Chapter 4: Rumor

2009 Words
Yumuko agad ako ng makita ko ang lalaking papalapit samin. Please wag ka dito pumunta! Pleeeeasee. Sana hindi nya ko nakita! OMG! Yung tahimik kong buhay! "Natapon yung pagkain ko." Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Zeus kaya naman tumingin ako sa kanya na ngayong nakatayo sa gilid ko! Para akong naging bato sa gulat ng lapitan ako nitong lalaking to. Napatingin lang ulit ako kay Joan at binalik ko yung tingin ko sa taong nakatayo sa gilid ko! Nagsisigawan yung mga estudyante malapit samin, karamihan sakanila sumisigaw na kunin nalang ni Zeus yung pagkain nila pati pagkatao nila.eew! Ngayon ko lang nakitang napuno tong mga bench sa labas ng building namin pag lunch, don't tell me dito rin sila kakain?! "Ha? Panong natapon?" Sabi ko, wala na namang expression yung mukha ni Zeus hindi ko alam kung anong gusto nyang mangyari. Pwede ko ba syang tabuyin nalang? dun! banda sa malayo para hindi magugulo ang tahimik naming buhay. "Nagugutom nako." Tignan nyo! Hindi nya sinagot yung tanong ko. Haay nako ganito ba talaga kausap tong taong to!? Anong gusto nyang gawin ko!? "Bumili kana lang sa canteen." Sabi ko sabay taboy sakanya gamit yung kamay ko para naman magsunuran narin yung mga fans nya papuntang canteen at maging tahimik na ang buhay namin. "Ayoko." Napatingin ulit ako sakanya. Ha? Anong ayaw mo? Please naman umalis kana. "Lulutuan nalang kita ulit mamaya. "Ayoko." Ayaw nya talagang umalis ano bang gagawin ko? Tumingin ako kay Joan para humingi ng tulong pero iniwas nya lang yung tingin nya haaayyy... ano batong napasok ko. Ni minsan sa buhay ko hindi ko pinangarap o inisip man lang na makasabay syang kumain dito sa school. "Osige na! Umupo kana dito hati nalang tayo." Aya ko sakanya, Pagkasabi ko nun agad syang umupo sa tabi ko at nilapit ko sakanya yung kanin at ulam, inabot ko rin sakanya yung kutsara, well wala akong choice yung tinidor yung gagamitin ko kakainis! "Wow sarap naman nito Pau!" Sabi ni Joan na parang iba yung tono ng salita nya kaya napatingin ako sakanya. Sabi ko na eh kaya iba yung tono ng salita nya! pagtama na pagtama palang ng mga mata namin tumingin agad sya kay Zeus, sinenyasan nya ko na ipakilala ko sya. Umirap nalang ako sakanya. "Ahhh nga pala si Joan, kaibigan ko---" "Hiiiiiii!!!!" Masayang bati ni Joan pero tinanguan lang sya ni Paulo, hahaha buti nga! Dahil dyan good job ka sakin Zeus hehe. Dumila pako kay Joan para asarin pa sya pero inirapan nya na ako hehe. "Oh kainin mo to." Sabi ko sabay lagay ng chicken sa rice para kainin ni Zeus. "Nga pala nasan na yung container mo?" Tanong ko kay Zeus pero tinaasan nya lang ako ng balikat nya, para sabihin na hindi nya alam. "Di mo alam?" "Uhm.." Aaaarrrgggghhhhh!!!!!!!! Okay hindi ko na ata kakayanin pa napipikon nako sa mga sagot nya!!!!!! Pwede ba kaming mag usap ng normal!? Hindi yung ganito. Huminga ulit ako ng malalim at ngumiti sakanya. "Hindi mo ba alam mamahalin yung ganun container? Winala mo?" Sabi ko sakanya, sabay ngiti pero napipilitan lang talaga yung ngiti ko. "Madumi na." OhGad! See ganyan lang yung mga sagot nya. Bilang na bilang. Okay kalma lang, kalma lang. Tutal hindi naman sakin yung container nayun eh. Pero sayang kasi ang mahal pa naman nun. "Masarap ba Zeus?" Biglang nagsalita si Joan, oo nga pala nakalimitan ko na kasama ko pala sya. "Uhm!" Wait what masarap daw? Nasarapan si Zeus sa luto ko? Napangiti ako at napatingin ako sakanya at bakit ganyan yung itsura nya parang nagulat sya na something. Napatigil sya sa pagkain nya at bigla nyang kinuha yung mountain dew ko at ininuman nya ito. "Wuuy! Nainuman ko na yan!" Agad kong sabi pero tumingin lang sya sakin. "Alis nako." Sabi nya sabay tumayo na sya at naglakad kasama yung mountain dew ko! Bwisit talaga tong Zeus nato! Kinuha nya pa yung inumin ko. Pagkaalis ni Zeus nagsunuran narin yung mga fans nya na nakaupo sa mga bench na parang hindi naman sila kumakain parang makita lang nila si Zeus busog na sila. Pero sa wakas! Tahimik na ulit yung buhay namin dito! Yey! Kukunin ko na sana yung kutsara ko na ginamit ni Zeus para ayun na yung gamitin ko dahil mahirap kumain gamit yung tinidor ng biglang hawakan ni Joan yung kamay ko. "Don't even think about it!" Sabi nya sa seryosong boses at agad na kinuha yung kutsara na ginamit ni Zeus. "Akina mahirap kumain na tinidor lang yung gamit." Sabi ko kaya naman binigay nya yung kutsara nya well i dont mind basta makakain lang ako ng maayos. Dyusko mariano garapon! Ang puso ko! Bakit bako napapalibutan ng mga ganitong tao. "Sa tingin mo naalala pa tayo ni Zeus?" Tanong ni Joan habang naglalakad kami pabalik ng room namin. "Ha?" "Feeling ko, naalala nya tayo eh yung matapunan mo sya ng shake. Baka gumaganti sayo." "Siguro nga, kinuha nya pa yung inumin ko." Reklamo ko. Umupo nako sa upuan ko at inihiga yung ulo ko sa desk ko para magpahinga para hindi sayang yung oras. Halos kalahating oras pa bago magsimula yung next class namin. "Hala friend! Sikat kana!" Agad akong napabangon ng sabihin yun ni Joan "ha? Bakit?" Pinakita nya sakin yung cellphone nya. Sa group nila sa sss, sandali may group sila sa sss na ang topic lang ang 3 handsome men? Tinignan ko yung in-upload na picture na may caption na Zeus lover? "Patignan." Inagaw ko yung cellphone ni Joan. Nagtataka ako bakit ako lang yung kasama sa picture eh dalawa naman kami ni Joan yung kasama ni Zeus kanina? Baka dahil kami yung magkatabi? At magka share ng pagkain? Binaba ko yung mga mata ko at nagbasa ng ilang comments. ShielaMae: Bakit ginawa sakin to ni Zeus? Ang puso ko! MarkLaciapag: kalma guys i heard from a friend of mine hindi sila. Johmel: @MarkLaciapag: kung hindi sila, ano pala? Share pa sila ng food oh. MarkLaciapag: @Johmel according sa friend ko na nakarinig dun sa guy na kasama ni Zeus, housemate lang daw sila. Johmel: @MarkLaciapag: talaga!? :) so kailangan ko palang maging close dun sa guy, sa tingin nyo mga beks tutulungan tayo nung guy? Beks vs girls na ang labanan! Napahampas nalang ako ng noo ng mabasa ko tong ibang comments nila. Hala seryoso ba sila? Wala pang isang araw na ka-housemate ko tong tatlong to pero hindi nako mawala wala sa atensyon ng mga estudaynte. Ibabalik ko na sana yung cellphone ni Joan ng biglang mag notify ulit yung group nayun. Agad kong clinick yun habang nakatingin din si Joan. May nag upload ng picture ni Zeus na hawak hawak yung mountain dew na may caption na: guys magdiwang tayo alam ko na kung ano favorite drink ni Zeus! Nakita ko sya kanina first time kong makitang ngumiti si Zeus dahil sa mountain dew! One down, dalawa nalang. Tubig lang ininom nila Dave at Radcliff kanina. Nagtinginan kami ni Joan at naguluhan. "Ayan ba yung mountain dew mo?" "Hi-hindi ko alam." Napaisip ako bigla. "Hindi kaya, kaya kinuha ni Zeus yung mountain dew mo dahil favorite nya to?!" Malakas na pagkasabi ni Joan. So ayun pala yung dahilan kaya pala kahit nainuman ko na yung inumin ko, ininom nya parin dahil favorite drink nya pala yun. Parehas kami!? **** "Nandito nako!" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay, medyo napagod ako sa trabaho ko sa mcdo bakit feeling ko ang layo ng trabaho ko out of the way kasi yung location ko ngayon di tulad dati, kung dati magkakalapit lang yung school boarding house at trabaho ko ngayon sobrang layo kailangan ko pang umikot para umuwi. Haaaay mukang kailangan kong makahanap ng bagong trabaho yung malapit lang dito. Teka, wala paba sila? Wala pang tao dito? O baka naman nasa kwarto na sila? Tumuloy ako sa kusina at kumuha ng tubig para uminom ng marinig ko na may nagsasalita sa labas kaya sumilip ako. Nakita ko si Radcliff na nakatayo at nakatitig sa washing Machine, para akong nanonood ng paranormal activity dahil sa ginagawa nya. "Anong problema?" Sabi ko ng hindi nako makatiis sa ginagawa nya. "Pauloooo" sabi ni Radcliff sa cute na boses. "Uhm?" "Pano bato gamitin?" "Ha!!!" Nashocked ako sa sinabi ni Radcliff, seryoso ba sya sa sinasabi nya!? even baby kayang gamitin tong washing machine eh. "Tulungan mo naman ako, wala nakong susuutin. Madumi na lahat." Napatingin ako sa marumi nyang damit at napaatras ako ng makita ko yung tambak ng damit, damit nya ba lahat to o tindahan ng ukay-ukay? Mas matangkad na sakin yung dami ng damit nya sa marumihan. "Ngayon kalang maglalaba!? Kailan ka huling naglaba?!" "Hindi ko alam kung pano, kaya hindi ako naglalaba, simula ng lumipat ako dito, Paulo tulungan moko." Natawa nalang ako kay Radcliff. "Sige sige ako na dyan." Proud na proud pa ako. Nilapag ko yung bag ko sa gilid at sinimulan kong labahan yung mga damit ni Radcliff hiniwalay ko muna yung mga puti nya, kailan ba sya lumipat dito? Bakit parang pang isang taon natong mga damit nya? Buti nalang may washine machine dito mabilis lang siguro mga walo o sampung batch yung gagawin ko dito para malabahan lahat ng damit nya. Kung ibebenta ko tong mga damit nya makakapagpatayo nako ng ukay ukay sa sobrang dami nahiya naman yung pang dalawang linggo ko lang na damit. Automatic na ang washing machine nila kaya naman iniwan ko muna to habang umaandar para makapagpalit ako ng damit. Ng bumalik ako nakita ko si Rafcliff na may dala dalang plastik papalapit dito. "Ano yan?" Tanong ko out of curiosity. "Mga brief ko." Nashocked ulit ako sa sinabi nya!!! kala ko basura yung hila hila nyang garbage bag! Dyusko yung puso ko. So ibig sabihin ako rin maglalaba ng mga brief at boxer pa ata yung iba. "Pasensya kana Paulo ha." "O-okay lang." Sabi ko sabay ngiti, buti nalang cute si Radcliff hehe. Picturan ko kaya mga underwear ni Radcliff at inggitin ko yung mga fans nya hahaha. De joke lang ayokong masama sa center of attration nilang tatlo. Pinakuha ko si Radcliff na mga hanger para habang naglalaba per batch, sinasampay ko na yung mga natapos na para mahanginan since na nadryer na ang mga damit paglabas ng washing machine. Sobrang dami nyang hanger, ano bang nangyayari sa mga tao dito? "Anong ginagawa nyo?" Bungad ni Dave pagsilip nya samin kasama nya yung matangkad na lalaki sa likuran nya na as usual wala na naman syang expression. "Tinutulungan akong maglaba ni Paulo ng damit." Masayang sabi ni Radcliff sa dalawang lalaking nakasilip samin. "Talaga?" Parang hindi makapaniwala si Dave. "Pwede mo rin ba akong tulungan Pau?" Dagdag pa ni Dave na medyo nahihiya hiya pa. "Ha?" Don't tell me hindi rin sya marunong maglaba?! Kung hindi sya marunong maglaba most likely hindi rin marunong maglaba si Zeus. "Sige! Kukunin ko na yung marurumi kong damit!" Masayang sabi ni Dave sabay nagmadaling umalis. "Ikaw Zeus? Papasabay kaba?" Tanong ko sa lalaking matangkad. "Hindi." "Dali na, dalahin mo narin dito para malabahan na." "Ayaw." Aaaarrrrggghhh! Yung sagot nya! Wala naba syang ibang alam na words?!!!! Nanlaki ang mga mata ko ng ibaba na ni Dave yung mga damit nya halos mahimatay ako sa gulat dahil sobrang dami nito tinalo pa yung mga damit ni Radcliff seryoso ba sila? Anong ginagamit nila?! Kung hindi sila naglalaba?! Dyusko yung puso ko!!! "Mukang isang taon din yang mga maruming damit mo ha." Biro ko kay Dave. "Tama ka dyan! Pero half year palang yan hahaha!" Sabi ni Dave na parang proud na proud pa, sarcastic yung pagkasabi ko! Huhuhu! Nang matapos kong labahan yung mga damit ni Radcliff agad kong sinimulan yung mga damit ni Dave. halos makalahati yung mga sampayan dito sa damit palang ni Radcliff plus yung damit pa ni Dave baka umabot nako hanggang likuran at kabilang gilid ng bahay. At wala ba silang gagawin? Bakit nakatambay rin silang tatlo dito sa labahan? Dyusko naman! Whew yung puso ko, yung puso ko. Para silang mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD