh na fresh kana ulit. Ang galing mo talaga haha. Balik kana dun Rad." Sabi ko na sinagot naman nya ng ngiti at kumaway sya sakin na nagpakilig din sa ibang fans nya kaya naman nagtilian sila.
Tumingin ako sa mga grupong kung anu-anong sinasabi sakin at ngumiti ako ng may pang asar. Nang natapat na si Rad sakanila bigla akong sumigaw.
"Rad! Sinong love mo!?"
Napahinto si Rad sa paglalakad at napatingin sakin na para bang naguguluhan. Tumitig ako sakanya at sumenyas na alalahanin yung sinabi ko sakanya mga ilang segundo rin ng ma-gets nya yung sinabi ko kaya naman ngumiti sya at sumigaw rin.
"Ikaw!" Sabay takbo pabalik sa team nila. Sobrang lakas ng tilian ng mga nakarinig sa sinagot ni Rad haha.
I WON bitches! Ngiting tagumpay ako sabay tingin ulit sa mga grupo ng beki at babae na para bang sino-sorry ko sila hahaha. Nag irapan naman silang lahat sakin.
"Hmmp if I know, tinakot nya lang si Rad. Nakakainis sya di naman sya maganda! Arte arte pa." Narinig ko pang sabi nila hahaha. Pero di nako sumagot dahil alam ko naman na na panalo nako sakanila wahahaha!
"Huy! Okay kalang ba!? Kaylan ka pa natutong lumande ng ganyan! At kay Radcliff pa ha! May gusto kaba kay Rad?!" Bulong sakin ni Joan.
"Ano kaba, charot lang yun! May pinakitahan lang ako kung sino ang Alpha samin at kung ano yung pagkakaiba nila sakin. Kung maka okray kasi sila sakin wagas kala mo mga perfect." Bulong ko rin kay Joan sabay nagtawanan kami.
Habang on going yung third quarter ng laban nila Rad naalala ko naman yung game ni Dave kaya naman nagpaalam muna ako kay Joan.
"Joan dito ka muna ha, puntahan ko lang saglit si Dave para sa first match nila." Sabi ko at mabilis na lumipat sa pool area ng school namin, buti magkalapit lang ang basketball gym namin at ang pool area! Grabe ha! Not in a million time na naisip ko na magagawa ko yung ganito.
Pagdating ko sa loob, umupo ako sa bandang harapan kung saan nakasulat yung seat number ko. Pinapakilala na ang mga kalahok para sa first round at syempre sobrang lakas ng tiliian ng mga estudyante dito at in all fairness grabe ang ha-hot nilang lahat grabe yung mga braso at chest nila! Yung iba may mga abs pa ang sasarap nilang lahat! Para akong nasa heaven ngayon! No wonder bakit gustong sumama ni Joan dito! Talande talaga hahaha!
Sobrang daming nag chi-cheer kay Dave may mga banner pa sila, pero syempre hindi ako papakabog sakanila haha!
Ay teka lang! Diba si Archee yun? Omygad! Si Archee nga! Kasama rin pala sya rito! Ito na pag kakataon ko na kausapin sya after nito.
Ng malapit ng ipakilala si Dave tumingin sya kung saan ako nakaupo para siguro iconfirm kung andun ba talaga ako. Alam nya kung saan ako nakaupo dahil sya pumili at ng bigay sakin ng seat number sa ticket ko!.
Ng ipakilala si Dave sumigaw ako ng napakalakas at nilabas ko yung cartolinang ginawa ko para naman sa kanya, nakita ko syang ngumiti sakin kaya naman nilaksan ko pa yung pag sigaw ko, shet! Kahit nakakahiya ginawa ko parin para kay Dave haha! Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ko to! Nakakahiya pero hindi ako magpapatalo dahil kahit hindi sabihin ng mga fans ni Dave parang nakikipag paligsahan sila sakin sa pagsigaw at pag cheer kay Dave! Aba syempre hindi ako magpapatalo!
Nag simula na ang laban para sa first round department vs. Department pero hindi pa nagsisimula si Dave ng biglang magring yung fone ko, sino naman kaya to? Si Joan?.
Sinagot ko agad yung tawag ni Joan habang nakatakip ang isa kong kamay sa kabila kong tenga.
"Oh Jo? Diba napag usapan na natin na dyan ka muna bago magpalit nalang tayo pag patapos na yung laban ni Rad."
[Hindi yun yung tinawag ko Paulo! Paulo! si Radcliff! Pumunta ka ngayon dito!!!] Sigaw ni Joan na agad namang nagpatayo sa kinauupuan ko.
"Bakit anong nangyari sakanya!?"
Agad akong napatakbo sa gymanasium para tignan ang kalagayan ni Radcliff. Sobrang bilis ng puso ko sa kaba pag dating ko sa harap ng gymansium nagkakagulo na sila. Tumakbo ako sa nakaumpok na mga player ng basketball at pumasok ako para makita yung harap sobrang hirap dahil ang tatangkad nila, wala nakong pakilam kahit dumikit na sakin yung mga pawisan nilang katawan.
Nanglaki yung mga mata ko ng makita ko si Rad na nakahandusay sa lapag habang inaasist sya ng referee, nasan yung medical staff ng school? Wala parin ba?
"Rad! Anong nangyari?!" Sigaw ko habang natataranta pa ako. "Tunawag kayo ng tulong! Tumawag kayo sa 911 please!"
"Rad, kaya mo yan andito lang ako" sabi ko habang hawak hawak ko yung mga kamay nya halos hirap syang huminga.
"Bigyan nyo sya ng space!" Sigaw ng school nurse namin habanh tumatakbo papalapit.
Tumingin lang sakin si Rad sabay nawalan na sya ng malay.
Takot na takot ako halos manginig ang buo kong katawan sa nasasaksihan ko ngayon parang naging bato ang mga paa ko, hindi ako makagalaw habang tinitignan ang walang malay na si Rad.
Ilang minuto ang lumipas pero sa mundo ko parang ilang oras ang lumipas ng dumating ang emergency at agad na sinakay si Rad papuntang hospital. Sumama ako sa loob ng emergency. Di ko alam kung ano yung gagawin ko, first time ko lang maranasan yung ganito at wala nakong balak pang maranasan ulit.
Pinaalis ako ng doktor na tumitingin kay Rad at umupo muna ako sa waiting area habang hinihintay ang doktor na tumitingin sakanya. Tinanong ako ng nurse kung anong pangalan ng pasyente at nag fill out ako ng form. Nagulat pa ang nurse na kaharap ko ng malaman nyang si Radcliff Manalo yung pasyente.
Pagkatapos kong mag fill out ng form umupo ulit ako sa waiting area naiiyak parin ako sa takot at kaba pero lahat ng yung biglang nawala ng makita ko ang lalaking tumatakbo papalapit sakin, si Zeus. Tumayo ako habang nakatingin sakanya. Nakaramdam ako ng init ng bigla nya kong yakapin ng mahigpit at muling bumuhos ang luha saking mga mata.
"wag kanang mag-alala... andito nako."
"Takot na takot ako, hindi ko alam yung gagawin ko." Nauutal kong sabi habang umiiyak.
"Alam ko... and you did a great job. Hindi mo pinabayaan si Rad." Nang marinig ko yun mula sa bibig ni Zeus nakaramdam ako ng saya, kumalma yung buo kong katawan na parang sinasabi sakin na okay na may kasama kana. Bigla kong naramdaman ang pagkapagod at gutom dahil narin siguro kumalma nako.
Ilang minuto rin kaming naghintay bago nirekomenda ng doctor na mag stay muna si Rad sa ospital kaya naman kinuhanan na sya agad ng pinaka mahal na private room. Nagulat ako ng malaman ko yun pero kabaliktaran naman sa reaksyon ni Zeus parang hindi na sya nagulat. Alam ko naman na may kaya ang pamilya ni Rad pero hindi ko alam na afford nila yung ganitong kamahal na room, turns out na tong ospital nato ay isa lang pala sa mga business ng pamilya ni Radcliff kaya pala ganun nalang yung reaksyon ng nurse kanina ng malaman nyang si Rad ang pasyente.
Umupo kami sa labas ng kwarto ni Rad habang hinihintay na matapos yung paglipat nila kay Rad sa room.
"Nga pala anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Zeus, kasi alam ko naman na may laban pa sya sa king of the night.
"Sinasamahan ka." Arrgh! Ayan balik na naman ata sya sa ganyang pagsagot nya. Pero in fairness kanina ha. Iba yung dating ng pagkausap nya sakin kanina parang pakiramdam ko nasa koreanovela ako.
"I mean, diba may laban kapa?"
"Yaan mo na." Nako po! Confirm si Zeus na nga tong kausap ko. Tumingin lang ako sakanya at hindi na sya sinagot.
Napatayo naman kaming dalawa ng biglang lumabas ang doktor sa loob ng kwarto ni Rad.
"Dok kamusta napo si Rad?" Tanong ni Zeus.
"Okay naman na sya."
"Ano pong nangyari Dok? Bakit po sya nahilo at nahimatay? para rin po syang nahihirapan huminga." Sabi ko.
"Ahh may condition kasi si Radcliff na tinatawag na arrhythmia it was caused by excessive practice. Ni-recommend ko na before na need na nyang huminto sa pag ba-basketball o sa kahit anong sports na makaka apekto sa heartbeat nya."
Natulala nalang ako ng sabihin sakin ng doktor yun dahil pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat, ako ang pumilit kay Rad na sumali sya sa basketball kahit pa na alam ko na nuon pa na huminto na sya sa paglalaro. Akala ko dahil ayaw nya lang maglaro hindi ko alam na meron pa palang dahilan kung bakit sya huminto sa pag ba-basketball.
Pag alis ng doktor agad sumenyas si Zeus na pumasok na kami sa loob pero naging bato ang mga paa ko. Nahihiya ako, natatakot na harapin si Rad dahil alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit sya nandito ngayon sa ospital.