"Ilang araw nalang mag se-sembreak na tayo. Sasama kaba sa educational fieldtrip natin?" Tanong ni Joan habang nagtu-toothbrush. "....." "Huy, Pau! Ano kaba! gumising kana nga! 2 days kanang ganyan! hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko kila Rad kung bakit ba nandito ka! Tumayo kana nga dyan at baka ma-late pa tayo!" Sabi ni Joan. "...." "Nako ha! Tigilan mo nayan! Nasan na yung Paulo na kilala ko na hindi naapektuhan ng kahit anong ganap wag lang bumaba ang grades? Kala ko ba may kailangan kang patunayan?!" Dagdag pa nya. Kinuha ko yung kumot at nagtalukbong. Naalala ko pa yung gabing marinig ko ang pinag uusapan nila Zeus at Archee. 2 days Earlier (night of the ball) "Jo!" "O Pau, anong nangyari sayo?" Agad akong tumakbo papalapit kay Joan habang umiiyak, sobrang bigat n

