Chapter 3: maid in heaven

2468 Words
First night ko sa bago kong boarding house at hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasama ko lang sa iisang bubong ang 3 handsome men. Hindi ba talaga to prank!? O baka naman bagong TV show to? kung saan ipapalabas ang buhay ng isang ordinaryong estudyante kasama ang tatlong sikat na estudyante?! Ahhh! Ang sakit ng ulo ko! Kakaisip kung bakit ako nandito sa sitwasyon nato! At dahil sa kakaisip ko ni hindi ko alam kung nakatulog ba ako o hindi, basta ang alam ko lang maaga akong nagising ngayon! 8:30 pa ang usual na pasok ng mga estudyante pero 5:09 palang ng umaga gising nako. Bumangon ako sa kama at agad na bumaba sa dining area, pagkakaalala ko sabi sakin ni Dave kahapon para saming apat ang lahat ng pagkain sa ref kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko at binuksan ko yung ref namin, halos malaglag yung panga ko ng makita ko ang laman ng ref! Sobrang dami ng laman! Ano ba'to? Nagtitinda ba sila? Sobrang dami nilang supply ng pagkain pero parang hindi naman to nagagalaw. Hmmmmm... ipagluto ko kaya sila ng breakfast para naman maganda yung first impression nila sakin! Kahit pa na nagkita na kami kahapon Hahahahhaha! Baka makatulong pa yun in the near future kung magiging close kami! Wahahaha! tama! Kung magiging mabait ako sakanila, pag humingi ako ng tulong sakanila tyak ko di nila ako matatanggihan bwaaaahahahaha! (Parang tawa ng mangkukulam) Nag saing muna ako ng bigas at hindi ko pa nasasabi sainyo ang dami nilang sako ng bigas! Feeling ko talaga pag nagkaroon ng zombie apocalypse makakasurvive yung titira dito kahit isang taon pa. Tutal libre naman at para samin naman lahat tong pagkain nato, gagawan ko narin sila ng lunch para naman makapag tipid tipid kami at magamit din tong mga imbak na pagkain nila Hahaha! At talagang sinisipag akong magluto para hindi nako gagastos wahahaha! Magluluto nalang ako ng chicken afritada para sarsa lang at walang sabaw. Sabay sabay kong niluto yung pagkain namin para mamayang lunch at yung breakfast namin na sopas! Malaki ang lutuan dito walo ang slot para sa lutuan at sa ilalim naman meron pang oven! Sopas yung naisip kong almusal namin para naman mainitan din yung sikmura nila feeling ko kasi laging sa labas sila kumakain eh. Nang matapos kong maluto ang lunch namin kumuha ako ng apat na container sa cabinet sa taas ng lababo nila at thank god! Marami silang pyrex na lalagyanan hehe sa sobrang busy ko magluto ni hindi ko na namalayan pa ang oras. "Ano yan?" Napalingon ako sa may ari ng boses. "Anong ginagawa mo?" Habol pa ni Radcliff habang kinukuskos ang mga mata, halata mong inaantok pa sya. "Oh! Gising kana pala! Tara na umupo kana! Mag almusal kana." Ang cute ni Radcliff para syang batang mahiyain. Kinuhaan ko agad sya ng platito at kutsara sabay nilapag ko sa harapan nya ang mainit at creaming creamy na sopas. Yung sahog din pala ng sopas galing din sa chicken na ginamit ko para sa afritada hehe. "Wow! Breakfast!" Bungad ni Dave. "Ay sorry! Di nako nagpaalam, nagluto nalang ako, sabi mo kasi sati---" "Are you kidding me!? Ngayon nalang ulit ako makakakain ng breakfast na lutong bahay!" Masayang masaya si Dave, muka namang nag eenjoy sila sa nakikita nila kaya naman kinuhanan ko nalang din sya ng platito at kutsara, sinama ko narin yung kay Zeus para kapag nagising sya nakahanda na yung para sakanya. Sige kumain muna kayo dyan. "Ang sarap Pau! Pwede bang ikaw nalang magluto para samin araw araw?" Sabi ni Radclif sa malambing na boses. Cuuuuuuuuteeeee! :) may bed hair pa sya! :3 "Osige! Ako bahala sainyo." Sabi ko nalang habang inaayos ko yung baon naming apat. "Oh Zeus! Tignan mo! May breakfast tayo!" Masayang bati ni Dave. Seryoso ba sila? Ngayon lang ba sila nakakain ng breakfast? Hmmm halatang hindi sila marurunong magluto, aaahhhh so kaya pala ang dami nilang supply kasi wala namang nagluluto sakanila pero ang taning ko kanino galing yung supply nila?! Sa fans nila?! "Uhmm!" Ayun lang yung sagot ni Zeus pagkatapos syang yayain ni Dave! Pipi ba sya? Marunong ba syang magsalita!!!!!? "Oh sya, ito pala yung baon nyo para mamayang lunch, kainin nyo yan ha para hindi na kayo gagastos." Sabi ko sabay nilapag ko yung tatlong container sa lamesa. "Yes ma'am!" Sabi ni Dave na may pagsaludo pa. Ma'am? Tinawag nya kong ma'am? Wait alam nya na ba na ano ako... teka ganon ba ka-obvious? "Pagkatapos nyong kumain iwan nyo nalang dyan sa lababo ako na mag huhugas mamaya pag uwi ko." Sabi ko sabay h***d ng afron ko. "Oh san ka pupunta?" Tanong ni Dave. "Ahhh, papasok nako." Yes tama narinig ko kala nyo ha multitasking ata to nung pinapakulo ko palang yung afritada at sopas mahina lang ang apoy kaya naman naligo na agad ako which by the way malapit lang yung CR sa dining area at bago ako bumaba kasama na yung uniform ko, no way na lalabas ako ng CR na naka topless after maligo no. Inakyat ko narin yung pinagbihisan kong damit kanina sa kwarto ko. "Wait lang Paulo, sabay sabay na tayo." Ani Dave. Seryoso ba siya? Ayokong sumbay sakanila! Ayokong humatak ng atensyon ng maraming tao. "Sabay na tayo Paulo." Sabi ni Radcliff na super cute. Hahaha pewede ko bang yakapin si Radcliff? I mean kahit magkasintanda lang kami bakit ang cute cute nya at ang lambing lambing nya? Kung si Dave mapupungay ang mga mata si Radcliff naman parang laging nangungusap! ang cute pa ng super tangos nyang ilong at napakanipis at mamula mula nyang mga labi, kung ako tatanungin maiisip mo talaga na parang may lahi tong si Radcliff eh. "Osya, sya. Bilisan nyo nalang ha! Baka ma-late tayo." Sabi ko nalang kahit pa na ayoko pero hindi ako maka-hindi kay Radcliff.. ang cute nya kasi. :) okay lang ba na si Dave at Rafcliff nalang kasabay ko? Ayoko kasing kasabay si Zeus i mean gwapo naman sya kung tutuusin siya yung pinaka gwapo at talagang takaw pansin sa kanilang tatlo pero yung personality kasi ni Zeus sobrang tahimik, misteryoso at parang mabibilang mo lang sa daliri mo yung salitang lalabas sa bibig nya! Para syang nagbabayad sa kada salitang lumalabas sa bibig nya. Hinugasan ko na agad yung mga pinagkainan nila habang naliligo at nagbibihis na yung tatlong to. Sana naman hindi kami ma-late, since na bago palang ako dito hindi ko pa tansyado yung oras mula dito sa boarding house hanggang sa school namin. Pero sa tingin ko hindi naman ata kami male-late kasi sila hindi naman sila nale-late eh. Oh s**t! Ito na nga ba yung sinasabi ko eh! Pagkaapak na pagkaapak palang namin sa gate ng campus nag umpukan na agad ang mga estudyante sa harapan namin! Hindi ko akalain na ganito sila karami! Sobrang dami nila #TeamZeus! #DavesAngels at #Radcliffbabies mga fans ba nila to? Alam ko marami silang fans! Maraming nagkakagusto sakanila pero hidni ko naman akalain na ganito karami! Ngayon ko lang nakita dahil wala naman akong pakilam sakanilang tatlo nuon. Kkkkkyyyaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!! Ayiiieeeeehhhhh!!!!!!!! Ayan na nagsimula ng kiligin ang mga pakshit na akala mo kinikiliti yung mga tingel nila!!! "Sino yan!?" "Bakit kasama niya yung asawa ko?!" "Lapastangan! Sino yan!" Mga sigaw na naririnig ko mula sa mga fans nilang tatlo. "Ah don't mind me, nakasabay lang ako hehe." Sabi ko. Aaaaahhhhhhh Zeus!!!!!!!! Radclifff!!!!! Para sayo to!!! Daveeeeeeee!!! I looooove yoouuuu!!!! Nagsimula na silang lapitan at pagkaguluhan ng mga fans nila at wala silang nagawa kundi dahan dahan nalang maglakad habang pinagkakaguluhan sila. Oh f**k! Sobrang daaaami ng tao! Ni hindi ko na sila makitang tatlo? Nasan nako? Aaray! Naiipit nako! May naniniko pa! Puta naman! Shocks! Ito na nga ba yung kinakatakot ko eh kaya ayokong sumabay sakanila. Teka teka! Naiipit nako!? Puta! Sino sumabunot sakin!!! Hindi ko makita yung palabas kaylangan makalayo ako sa mga tao dito. Hindi ko pinangarap na maging tulad nilang tatlo! Sobrang hirap. Napapikit nalang ako sabay tinakpan ko ng mga kamay ko ang ulo ko para hindi nila ako masiko o mahampas sa ulo. Matagal paba? Hindi paba sila nakakaalis para umalis narin tong mga tao rito!!! Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa mga kamay ko sobrang higpit at hinila ako bigla. "Te--teka!" Hindi ako nakapagsalita ng makita ko ang taong humila sakin mula sa mga taong nag iipitan. Si Zeus!!! Totoo bato? Hinila nya ko sa malayo para hindi ako maipit? Inakap nya pa ko at tinago nya ko sa mga bisig nya para hindi ako masaktan. Sobra akong nagulat sa ginawa ni Zeus hindi ko akalain na.... Napatingin lang ako sa kanya habang nakatago ako sa mga bisig nya, nakita ko rin sila Dave at Radcliff na pinaikutan ako para hindi ako maipit at maiwan sa mga taong gutum na gutum sa atensyon nilang tatlo. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Zeus as in yung mukha ko nasa leeg na nya, matangkad sya kaya naman madali lang sakanya para itago ako sa katawan nya. Naamoy ko na yung pabango nya. Umaga palang pero pawis na pawis na yung mukha nya hindi ko akalaing ganito pala kahirap yung buhay nilang tatlo, imagine every morning kailangan nilang harapin yung ganitong eksena. Sa pagkakalapit ko sa mukha nya dun ko lang napansin na matangos din pala yung ilong nya bagay na bagay sa makakapal nyang mga kilay at mahahabang pilikmata. Medyo singkit din si Zeus at ang mga labi nya yung tipong pag tinitigan mo gusto mo ng halikan. Pak na pak din yun jawline nya. Napatingin sya sakin habang pilit kaming kumakawala sa mga estudyanteng nakapalibot samin, makapasok lang kami ng building masasabi ng safe na kami dahil hindi naman na magsusunuran ang mga estudyante dun dahil may mga nag kaklase na. Napalunok ako ng laway ng magtama ang mga mata namin, kulay brown na parang hazel nut pala ang kulay ng mga mata nya at habang tumatagal ang pagtitig mo sa mga mata nya para bang hinihigop nito ang buo mong pagkatao. "Okay kalang?" "Ha?" Ng bumalik ang diwa ko, nasa loob na pala kami ng building. "Ahhh.. o-okay lang.." sabi ko sa mahinang boses. "Pasensya kana Paulo ha." Sabi ni Dave. "Nako, okay lang! No worries." Sabi ko at nagpaalaman na kami sa isa't isa. Para pumasok sa kanya kanya naming mga klase. Habang naglalakad ako papuntang room hindi mawala sa isip ko yung eksena kanina yung itsura ni Zeus, paulit ulit na nagpe-play sa isip ko! "Good Morning!" Bati ko kay Joan pero hindi nya ko pinansin. "Huy, good morning!" "......." "Hala sya, aga-aga.. meron kaba?" "Hmmp!" "Hala anong problema? Parang sira to!" "Kailan pa?!" "Kailan pa ang alin?" "Hmp!" Humarap sakin si Joan at galit yung mukha nya hindi yung galit na may ginawa kang masama kundi yung galit na parang nagtatampo. "Anong ibig sabihin nito!?" Pinakita sakin ni Joan yung video na nakapause sakin habang kasama ko ang 3 handsome men. Natawa naman ako sakanya. "Bakit ka tumatawa! Hmp! Kala ko ba wala kang pakilam sakanila?! Pero anong ibig sabihin nito!?" Nagtatampo parin si Joan. "Ano kaba! Okay ganito kasi yan!" At para hindi na magtampo pa si Joan sakin, kinwento ko sakanya yung sitwasyon kung anong nangyari kung bakit magkakasama kaming apat. "OMG! Hindi ako makapaniwalang housemate mo ang 3 handsome men!" Sigaw ni Joan sa sobrang gulat at excitement. "Wag kang maingay!" Agad kong sabi habang tinakip ko ang mga kamay ko sa bibig nya. Baka kasi pag nalaman ng iba na nakatira kami sa iisang bahay baka ako na ang guluhin ng mga fans nila. "Promise, may araw na ipapakilala kita sa kanilang tatlo. Pero wag muna ngayon, kaka-kilala lang din namin." Sabi ko kay Joan na talaga namang nagpasaya sakanya. "Promise yan ha!?" "Uhmm! Promise." Sabi ko. Natapos din yung morning class namin pero halos wala akong naintindihan sa discussion ng mga professor namin dahil hindi nako tinigilan pa ni Joan na daldalin gamit ang pagsusulat tungkol sa 3 annoying men sobrang dami nyang tanong na ako mismo hindi ko naman alam. Aware ba sya na isang gabi palang akong natutulog dun? Ni hindi ko pa nga sila kilala ng lubusan? I mean kilala ko sila dahil din kay Joan what i mean yung ugali talaga nila pag sila sila nalang ang mag kakasama. Dahil nga lecture kami ngayon, itong si Joan sinusulat nya yung mga tanong nya sa papel sabay sinasagot ko naman, tanga rin ako eh no? Remind nyo nga ako sa susunod na araw na wag ng tumabi sakanya. "Ang sakit ng ulo ko!" Sabi ko habang papunta kami sa usual na bench na inuupuan namin. "Pano hindi sasakit ulo mo eh kung anu ano iniisip mo kanina? Ni hindi mo masagot mga tanong ko sayo." Sabi ni Joan sabay hulog ng coins sa vending machine. Pagkatapos nyang maghulog naghulog din ako at pinili ko yung mountain dew my all time favorite softdrink. Sabay naglakad na kami sa bench para umupo. Pagkalapag na pagkalapag ko palang ng bag ko sa upuan, nilatag agad ni Joan yung papel na hawak nya sa lamesa. "Okay! So lahat to sagutin mo ha." "Ha!? Ano to?! Favorite actress ni Zeus, Favorite color, favorite movie, favorite brand ng brie-- ano to!?" Huminga ako ng malalim dahil promise nasstress ako kay Joan, binuksan ko nalang yung mountain dew ko sabay uminom ako para naman marefresh yung sarili ko. "Basta tago mo lang yan! tapos sagutan mo ha." "Ha? Teka? Seryoso kaba dito? Nahiya kapa ha back to back? Bakit kaya hindi ikaw ang magtanong nyan." Sabi ko kay Joan sabay labas ng notebook ko kailangan ko balikan yung diniscuss kanina dahil promise hindi ako nakapag focus dahil dito sa babaeng kasama ko. "Ano bibili naba tayo ng lunch?" Tanong ni Joan. "Wait lang... may baon ako hehe!" Nilabas ko yung dalawang container na may laman ng chicken afritada at rice nag dagdag ako ng isa para kay Joan may natira pa kasi kanina nung inayos ko mga baon namin. "Ay talaga! Wooow! Ang sara--------" Aaaaaayiiiiiieeeeehhhhh Ayan na yung mga sinasaniban ng kalandian, nagwawala na naman sila dahil nakita na naman nila ang 3 annoying men. Sobra! kapag naaalala ko yung kanina, grabe! sobrang hirap, goodluck sa kanilang tatlo ngayon hehe. Well buti pa kami dito tahimik lang na kumakain. Siguro mas maganda kung kausapin ko kaya silang tatlo na wag ako pansinin pag nandito kami sa school hahaha! Para hindi ako madamay sa mga fans nila. "Okay kain na tayo." Masaya kong sabi sabay tinusok ko yung carrot ng tinidor at isusubo ko na sana ng mapansin ko si Joan na tahimik at nakatingin lang sa gilid ko kaya naman napatingin agad ako kung saan nakatingin si Joan! Napahampas ako ng noo ng makita ko ang lalakong papalapit samin! OMG!!! Bakiiiit!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD