Chapter 1: Room for rent

1506 Words
AAAAYYYiiiiiiieeeeeeeehhh!!!!!!!! Pag ganitong oras talaga hindi ako makapag concentrate sa pag-aaral dahil sa mga sigawan ng mga babae at beking akala mo kinikiliti ang mga tinggel nila sa sobrang kilig! Pwede bang i-report to sa school admin!? Sobrang ingay nila!? Akala mo may parade o laban si Pacquiao. "Huy! Anyare sayo!?" "Nakakainis kasi tong mga estudyanteng to, akala mo nanalo na ng 5,000 sa will of fortune." Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang tenga ko at binasa ulit yung libro na nasa harapan ko. "OMG! Pau! Pau!" Natatarantang sabi ni Joan sabay hila ng mga kamay ko. "Aaray! Bakit!?" "OMG! Dadaan sila dito! Dadaan sila dito!" Tumingin ako sa natatarantang babaeng kaharap ko."Sino!?" Nakatingin lang ako sa kasama ko at sa isang iglap biglang umayos ang mukha nya, kailan pa sya nakapaglagay ng pulbo sa mukha nya? At teka? Naka lip balm na rin sya? Wala naman yan kanina ha!? Lumingon ako kung saan nakatingin tong babaeng kasama ko kahit pa na alam ko na kung sino yung tinutukoy nya na sila sa sigaw at kilig palang ng mga estudyante. Alam ko na agad kung sino yun. Walang iba kundi ang 3 handsome men ng school namin, syempre bansag yan ng mga estudyante pero kung ako ang bibigyan ng chance kung anong magandang bansag sa kanila sa tingin ko mas maganda kung 3 annoying men. Tumingin lang ako saglit sakanila pero sa saglit nayun nagtama pa yung mga mata namin ni Zeus ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo at lider ng grupo nila. Kung minamalas ka nga naman! Agad akong bumalik sa binabasa ko para mag aral. Oo gwapo silang tatlo pero wala akong oras para maging fan nila tulad ng mga estudyante rito dahil ako? May hinahabol pa'kong future... may kailangan pa'kong patunayan. "Ay puta Pau! Nakatingin satin si Zeus! OMG! OMG! Anong gagawin ko! Naiihi ako!" "Ano kaba! Umayos ka nga Jo! Dyusko mga tao rin naman yan! Mababaho rin utot nyan!" Biglang nag iba ang itsura ni Joan pagkatapos makalagpas ng 3 annoying men sa kinauupuan namin. By the way nakaupo kami sa mga bench sa labas ng building namin at sa likuran ko sila dumaan, buti nalang dun ako umupo para di ako nakaharap sakanila di tulad nitong si Joan nakaupo dito pero di naman nakalabas ang mga libro at notebook sa lamesa. "Alam mo ikaw bitter ka masyado." Hindi pa pala sya tapos! Dyusko naman! "Ha?!" "Ang ganda ganda ng imagination ko eh, eto nayun oh! Eto na! Nakita ko sila ng malapitan pero bakit kailangan mo talagang sirain no?" "Anong sinasabi mo!?" "About sa utot, utot!" "Bakit totoo naman yun ha!?" "Sssshhhh!! Ayoko ng marinig." Sabi nya sabay kuha ng mga notebook sa bag nya. "Alam mo, feeling ko hindi kana magkaka-jowa!" Tumingin lang ako at ngumiti sakanya. "Hindi ko kailangan ng jowa no!? Ang kailangan ko mataas na grade." "Nerd!" "Ikaw! Hindi kita papakopyahin mamaya sa quiz!" "Ay de joke lang hahaha, to naman di mabiro hehe. Ganda mo gorl ngayon oh! Teka parang nagbi-brighten yung skin mo. Nagko-kojic ka no?" "Tumigil kana nga dyan haha! Mag review na tayo." Sabi ko at tumabi sakin si Joan para magpaturo. "Pero di nga? Nagko-kojic ka na no?" "Tumigil ka nga." Lunch break na namin nun kaya naman bumili narin kami ng lunch para kumain habang nagrereview. Halos matunaw ang utak ko kaka-memorize ng notes ko para sa quiz namin mamaya, last subject namin yun kaya ngayon palang nagrereview na kami kasi wala na kaming oras mamaya dahil tuloy tuloy na ang klase. Mag a-alas tres na ng hapon. Handa na ang lahat para sa quiz pero nadismaya ang lahat at the same time masaya dahil na moved ang quiz namin dahil may bagong topic na diniscuss samin. Masaya ako dahil makakapagreview pa'ko pero nainis din ako kasi habang tumatagal mas tumatagal din yung kaba ko sa quiz, handa naman na'ko pero okay narin siguro. "Sana natuloy nalang yung quiz no? Di sana di pa nadagdagan yung topic na rereviewin natin." "Sinabi mo pa!" Sabi ko habang nakapila kami sa canteen para bumili ng meryenda. Actually hindi ko rin maintindihan kung bakit kami nag memeryenda ni Joan after ng last class namin eh uwian naman na namin. Siguro dahil narin na ito narin yung hapunan ko, you see nakatira lang kasi ako sa boarding house malapit sa school, pagkatapos ko mag part time sa Mcdo pag umuwi ako hindi nako kumakain natutulog nalang ako o kaya nag-aaral. "Ang swerte siguro ng magiging GF ng 3-handsome men no?" Dyusko! Hindi parin pala sya tapos sa topic nayan! Alam naman nyang hindi ako interesado sa mga crush nya. Huminga ako ng malalim at hindi pinansin yung mga kwento nya about sa mga fantasy nya sa 3 annoying men. Naglakad kami sa labas ng room namin sa 2nd floor at tumambay sa hallway para magpahangin. Nilapag ko yung watermelon shake ko sa flat handle ng hallway at sumandal habang kinakain yung egg sabdwhich na binili ko. "May crush kaba dito sa school?" "Siraulo wala sa isip ko yan. Basta ang kailangan ko ngayon mapasama ako sa dean lister at grumaduate ng c*m laude!" Sabi ko sabay kagat sa sandwhich. "Nako ayaw mo pang sabihin sakin kanino ka nag papa-impress ha!?" "Wala. Para sa future ko lang hehe" "Kanino nga!?" "Hala wala nga.." "Ka-ni-no.... ayiiehhhhh" pag pupumilit ni Joan sabay kiliti sakin. Malakas pa naman yung kiliti ko sa tagiliran kaya naman pagkakiliti ni Joan sakin bigla akong nagulat at napalingad sabay natabig ko yung shake sa gilid ko at nahulog ito sa groundfloor, napatingin agad kaming dalawa. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na hindi sa lupa bumagsak yung shake ko kundi sa isang taong kilala ng lahat. Napakagat ako bigla sa mga daliri ko ng makita ko si Zeus! Ohmygad! Si Zeus yung nabagsakan ng shake! Bakit naman sa dinami rami ng oras at lugar nagkataon pa na kay Zeus tumama! At nagkataon pa na nasa baba sya ng mahulog yung shake! Ang swerte ko talaga!!!! Tumingala sya samin para makita kung kanino galing yung nahulog na shake kaya naman bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata namin malamang maiisip nya na sakin yun dahil yung shake sa gilid ni Joan ay nandun pa. Sa sobrang takot ko agad akong nagtago at napaupo sa hallway ganun din si Joan. "Hala si Zeus bayun!?" Tumango lang ako kay Joan. "Anong gagawin natin? Teka? Bakit hindi ka humingi ng sorry!" Sabi ni Joan, napaisip din ako bigla bakit ako nagtatago dito imbis na humingi ng despensa? Tumayo agad ako para sumilip mula sa baba pero hindi ko na nakita dun si Zeus! Wala na sya!!!!! Nagpanic kaming dalawa ni Joan dahil sa pagkakaalam ko si Zeus ang pinaka suplado sakanilang tatlo sya yung parang walang puso sakanila, agad kaming tumakbo sa room para kunin yung mga gamit namin at nagmadaling lumabas ng school para umuwi. "Sa tingin mo mamumukaan tayo ni Zeus?" Tanong ni Joan na kabang kaba rin. "Hindi na siguro, ang dami daming estudyante dito and compare sa iba sino naman tayo para makilala nya? Oo matatandaan nya yung nangyari pero yung mga mukha natin siguro naman hindi na nya maalala." Sabi ko habang hinahabol ang hininga. Umalis na kami sa campus para hindi na kami magkasalubungan ni Zeus at ng dalawa pa nyang kaibigan at para makalimutan nya kung ano yung itsura ng nagtapon sa kanya ng shake, pero teka!? Di ko naman sinasadya yun. :'( agad naman akong pumasok sa part time ko. Nasa Mcdo nako at nagtatrabaho ng biglang tumawag yung landlady namin pero hindi ko masagot ng mag break time agad kong chineck yung cellphone ko, ang daming miscall! nagtaka ako kaya tinawagan ko agad sya para tanungin kung ano yung problema. "Paulo asan ka!?" Halatang umiiyak at parang tuliro yung landlady namin maingay rin yung nasa background nya. "Nasa work po Tita." Sabi ko sa mahinahong boses pero deep inside kinakabahan nako dahil nga sa ingay ng background nya parang may nagsisigawan na nagpapanik. "Umuwi kana! Nasusunog ang boarding house!!!!" Pagkarinig ko nun nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatakbo sa manager namin para magpaalam at umuwi. Sobra akong kinakabahan at wala nakong nagawa kundi magdasal nalang na sana masalba ko pa yung mga gamit ko. Kinabukasan. "Oh ayan, nakausap ko na kagabi yan! Kakakita ko lang nyan nung isang araw sa bulletin board at maganda yung room nila, magdown kana agad para di kana maunahan!" Sabi ni Joan na agad ko namang ginawa, actually maganda naman yung nakuha nyang room for rent kaya nagdown narin ako. Pagkatapos ng klase agad akong pumunta sa address na binigay ni Joan ni hindi man lang nya ko sinamahan dito, well di ko rin naman sya masisisi dahil may naka scheduled na syang lakad. Tinext ko yung may-ari ng bahay, malaki yung bahay at hindi mo iisipin na boarding house to dahil sa sobrang ganda at laki. Pero nanlaki ang mga mata ko ng harapin ako ng may-ari ng bahay!!!!!!!! OMG!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD