Chapter 2: three handsome men

1608 Words
Pagkababa ko ng taxi, tinulungan ako ng driver na ibaba yung maleta ko, konti lang naman gamit ko halos puro damit lang at mga libro. "Salamat kuya." Pasasalamat ko sa driver na sinagot naman ako ng ngiti. Tumingin ako sa palagid dahil sa totoo lang hindi ako makapaniwala na ito yung bahay na pinaparentahan nila. Na-scam ba'ko? Bakit parang hindi naman kapani-paniwala na ito yung bahay? Boarding house ba talaga to? Room ang rerentahan ko sa halagang 3k at kasama na lahat. Pero kahit ganun paman parang ang hirap paniwalaan at bakit kung ganito to kaganda bakit may bakante parin sila? Malaki ang bahay 2-storey, malaki rin yung labasan, pwede pang maghabulan sa labas bago ka makarating sa gate. Kinuha ko yung telepono ko para tawagan si Joan. "Jo, seryoso kaba sa street na'to?" [Oo nga! Sure ako! Bakit may problema ba?] "Wala naman, parang hindi lang kapani-paniwala." [Send ko sayo number nung nasa flyer, tawagan mo. Sabihin mo andyan kana!] "Hindi kaya scam to Jo?" [Pano magiging scam yan sa loob ng school ko nakita yang room for rent nayan, sa bulletin natin.] "Okay sige, sige." Umoo nalang ako kasi wala narin naman akong choice wala akong tutuluyan dahil sa sunog na nangyari sa dato kong boarding house. Pagkababa ko ng telepono sinend na kaagad sakin ni Joan yung number ng may ari actually nakita ko na yung room na rerentahan ko dahil nga kausap ni Joan yung mag-ari sa messenger pero hindi ko akalain na ganito pala kalaki at kaganda yung kabuuan ng bahay. "Ah, hello... si Paulo po ito yung nag down sa room for rent nyo." [Paulo? Okay okay! Sige kailan ka papa lilipat dito?] "Actually andito napo ako sa labas ng bahay nyo..." sabi ko medyo nahihiya pa'ko. [Ganun ba? Sige, sige wait lalabas ako.] Sabi ng kausap ko sa kabilang linya, parang natanggalan naman ako ng tinik sa lalamunan ng marinig ko yung sinabi nya, kala ko kasi nascam ako. Nag mamadali narin kasi akong makalipat at nagustuhan ko rin naman yung itsura ng room kaya nagdown agad ako para wala ng makakuha pa. Tumingin ulit ako sa cellphone ko para i-message si Joan sa nangyayari sakin ngayon ng... "Paulo?" Napatingin ako sa may ari ng boses na nasa gate at halos matanggal ang mga mata ko sa gulat ng makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko! Walang iba kundi ang isa sa pinaka popular na estudyante sa school namin! Si Dave! Nananaginip ba ako? "Tara pasok kana." "......" "Paaaulo? Okay kalang ba?" Sabi niya sabay hawak sa noo ko. Feeling ko may dugong tumutulo sa ilong ko! "Ha? O-okay lang." Pumasok kami sa bahay at bumungad sakin ang salas nila. May malaki silang flat screen TV! Mukang mayayaman tong mga magiging housemate ko ha! May bidet din kaya sa CR nila? "Ahmm.. dalawa lang ba tayo dito?" Bigla kong natanong ng mapansin kong wala kaming nakakasalubong ibang tao habang pinapakita sakin ni Dave yung buong bahay. Mabait pala tong lalaking to, masayahin at laging nakangiti sa tingin ko magiging close din agad kami nito. "Ah... baka nasa kwarto lang nila nag papahinga, sa second floor pala yung apat na kwarto, bali dito sa first floor, living room, dining area, comfort room at sa likod naman yung labahan, wag kang mag alala may washing machine naman." Paliwanag ni Dave sabay ngiti. Ang ganda ng ngiti nya ha infairness. Mas matangkad si Dave sakin at sobrang wide ng shoulder nya sa likod, magaganda rin ang mga mapupungay nyang mga mata at based sa nakikita ko mukang nag gi-gym din sya. "Umalis na kasi yung dating nakarenta dito. Kaya naghanap agad kami ng kapalit." Tumango tango nalang ako para kunwari nakikinig ako sa sinasabi ni Dave pero sa totoo lang gusto ko ng makita yung room ko kung parehas ba sa nakita ko sa picture. expectation vs. Reality ang tanging nasa isip ko ngayon. "Andito na pala yung bago nating housemate?" Sabi ng isang lalaki medyo malambing ang boses nito kaya napatingin agad ako sa hagdanan kung saan nang galing yung boses. Waaaaaahhhhhh!!!!!!!! Mukang kailangan ko ng tissue!!! Tumutulo ata dugo ko sa ilong! Si Radcliff bato? OMG! Sya nga! Hayup nayan!!!!! "Ra----????" Natawa si Dave sa naging reaksyon ko. "Kilala mo na pala yung isa nating Housemate?" "Di, di----ko sya actually kilala. Ahmmm sadyang famous lang kasi kayo sa school." "Wait... nag-aaral karin----" Ngumiti ako at tumango kay Dave para sabihin na oo parehas yung school na pinapasukan namin. "Cool! Pwede kang sumabay samin pumasok!" "Ahhhh....????" Nagdadalawang isip ako kung sasabay ba ako sakanila dahil baka pag nakita ako ng mga nagkakagusto sakanila makita ko nalang sa school bulletin na may wanted poster nako. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko inaasahan na ang dalawang heartthrob ng school namin ang magiging housemate ko. Buti nalang dalawa lang sila hindi kasama si Zeus lalo pa't may kasalanan pako sakanya ng matapunan ko sya ng watermelon shake. Wheeew... "Don't worry mabait naman yan si Radcliff medyo tahimik nga lang" paliwanag ni Dave na sinagot ko naman ng ngiti. "Pero okay lang ba sayo na kami makakasama mo sa bahay? Di ka naman maiilang?" Tanong ulit ni Dave. "Nako! Okay lang! Di naman ako maarte and i think magaling naman ako makisama and don't worry hindi naman ako masyadong nangingielam baka maghapon nga lang din akong nasa kwarto." Sabi ko sakanya. "Okay, so settled na? Tara na! Punta na tayo sa room mo." Aya ni Dave sabay ngiti. Aakyat na sana ako ng bigla kong makita ang hindi ko inaasahan muka. s**t! Si Zeus nasa tabi na ni Rafcliff! Kailan pa sya napunta dyan? Biglang bumilis yung t***k ng puso ko. Aatakihin na ata ako!? Nasa harapan ako ngayon ng tatlong heartthrob ng school namin!! Ang malas ko naman oh! Okay lang sana kung simpleng estudyante lang sila eh, pero hindi eh, may mga fans club sila at bawat fan nila kala mo nagtrain sa keyboard warrior academy at nag ROTC. army palang ni Zeus parang kalahati ng ng school namin isama pa tong dalawang to! okay lang sana kung isang heartthrob lang kung dalawa medyo kabahan kana pero yung tatlo talaga silang makakasama mo!? dyusko saan ako pupulutin nito!? Papatayin ako ng mga fans nila!!!!! Teka totoo bato or baka naman prank lang to!? Lumingon lingon ako sa loob ng bahay para tignan kung may camera ba, pero wala akong nakita. Tumingin ulit ako sa matangkad na lalaking nasa taas, nanlilisik yung mga mata nya! (T__T) mukang naalala nya ko! Patay na!! Humarap agad ako kay Dave. " ahhh Dave, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko na natataranta pa. "Sige, ano yun?" "Yung.... ah.... yung tayong dalawa lang sana??" Sabi ko sabay tawa. Pumunta kami sa dining room nila malapit lang mula sa hagdanan. "Ah..." ngumiti ako kay Dave, hindi ko alam kung pano ko sasabihin... "ahhh.. ano kasi ahhhhh.." "Ano yun?" "Ah... pwede ko bang bawiin yung down payment ko?" Nagtaka si Dave sa sinabi ko. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" "Ano kasi..." hinawakan ko yung batok ko. "Don't get me wrong ha, gusto ko naman dito pero kasi mas prepared ko yung malapit sa school.... hehe.." sabi ko pero feeling ko alam ng kausap ko na nag sisinungaling ako. "Pero sabi mo kanina okay kana!?" "Yun ba.. hehehe ahhhh...." nawala sa isip ko na sinabi ko nga pala yun! Anong gagawin ko?! Ayokong makasama si Zeus sa isang bahay! Okay lang tong dalawa pero natatakot ako kay Zeus, napaka seryoso ng mukha nya at kahit kailan hindi ko pa sya nakikitang nag sasalita. Misteryoso syang tao kaya dapat kong iwasan yung mga ganung tao dahil hindi ko alam kung ano yung takbo ng isip nila. "Ano kaba? Don't tell me na-ooverwhelm ka saming tatlo? Don't worry, mababait naman yang mga yan." Ngumiti lang ako sakanya ng pilit. "Isa pa hindi ko na mababalik yung binayad mo kasi pinangbayad ko na sa mga bill ng bahay kaya dito kana, maganda naman dito." "Ha!?" "Wag kang mag isip ng kung anu-ano, mga normal lang din kaming tao kaya wag kang mahiya." Sabi nya sabay ngiti at hawak sa balikat ko. Hindi naman yun yung kaso ko eh ang kaso ko natatakot ako kay Zeus. OMG! Pano kung gantihan nya ko habang natutulog!?. "Ah baka pwede pang----" "Oh Zeus!" Napahinto ako ng banggitin yun ni Dave. "Si Paulo nga pala, new housemate natin yan ha." "Uhm..." kitam ayun lang sagot nya. "Oh sige tulungan na kitang magpasok ng gamit mo sa kwarto ha." "Dave teka lang!" Sabi ko, hahabulin ko sana si Dave pero napahinto agad ako ng makita ko sa harapan ko si Zeus na nakatitig sakin. "Familiar ka?" Nanlaki yung mga mata ko at biglang bumilis yung t***k ng puso ko, napayuko agad ako. Naalala nya kaya ako?! Lumunok ako ng laway at huminga ng malalim sabay tingin sakanya habang nakangiti, sobrang awkward! "Ha? First time lang natin magkita oo! Haha baka kamuka ko lang yun haha!" Sabi ko lang sabay napakamot nalang ako sa batok at umiwas ng tingin. "Weird." Napatingin agad ako sa taong nasa harapan ko habang naka-crossed arm pa sya at seryosong seryoso ang mukha. "A-ako?" Sabi ko habang tinuturo yung sarili ko. "...." tumingin lang sya sakin at umalis na. Arrgghh! Sino kaya yung weird saming dalawa!!! Pumasok ako sa kwarto ko at talagang namangha ako dahil malinis at maganda ito may malaking bintana pa at balkon na pwede kong pagtambayan kapag nabo-bored ako. Mukang wala nakong choice kundi mag stay rito for the mean time! Hindi ko naman na mababawi yung dinown ko sa upa eh! Pag tyatyagaan ko nalang muna na makasama tong 3 annoying men.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD