Chapter 15: unexpected melody

2025 Words
Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Rad dahil sa ginawa ko parang nilagay ko pa sa panganib yung buhay nya. Sinenyasan ako ni Zeus na pumasok na sa loob pero nanatili parin ako sa labas. "Gising na sya." Sabi ni Zeus at agad na pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim at dahan dahang pumasok. Bumungad sakin ang nakangiting mga labi ni Rad habang nakahiga. Nang makita nya kami, agad syang bumangon. tinulungan naman agad sya ni Zeus at inayos yung kama nya. "Anong nangyari!?" Sigaw ni Dave pagkapasok nya sa pinto. Napatingin naman kaming tatlo sa alalang alalang si Dave. "Wala to, napagod lang ako." Sabi ni Rad sabay ngiti ulit. Nang sabihin yun ni Rad kumalma na si Dave at umupo sa gilid ng kama. "Pinakaba mo ko dun ha. Buti nalang mabilis ang balita kaya nakarating agad sakin pag tapos ng laban namin kaya agad akong pumunta dito." Paliwanag ni Dave " nga pala, ano pang ginagawa mo rito Zeus? Diba may laban kapa?" "Hindi na. Samahan ko nalang kayo, mas importante na nandito rin ako." "pwede kapang humabol sa laban mo Zeus, tutal andito naman nako, ako nalang muna ang magbabantay kay Rad." Napatingin naman ako kay Zeus sa sinabi nya dahil kahit alam naman na natin na sya ang mananalo duon at makakakuha ng prize tinalikuran nya parin yun para sa kaibigan nya. Napaisip tuloy ako na kahit wala syang emosyon na pinapakita sayo mararamdaman mo naman na mahalaga ka sakanya. "Pumunta kana Zeus, ayokong maging dahilan para hindi ka makasali sa king of the night." Sabi ni Rad sabay ngiti sakanya. "Andito naman na si Dave, sumama kanarin Pau, para kahit papano meron mag chi-cheer kay Zeus na kaibigan nya." Dagdag pa nito. Tumingin lang sakanya si Zeus. "Sige na Zeus, ako na bahala kay Rad. Alam namin na may pag gagamitan ka ng prize nayun." "Ha? Teka kailangan mo rin ng pera?" Sabi ko sa pagtataka. Magsasalita pa sana ako pero biglang tinakpan ni Zeus yung bibig ko at niyakap nya yung mga braso nya sa leeg ko. "Kung ganun pupunta muna kami pero after nun babalik agad kami, tawagan mo agad ako Dave pag may nangyari dito ha." Sabi nya sabay hila sakin papalabas ng kwarto. Sumakay agad kami ng taxi pabalik ng school pero sa byaheng yun ni hindi kami nag uusap ni Zeus, haay asa pakong kakausapin nya ko. Naghiwalay kami ni Zeus sa labas ng u-theater dahil sa likod sya papasok. "Hintayin moko dito after matapos nitong event ha! Wag kang aalis dito!" Sabi nya pa na para bang nagbabanta sakin sabay mabilis na tumakbo sa likod ng building ng u-theater ng school namin. Agad ko namang tinawagan si Joan na ngayo'y nasa loob na ng teatro. "Kamusta si Radcliff?" Bungad nya sakin pagkaupo na pagkaupo ko. Nyeta ha! di man lang nya ko tatanungin kung gano kahirap hanapin tong upuan nato dahil nakapatay na ang ilaw at mukang nag sstart na ang event. "Okay naman na sya, nagising na sya nagpapahinga nalang sya ngayon sa ospital." "Ahh, buti naman. Nako alam mo ba natatawa nga ako kasi naalala mo yung mga inggeterang grupo na malapit satin kanina sa gym? Nako dai! Pinagkakalat ba naman na may lason daw yung pinainom mong tubig sakanya." "Ha!?" "Oo dai! Nako sinasabi ko sayo! Buti nalang andun ako at napigilan ko ang pag baback fire sayo ng kalandiang ginawa mo." "Landi agad? Sila naman nauna eh, gumanti lang ako sa pang aasar sakanila." Napatigil kami sa pag kwekwentuhan ng biglang nagsigawan ang mga taong nandito sa loob ng teatro kaya naman agad kaming napatingin sa front stage. Lumabas na pala si Zeus at sobrang bilis nyang mag ayos ha! Hindi mo halata sakanya na pagod syang tumakbo papunta rito. "Anyway alam mo ba 15k ang prize ng mananalong king of the night!?" "Ha? Ganun kalaki yung premyo!? Edi sana sumali narin ako!" "Teh asa pa? Ikaw? King? Nagpapatawa kaba!?" "Kontrabida ka talaga!" Sabi ko sabay nagtawan kaming dalawa. Sa panonood ko nitong event nato, ngayon ko lang napansin na marami pala talagang mga gwapo rito sa school namin at talagang masasabi mong malalaks din ang laban nila kay Zeus pero kahit ganun maririnig mo parin na mas angat si Zeus sa sigawan at palakpakan ng mga audience sa twing lalabas sya ng entablado. Hindi ko alam kung na-eenjoy ko ba tong pinapanood ko dahil hindi ko namamalayan ang oras na lumilipas. Alam ko hindi naman ako mahilig sa mga ganitong mga show pero bakit ngayon bakit parang naeenjoy ko na yung mga ganitong event at ngayo'y umabot pako sa talent portion!? Dati simula palang gusto ko ng umuwi at magbasa nalang ng libro o manood ng movies sa boarding house pero ngayon bakit parang kasali rin ako sa patimpalak nato, hindi naman ako ang kasali pero bakit parang kinakabahan ako? Dahil ba to sa iniisip ko kung ano ba ang gagawin ni Zeus? ang alam ko lang na talent nya is magpa pogi (kahit pa na natural na sakanya ang pagiging pogi haha) at magpatili ng mga taong makakasalubong nya. Lalong lumakas ang tilian ng lumabas na si Zeus. "Ohmygad! Yung asawa ko! Yung asawa ko!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Halos lahat naman sila ganun yung sinisigaw eh. "Aaaraaaay!" Sigaw ko ng bigla akong kurutin ni Joan."bakit ka nangungurot!?" "Hindi kaba sisigaw?! Papatalo kaba sakanila?" "Ano kaba? Bakit ako sisigaw?" "Nako di ka makakapagsinungaling sakin teh! Kilala kita, iba yung turing mo kay Zeus compare dun sa dalawang prinsipe." "Sino bang hindi maiinis dyan kay Zeus?!----" napatigil ako ng biglang tumitig sakin si Joan ng may ibang ibig sabihin. "Ewan ko sayo." "See.... hahahaha!" "Ika---" "Ssshhh! Magsisimula na si Zeus!" "Ahhh... good evening sainyong lahat!" Hala nag goodevening palang tong lalaking to halos magpakamatay na ang mga tao rito sa sobrang kilig, wag mong sabihin ayan lang ang gagawin nya? "Aaahhh... alam ko hindi espesyal tong gagawin ko pero.... gusto ko lang ipaalam ang nararamdaman ko sa isang napaka espesyal na tao.." biglang nag sigawan ulit ang lahat, halos mabingi kami sa hiyawan at sigawan ng mga tao "Ang title ng kantang to ay 'di makatulog Sinulat ko ang kantang 'to para sa taong gumising ulit ng puso ko." Nanlaki yung mga mata ko ng marinig ko yun. Wait don't tell me inlove si Zeus? Kanino? Nang biglang bumalik sa isip ko ang pinag usapan namin ni Dave sa BBQ night namin. Nagsimulang tumugtog ang mga gitara at drums kasabay ang pagsigaw ng mga tao rito. ?Heto na naman ang pusong gising na gising Sabik sa mga yakap mong kay lambing Umaga na pala pero walang pakialam Kausap ka penge pa ng sandali..? Halos matanggal ang mga mata ko sa sobrang gulat ng marinig ko ang boses ni Zeus, hindi ko akalain na ang ganda pala ng boses nya. Sobrang lalim ng boses nya na talaga namang mahihintulad mo sa boses ni Ken ng SB19. ?Minsan lang ako magkaganito Puso kong umidlip ginising mo? Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko yun lalo na ng mapatingin ako sa mga mata ni Zeus, alam ko hindi para sakin to pero bakit parang iba yung nararamdaman ko? Hindi kaya totoo yung sinasabi ni Joan tungkol sakin? Na may gusto ako kay Zeus? ?Ang panalangin ko Ako sanang naiisip mo Bago pumikit ang iyong mata Ayokong managinip ng mag-isa? Bigla akong siniko ni Joan kaya naman napatingin ako sakanya, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Ngumiti sakin si Joan at sumenyas sakin na para sakin yung kanta na ginawa ni Zeus. ?Heto na naman lumusong ang pusong sabik Di na mahintay masilayan ang iyong labi Gabi na pero iniisip ko pa rin Buong araw mo sa aking piling Minsan lang ako hindi malito Puso kong naligaw, ay nahanap mo? "Wala na bes, may nanalo na talaga!" Narinig namin sabi ng babae sa likuran namin. "Hindi kaya para kay Mary Ann yan?" "Sino yun?" "Ano kaba? Fan kaba talaga ni Zeus?! Hindi mo kilala si Mary Ann!" "Sya lang naman ang nagpatibok ng puso ng prinsepe natin!" Singit pa ng isang babae na kasama nila. Napayuko naman ako ng marinig ko yung usapan ng grupong katabi namin. Ano tong narramdaman ko? Parang may kung anong nakabara sa dibdib ko. "Ang balita ko pa nga nagkikita raw sila after school." Napatingin ako kay Joan, na ngayo'y nakatingin din sakin na parang gulat na gulat din sa mga nalaman nya. Sa tagal na namin magkasama sa iisang bahay bakit hindi ko alam na nag mi-meet sila after school? Kailan ko lang din narinig ang pangalang Mary Ann. Kailan ko lang din nalaman ang konting nakaraan ni Zeus. Pero ang hindi ko maintindihan bakit parang may nararamdaman akong sakit ngayon sa puso ko? Baka dahil to kay Rad? Tama nga, dahil siguro to kay Rad dahil nasa ospital sya ngayon. ?Ang panalangin ko Ako sanang naiisip mo Bago pumikit ang iyong mata Ayaw nang managinip ng mag-isa Di makatulog? Napatingin ako sa taong kumakanta sa harapan at biglang nagtama ang mga mata namin sa huling linya ng kanta nya pero agad ko rin iniwas ang tingin ko at yumuko ako ng bahadya. Nagpalakpakan ang lahat at ang iba ay nag sisigawan pa. Halos hindi nako nakikinig o nanonood sa mga sumunod na pangyayari bumalik lang ang atensyon ko sa harap ng biglang magsigawan ulit ng napakalakas ang mga taong nandito sa loob ng theater at tumambad sa harapan ko ang lalaking nakatayo at nagpapasalamat dahil sa pagkaka panalo nya. Si Zeus. "Huy okay kalang ba?" Tanong ni Joan na sinagot ko lang ng pagtango. "Teh sorry ha, kala ko kasi para sayo yung sinulat nyang kanta eh. Hindi ko rin kasi alam na meron pala syang kinikitang babae ngayon." Malungkot na sabi ni Joan. "Ano kaba, okay lang yun. Wala naman sakin yun, magkaibigan lang naman kami." Sabi ko sakanya. Mag aalas nueve narin ng matapos ang event at nakatayo nako ngayon sa harap ng theater namin ngayon tulad ng sinabi kanina ni Zeus. Mag-isa nalang ako ngayon dahil nauna na si Joan para umuwi. Ano pabang ginagawa ni Zeus sa loob? Nakalimutan na ata nyang pupunta pa kaming ospital para kay Rad. Ilang minuto pa ang lumipas at umupo nako sa kinakatayuan ko habang nagdadrawing sa semento gamit ang hintuturo ko. "Ano tara na?" Napatingin ako sa may ari ng boses at tumingala ako, nakita ko si Zeus na nakapagpalit na ng damit nya, ayun na ulit yung damit nya ng pumunta kami rito sa theater. Sinagot ko sya ng taimtim na ngiti at tumayo na para maglakad. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad hanggang makarating kami sa kalsada kung saan maghihintay kami ng taxi papuntang ospital. Medyo malamig ngayong gabi at parang uulan. Medyo madalang narin ang dumadaang taxi rito sa mga ganitong oras. "So... para kanino yung sinulat mong kanta?" Tanong ko sakanya para mabasag lang ang katahimikan saming dalawa sabay tumawa ako na kunwari nang aasar ako. Tumingin lang sya sakin sabay iniwas nya ulit yung tingin nya na para bang nagsusungit sya. Tumawa nalang ako at hinampas sya ng mahina sa braso. "Okay okay kung ayaw mo sabihin okay lang." Sabi ko sakanya kahit pa alam ko naman na kung para kanino yun. Biglang nagring yung fone ni Zeus na agad naman nyang sinagot si Dave ang tumatawag. "Ha? Anong nangyari?!" Sigaw ni Zeus at halata mo na alalang alala sya. "Sige pupunta na kami dyan... ha!? Okay sige pauwi na kami." Pagkababa na pagkababa ni Zeus ng telepono tumingin sya sa fone nya at parang nagbook nalang sya ng grab. "Bakit anong nangyari?" "Hindi ko rin alam. Si Dave nalang ang magpaliwanag satin." Nang dumating yung grab namin sobrang nagmamadali si Zeus na makauwi, nagtaka pako bakit sa bahay kami pupunta hindi sa ospital. Halos tumakbo sya papasok ng bahay ng makauwi kami. "Dave, anong nangyari? Nasan si Rad?!" "Zeus, inuwi na si Rad sa bahay nila pinasundo na sya ng mommy nya." "Ha? Pero kailan daw makakabalik si Rad dito?" Tanong ko kay Dave. Pero tumingin lang sakin si Dave at yumuko. Original music : Di makatulog by SUD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD