Nagising ako at biglang napatayo mula sa pagkakahiga, ginala ko yung mga mata ko at dun ko napagtanto na nasa loob pala ako ng ospital at nasa emergency room kami. Nang tumayo ako mula sa pagkakahiga agad akong nilapitan ng nurse para kamustahin pero hindi ko sya agad sinagot bagkus tinanong ko kung nasan si Joan. Kinakabahan ako dahil tinignan pa ako ng nurse at hinila yung tela sa katabi kong higaan at nakita ko si Joan na nakahiga at natutulog. "Okay naman sya, buti nakaiwas agad kayo sa jeep na nawalan ng preno at minor injury lang ang natamo nyo. Masakit paba yung braso at kamay mo?" "Hi-hindi napo masyado, kumikirot kirot lang po." "Basta inumin mo lang yung nireseta sayo ni Doc ha, and wag kang mag alala di naman masyadong napuruhan yung kasama mo, pero sa ngayon namamaga pa yu

