Chapter 16: let's fight together

2357 Words
Dumaan ang isang araw, dalawa, tatlo at limang araw pero hindi parin umuuwi sa bahay si Radcliff, hindi narin sya pumapasok kaya naman sobra akong nag aalala kung ano ng nangyari sakanya, halos tahimik narin kami sa bahay habang kumakain ng breakfast at dinner pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko hindi kami buo kung wala si Radcliff. Sobrang nami-miss ko na sya at alam ko ganun din nararamdaman nina Dave at Zeus, hindi man nila sabihin o ipakita sakin nararamdaman ko parin na nami-miss na nila si Rad. Kahit sa school kumalat na parang apoy ang balita na wala na si Radcliff sa 3 handsome men maraming balita at chismis ang nagkalat sa loob ng campus ang iba pa dun sinasabing patay naraw sya dahil sa nangyari nung tournament. Ang iba naman sinasabing nag away silang dalawa ni Dave dahil sakin. Minsan matatawa kanalamg pero kahit ganun paman hindi parin maalis sa isip ko na wala parin kaming balita kay Radcliff. Kahit cellphone nya hindi namin makontak, ano na kayang nangyayari sakanya? Pero araw ng sabado, hapon. hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tinanong ko na si Dave kung saan nakatira si Radcliff una ayaw nya pang sabihin pero nararamdaman ko na gusto nya ring sabihin dahil gusto nya rin malaman kung kamusta naba si Radcliff. Nagmadali kaming pumunta sa bahay nila ang hindi ko inaasahan ang pagsama ni Zeus saming dalawa ninDave. kahit pa na hindi mo sya yayain ay kusa syang sumama ng malaman nyang pupunta kami sa bahay ng kaibigan namin. "Wait, Dave sure kaba na ito yung bahay nila Rad?" Nag aalinlangan kong tanong sakanya. Ginala ni Dave yung mata nya at tumango. "Last time na punta ko rito? Ito nga yung bahay nila." "Ha!?" Napasigaw ako sa gulat. "Bakit?!" Nagulat din si Dave. "Bahay nila to? Uulitin ko bahay ba nila to?" "Oo nga." "Eh bakit parang hotel tong nakikita ko sa harapan ko?! hindi kaba nagkakamali? Icheck mo nga ulit. O baka naman pina prank moko!?" Sabi ko kay Dave. hindi talaga ako makapaniwalang bahay to nila Radcliff. Sobrang lawak ng bakuran nila na may matataas na bakod at ang gate nila ang laki pero matatanaw mo parin yung loob ng bakuran mula sa gate. napakalawak! maraming puno at mga dekorasyon ang nandito. sa gitna ay isang malaking fountain at di kalayuan sa fountain makikita mo ang harap ng bahay nila na mala hotel ang style. Napakamot ako ng ulo sa pagtataka at halos matanggal na ang bibig ko sa sobrang gulat. Hindi ko akalain na may kaibigan akong sobrang yaman! Totoo ba'to?! Pero alam ko naman na mayaman silang tatlo pero hindi ko naman inakala na ganito sila kayaman! Bakit ang unfair ng tadhana biniyayaan na nga sila ng yaman sa mundo bago ang gwa-gwapo pa nila. "Huy! Ano na naman iniisip mo!" Bumalik agad yung isip ko ng pitikin ako ni Zeus sa noo, pero nanlaki yung mga mata ko ng makita kong sobrang lapit na ng mukha nya sakin. "Ang weird mo talaga." Sabi nya pa sabay naglakad sya sa guard house nakatayo narin si Dave dun. Paglapit namin tumingin si Dave at umiling sya samin. "Ayaw tayo papasukin." "Ha bakit daw?" Tanong ko agad at humarap sa guard nila. "Kuya kaibigan po kami ni Radcliff, gusto lang po sana namin sya kamustahin." "Nako sir, pasensya na po talaga. Hindi po kami tumatanggap ng bisita ngayon lalo na hindi po namin alam kung kaibigan po talaga kayo ni Sir Radcliff." "Kuya, kakamustahin lang naman po namin sya kahit sandali lang po." "Sorry talaga sir." "Ano bayan kuya kakausapin lang naman eh, ang higpit higpit nyo naman." Sabi ko pero agad akong hinila ni Dave papalayo sa guard. "Kumalma ka nga lang." Sabi nya sabay tinakpan nya ng kamay nya yung bibig ko. "Ano ba Daveee-----" "Abong problema rito?" Sabi ng isang lalaki na nakasuot na kulay blue na uniform, mukang guard din sya pero sa naging reaksyon ng guard na una naming nakausap mukang mas mataas ang posisyon nito. "Ah sir ito po kasing mga to, mga kaibigan daw po sila ni sir Radcliff." Paliwanag ng unang guard na nakausap namin. Lumapit ng kaunti ang guard na naka yuniporme na kulay blue at tinignan kami isa-isa. "Sir Dave?" tanong ng guard na sinagot naman ng ngiti nitong lalaking katabi ko. "Ako na bahala rito, ipaalam mo na kay sir Radcliff." Agad kaming pinagbuksan ng gate para makapasok. "Sabi ko sayo kuya kaibiga----" "Taraa na!" Hila sakin ni Zeus at hindi lang basta hila ha niyakap nya yung mga braso nya sa leeg ko sabay hila sakin. Pinasakay kami sa maliit na sasakyan na parang sasakyan na nakikita ko sa mga mayayamang maglalaro ng golf. Sa sobrang lawak ng bakuran nila kaylangan mo pang sumakay rito para makarating sa bahay nila. Nagpasalamat agad kami ng ihatid kami ni manong guard sa labas ng bahay nila at agad kaming sinalubong ng mga kasambahay nila at dinala kami sa receiving area nila para dun na mag hintay. Hala! Sobrang dami ng hinain nila iba't ibang klaseng chocolates na yung iba ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko, meron din silang mga dates at cookies. Hmmmm.... naglalaway nako mukang masarap tong cookie nato ha. Kukuha na sana ako ng biglang pumasok sa loob si Radcliff, sa nakikita ko mukang nagmadali syang makapunta rito. "Rad!?" Sabi ko sabay napatayo ako mula sa pagkakaupo ko. mamaya ka sakin cookies. Gulat na gulat yung itsuta nya at parang hindi makapaniwalang andito kami ngayon. Agad akong tumakbo papalapit sakanya at agad ko syang niyakap. "Ohmygad! Rad kala ko hindi na kita makikita, sobra kaming nag alala sayo. Hindi ka man lang nagparamdam sobra kitang namiss!" Sabi ko habang mahigpit ko parin syang yakap yakap. "AaaaaRAAAAAAYYY!" sigaw ko ng itulak ako ni Zeus gamit ang palad nya sa noo ko para bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Rad. Nadadalas ata ang p*******t sakin nitong lalaking to ha! "Pakamustahin mo rin kami." Masungit nyang sabi. "Pwede naman diba? Pwede namang sabihin." Sabi ko habang pinapahid yung noo ko. Pagkatapos namin mag kamustahan umupo narin si Rad sa upuan. Habang nagkwekwento sya hindi ko na mapigilan pang kumuha ng cookies hehe. Kunwari nalang tumatango ako at nakikinig sa pinag uusapan nila para hindi mapansin na nakakarami nako ng cookies. "So kailan ka babalik sa bahay?" Tanong ni Dave pagkatapos nyang humigop ng tsaa. Sinagot sya ng malalim na paghinga ni Rad. "Mukang hindi na." "ANO!? BAKIT!?" sigaw ko. Napatingin naman silang tatlo sakin at muntik ng matapon ni Dave yung ininom nyang tsaa. Ngumiti si Rad samin. "Alam nyo naman na siguro yung kalagayan ko diba? Ng malaman ni Mommy yun nangyari, sobra syang natakot kaya naman inutos nya na mag stay nalang ako sa bahay at mag home-school nalang... pero syempre hindi ako pumayag kasi pakiramdam ko nasa kulungan ako... bawal akong lumabas, bawal tumakbo, bawal lahat ng mga bagay na makakaapekto sa pag hinga ko. Kaya naman nakiusap ako kay Mommy na hayaan nya kong pumasok sa school.. kapalit nun tatalikuran ko na ang paglalaro ng basketball. Kaya rin pinili kong tumira sa boarding house kasi feeling ko pag dito ako umuwi sa bahay, hindi ko rin maeenjoy yung buhay ko..." malungkot na sabi ni Rad. "Kasalanan ko lahat to..." sabi ko, tumingin ako kay Rad. "Sorry Rad..." "Hindi, hindi mo kailangan mag sorry Pau. Sa totoo nga nagpapasalamat pa ako sayo, kasi kung hindi dahil sayo hindi ko ulit mararamdaman at hindi ko ulit mararanasang mag basketball." "Pero kung hindi kita pinilit sana kasama kaparin namin ngayon... sana---" "Ano kaba Paulo, wag kang mag isip ng ganyan. Walang may kasalanan sainyong dalawa! Siguro hindi lang natin inaasahan na ganito ang mangyayari at pang ilang cookies mo naba yan?" "Ano ba Dave! seryoso ako at talagang napansin mo pa yung pag kain ko ng cookies ha!" "Sir, pinapatawag po kayo ni Mam sa living room. Bungad ng kasambahay nila pagkabukas ng pinto. Agad naman silang tumayo, kaya naman napatayo narin ako at sumunod nalang kung saan sila pupunta, bakit kinakabahan ako? First time ko lang makikita yung mama ni Rad. Masungit kaya sya tulad ng mga napapanood ko sa TV?. "Tita" pagbati ng dalawa at umupo sila sa long chaise longue. Grabe ganito talaga mga upuan nila sa living area nila? Sa hotel ko lang nakikita yung mga ganitong upuan. "Hello po." Sabi ko sa mahinang boses at dahan dahan akong umupo sa dulo kung saan nakaupo si Zeus, natatakot akong umupo malapit sa Mama ni Rad kaya naman siniksik ko yung sarili ko kay Zeus na naging dahilan para umusog sila papalapit sa Nanay ni Rad. "Alam ko kumg bakit kayo nandito." Malumanay na sabi ng Ginang sabay higop ng mainit na tsaa. "Pero ngayon palang sinasabi ko na sainyo na hindi ko na babaguhin ang isip ko." "Mom!" Singit ni Rad. "Hindi ko hahayaan na may mangyari pang masama sa anak ko, kaya pasensya na kayo pero buo na ang desisyon ko." Malumanay parin ang Ginang. Muka namang mabait sya at halatang halata mo na mataas talaga ang estado nya sa lipunan. "Tita pano napo ang pag aaral ni Rad, kung hindi nyo na po sya papalabasin?" Sabi ni Dave. "Dave sana maunawaan mo, hindi ko rin gustong gawin to sa anak ko pero kung papalagpasin ko tong ginawa nya pano ko masisiguradong kaya nyang panindigan ang mga salita nya in the future?" "Pero Mom!" "You broke your promise! Ang sabi mo hindi kana maglalaro ng basketball in return papayagan kitang pumasok sa school at hindi tumira dito! Sumosobra kana Radcliff!" Medyo tumaas na ang tono ng boses ng Nanay ni Rad, kaya naman nagkaroon ng katahimikan. "Humihingi po ako ng pasensya---" "Pau!" Pagpigil ni Rad pero tinignan ko lang sya. "Ako po ang pumilit kay Rad na sumali sa basketball... wala po syang kasalanan, ako po ang may kasalanan, actually ayaw nya po talagang sumali pero pinilit ko po sya without thinking kung anong reason kung bakit sya nag stop mag basketball. Sobrang laki po ng respeto sainyo ni Radcliff nakita ko yun sa bawat pagtanggi nya nung pinipilit ko syang sumali. Kaya po kung meron man po ditong may kasalanan ako po yun. Patawad po dahil nilagay ko po sa piligro ang buhay ni Radcliff. Gusto ko lang po sana syang makitang masaya at magawa yung gusto nya. Patawad po!" Sabi ko sabay yumuko ako sa Ginang bilang pagbibigay ng respeto at paghingi ng patawad. "Hindi maaalis ang katotohanang nalagay sa piligro ang anak ko kahit pa na saluhin mo ang pagkakamaling ginawa nya. Kahit ikaw ang pumilit sakanya, bandang huli sya parin ang nagdesisyon para sa sarili nya. Kaya pasensya na pero hindi ko na hahayaan pang maulit ito. Hindi na papasok sa school ang anak ko at hindi na sya pwedeng umalis ng bahay na walang kasama." "Kaya nga po sana wag na po kayong magalit kay Radcliff, ako po ang may kasalanan at hindi nya po deserve na pagbayaran ang pagkakamali ko. Kaya nakikiusap po sana ako sainyo na please po sana po bigyan nyo pa po ng pagkakataon na makabalik si Rad sa school at bahay. Pangako po ako mismo ang titingin at mag-aalaga sakanya." "Hindi nyo ko maiintindihan! Si Radcliff ang nag iisang tagapag mana ng Manalo Empire! Darating ang araw na sya ang tatayo at mag ma-manage ng mga business namin. Kaya hindi nyo ako masisisi kung kailangan kong protektahan ang anak ko. Napaka vulnerable nyang tao, mahina at kailangang nyang ingatan at protektahan. Makakaalis na kayo." Sabi ng Ginang na halata mo na pinipigil lang ang pagkainis nya, agad namang tumayo ang dalawa at taimtim na nagpaalam sa Ginang. Tumayo na silang dalawa at naglakad, pero bakit hindi ko matanggap na ganito yung nangyari? Pakiramdam ko inagaw ko kay Radcliff yung kalayaan nya. "Naiintindihan ko po kayo sa desisyon nyo. Pero sana naman po maintindihan nyo rin po ang mararamdaman ni Rad. Napakabuti nya pong kaibigan hindi lang sakin kundi saming mga kasama nya sa bahay. Opo tama po kayo na para sa kinabukasan nya yung ginagawa nyo pero po sana sa ngayon ibigay nyo po muna sakanya ang buhay na gusto nya, iparamdam nyo po sana sakanya ang normal na buhay bago sya pumasok sa mundo nyo. Naiintindihan ko po kayo at sumasang ayon po ako sa lahat ng sinabi nyo pero hindi po ako sumasang ayon sa sinabi nyo na mahina si Radcliff dahil sa totoo lang po sya yung pinaka malakas na taong nakilala ko dahil kahit sa kabila ng health issue nya, kailan man hindi ko po sya nakitang malungkot o inisip na may kahinaan sya, isa pong masayahin, sweet at thoughtful na tao ni Radcliff. Sana po pag isipan nyo po ng mabuti yung desisyon nyo. Kahit pabalikin nyo nalang po sya sa pag-aaral at sa bahay at nangangako po ako sa inyo bilang kaibigan nya na hinding hindi ko pababayaan si Radcliff. Sasamahan ko syang lumaban sa nararamdaman nya, iingatan ko po sya at gagawin ang lahat para maging safe po sya." "Nakalimutan mo naba na kasama ka sa nagtulak sa kanya na gawin ang mga bagay na hindi nya dapat gawin? Bago sasabihin mo sakin na proprotektahan mo ang anak ko?" "Pamilya narin po ang turing ko kay Radcliff at ngayong alam ko na ang dahilan ng hindi nya pagsali sa basktetball tinatanggap ko po lahat ng pagkakamali ko at kahit masakit po handa po akong umalis ng bahay at lumayo kay Radcliff kung ayun po ang makakapagbigay sainyo ng katahimikan. ang nais ko lang po sana bumalik po si Rad sa buhay nya bago po mangyari tong kamalian ko. Naiiyak kong sabi at nagpaalam. "Pau...." sabi ni Rad sa malungkot at mahinang boses pero tinignan ko lang sya at nagsimula ng maglakad. Di pako nakakalayo ng mapatigil ako sa paglalakad at napatingin sa dalawang lalaking nakatayo sa harapan ko, nakatingin sila sakin na para bang na hinalinlan sila sa mga sinabi ko. Ngumiti ako sakanila ng taimtim at sinagot naman nila ako ng pagtango sabay niyaya na nila akong umalis pero bago ako sumama sakanilang dalawa lumingon ulit ako kay Rad na ngayo'y nakayuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD