TEN

1886 Words
"Laurene!" Pagkapasok ko palang ng VIP room ay bibig na agad ni Jorih ang sumalubong sa akin. Tumayo agad siya galing sa pagkakaupo at lumapit sa puwesto ko. Nakatingin rin sina Sheriah at ang nobyo niya. "Bakit late ka? Kanina pa kita tinatawagan!" Sabay pamewang sa harap ko. Nakasuot siya ng mini dress na tube at ponytail ang mahaba niyang blond na buhok. "Uh, may ginawa lang pero okay na ngayon." Pagdadahilan ko kahit na alam kong late lang talaga ako nagising. Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Infairness ah, ang ganda mo ngayon parang unbothered lang 'eh no? Ikaw na talaga haha!" Ngumiwi lang ako habang pabiro niya akong tinampal. Nakasuot lang naman ako ng fitting black dress na backless pero dahil mahapit ay makikita talaga ang cleavage ko. Katamtaman lang ang buhok ko kaya ay pina wave ko lang ito ng bahagya. "Hi Laurene, babe!" si Sheriah. Bumeso ako sa kaniya. "Happy birthday pala, Sheriah." "Thank you, ang saya ko talaga dahil pumunta ka. Ilang araw lang wala ah." Napatingin ang mga kasama namin sa room dahil sa mga pinagsasabi nila. Mas marami ang mga lalaki kaysa sa babae kaya ay halos napunta sa akin ang mga mata nila. Napakamot na lang ako ng braso dahil sa kaba. "Ah, oo.. may ginagawa lang." I answered. Jorih chuckled, "Well, you made quite an entrance, and I think everyone here appreciates it. Come, have a seat." She gestured to an empty spot beside her. I walked over and greeted Sheriah's boyfriend, exchanging pleasantries before I saw Tristan in the corner. Umiinom siya ng alak sa corner at parang wala man lang pakialam sa paligid. Gusto ko siyang lapitan kaya ay nagpaalam muna ako kay Jorih na ngayon ay kausap na ang mga bagong dating. “Tristan.” Bumaling ito sa akin at ngumiti ng matipid. “Hey.” Tinaas niya ang kaniyang alak at ininom iyon bago magsalita ulit."Kumusta? Ilang araw ka yatang absent." Hindi ko siya matingnan ng diretso dahil awkward parin ang nangyari noong nakaraan. “Ah, ano kasi.. mukhang lilipat ako ng skwelahan.” Tumaas ang dalawang kilay niya habang nakatingin sa akin. "You're avoiding him?"Nag alinlangan akong ngumiti. “Umupo ka rito, let's talk. We haven't talked since that night.” Dagdag niya pa nang mapansin niyang nakatayo lang ako sa harapan niya. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi lang rin niya at pinagmamasdan lang siyang nagsasalin ng alak sa isa pang baso. “I guess, one shot is okay?” Tumango ako at kinuha ang baso pero hindi ko muna ininom. “Nasabi ng school na edited lang ang video but I didn't believe that.” Kinabahan ako. Lumunok ako at hindi makatingin sa kaniya. “They told us that so they will clear the misunderstanding. Why don't they just announce that the Professor has a twin?” “Alam mo?” Sumulyap siya sa akin bago tumungo ang mata niya sa nilalaro niyang alak sa baso. "Jorih told me," he paused. "If I hadn't forced her to tell me, hindi niya talaga sasabihin. So, what's the reason why they couldn't tell us that the Professor has a twin?" Nagkibit balikat ako. “I don't know, umalis rin ako pagkatapos roon pero nakipag usap naman si Dean sa akin sa phone na sila na raw bahala magpaliwanag. Hinayaan ko nalang.” “You can't just leave it like that, Laurene. Marami tayo roon, may magsasalita talaga.” “Anong magagawa ko? Kung tatanungin nila ako, ‘eh sasabihin ko. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkaganito.” Nacurious siya sa sinabi ko. “Anong kasalanan mo naman?” Umiwas ako ng tingin at ininom ang alak kaya lang ay nagulat ako dahil may humablot sa baso. Tumalsik pa iyon kaya ay napatayo agad ako. “Tsk, you're not allowed to drink.” Parang lahat ng alaala ko noong mga nakaraang araw at ang nararamdaman kong galit ay bumalik nang marinig ang boses na iyon. Bumaling ako rito at nakatayo na pala siya dala ang basong alak na hinawakan ko kanina. Tumaas ang kilay niya at siya mismo ang uminom rito at saka nilagay agad sa mesa. Nakatingin lang kami sa kaniya at pati ang mga tao sa loob ay napahinto rin. Sinigurado ko pa dahil baka nagkamali ako pero dahil iba ang fashion style niya ay nalaman ko agad na siya ang kambal ni Professor Zaiden. Wala siyang suot na eye glasses ngayon at nakaayos ang buhok niya. Napansin ko rin na may kulay ng kunti ang noo’y itim niyang buhok. Dinilian niya ang kaniyang labi at lumapit sa harapang upuan upang umupo at saka nag diskwatrong nakatingin lang sa akin. “Anong ginagawa mo rito?” Mahinahon kong tanong kahit sa loob ko ay gusto ko na siyang sigawan. "I invited myself. What’s the occasion?"Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘to para pumunta tapos hindi pala alam. “Bakit ka nandito kung hindi mo naman pala alam kung anong okasyon? Bobo ka ba?” Napasinghap ang lahat sa sinabi ko. Tiningnan ko sila at ngayon ko pa naalala na wala silang alam na may kambal ang Professor. Akala ko ay magagalit siya pero nawiwili lang siyang nakatingin sa akin. Nakalumbaba pa siya at inobserbahan ang reaksiyon ko. Nakaramdam ako ng inis at kahihiyan dahil sa lalaking ‘to. Ang kapal ng mukha niya. "I didn't know. I just thought it was a regular party," he replied with a smirk, seemingly unfazed by my frustration. "Regular party? You barged in like you own the place!" I retorted. Zairon leaned back in his chair, crossing his arms. "Well, it's not every day that I get invited to a celebration. I figured I'd check it out." Pinagmamasdan niya ang kabuuan ko at may kumislap sa mga mata niya. "By the way, nice dress. Really accentuates your, uh, assets," dagdag niya na may kumpas ng tingin sa cleavage ko. Napakunot-noo ako sa kilos niya. "Seriously? Hindi ako interesado sa mga flirty moves mo, especially after what happened. Kapal ah." Mabuti nalang at bumalik sa kung ano ang ginagawa ang mga kasama namin tapos si Tristan naman ay biglang nawala. Hindi ko siya napansin dahil sa lalaking ‘to. Tumawa siya ng bahagya. "Come on, relax. I'm just here to have a good time. No need to be so uptight." Hindi ko matanggihan ang init ng ulo. "Uptight? Ikaw nga 'yung bigla-bigla na lang dumating dito nang walang imbitasyon! What's your agenda?" Duda ako sa lalaking 'to, masyado na siyang papansin. Napalapit siya ng kaunti, at sa malamlam na ilaw ng lugar, mas lalong naging nakakainis ang kanyang ngiti. "Agenda? Wala naman, just wanted to see if the rumors about a gorgeous lady making the party more interesting are true." "Wow, flattery. As if that's going to work for me," sabi ko, binubukas ang cellphone ko para kunwari'y may kailangang gawin at umupo ulit sa upuan. He grasped my cellphone, raising it in front of him. With one hand firmly gripping the chair's armrest, he leaned in, bringing his face closer to mine. "Why don't we just enjoy the party, Laurene? No need to make things complicated." Tumayo ako at kahit alam kong magkakalapat ang mukha namin ay hindi ako nagpatinag at inangat ang aking kamay upang maabot ko sa kaniya ang cellphone ko. Hindi ako umiwas ng tingin at isang pulgada nalang ay mahahalikan ko na siya. Ngumisi siya habang nakatitig rin sa akin. "Hindi ako interesado sa kahit anong gusto mong gawin. Maghanap ka ng ibang babaeng parausan mo." Hinablot ko ang aking phone at tinulak siya upang lumuwag ang pagitan namin dalawa. Masyado kaming malapit, nawawalan ako ng hangin lalo na sa mga mata niya. Ngumiti siya lalo at tumingin sa paligid. "Mukhang masarap ang selection dito. Pero mas maganda pa rin kung ikaw ang pipiliin ko.” Damn this jerk, hindi ko siya kayang makasama. "Zairon, just stop!" Mariin kong singhal at matalim siyang tinitigan. "I don't need this right now," sabi ko, tinatabi ang cellphone ko at iniwasan ang mata niya at umupo ulit ngunit sa ibang upuan naman dahil unti-unting nawawala ang mga tao sa loob, mukhang lumabas para sumayaw. He leaned in where I sat and whispered, "Relax, I'm just having a bit of fun. No harm in that, right?" "I doubt your idea of fun is harmless," sabi ko, napipilitang ngumiti. Gaano ba siya kawalang pakealam? Parang wala lang nangyari ah? He’s really pissing me off. Lumapit ulit siya sa akin at bigla niyang hinawakan ang pulso ko at hinila ako patayo. Hindi agad ako nakadepensa nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa leeg ko. I felt the tip of his nose tracing my skin until it reached my cheek. “Ang bango mo, Laurene. I miss smelling you.” Nangilabot ako sa ginawa niya at kahit nanghihina ako dahil sa presensiya niya ay buong lakas ko siyang tinulak. Isang hakbang lang ang naging resulta ng pagtulak ko pero sapat na iyon upang hindi niya ako malapitan pa dahil agad akong lumayo ng ilang metro. Iginala ko ang aking tingin at wala sila Sheriah at Jorih, pero may mga tao parin naman kaso mukhang walang pakialam sa paligid at may naghahalikan pa sa gilid. “Naiinggit ka ba sa kanila?” Nabigla ako nang hinawakan niya ang baywang ko habang nasa likod ko na siya. “Gusto mo gawin din natin ‘yan, baby?” Malambing niyang sabi. Habang hawak niya ang baywang ko, naramdaman ko ang init ng galit sa aking dibdib. "Huwag mo akong hawakan ng ganyan, Zairon. Hindi ako natutuwa sayo.” Ngumiti siya ng malandi at nagpatuloy sa pambubuyo. "Relax, Hindi naman kita sasaktan. Just trying to have some fun." Napailing ako at tinanggal ang kanyang kamay mula sa aking baywang. "I don't find your idea of fun amusing. Stay away from me." Pero hindi siya natitinag. Lumingon siya sa akin ng may pag-aasar sa mga mata. "Come on, don't be so uptight. I'm just being friendly. Friendly with a little flirt.” Ngisi niya pang sambit. Bakit ganito siya kakulit? Hindi naman ganito si Professor Zaiden. "Friendship doesn't involve invading someone's personal space," mariin kong sinabi, pinipilit na itago ang galit na bumabalot sa akin. Hinawakan niya ang aking braso at pinilit na bumaling ako sa kanya. "I know you're still upset about what happened at University, but can't we just enjoy the night? Forget about the past, Laurene." "Hindi mo ba naiintindihan ang salitang 'no'? I don't want anything to do with you," sigaw ko sa mukha niya. Naglakad ako palayo mula sa kanya, subalit sunod siya ng sunod. Umiinit ang dugo ko at malapit nalang ay mapuputol na ang pasensiya ko. "You can't avoid me forever, Laurene.” Huminto ako at matalim siyang tinitigan. “I can avoid you eternally, Zairon. Hindi ka importante sa akin kaya wala akong pakialam sa'yo. Please lang, lubayan mo na ako.” Mabilis kong inihakbang ang paa ko at lumabas ng VIP room. Tumataas ang dugo ko sa kaniya lalo na at nakikita ko siya. Ayoko siyang makita, naririndi ako sa boses niya at naiirita ako kapag nakikita ko ang mukha niya dahil naalala ko lang ang panloloko nila sa akin. Bumagal ang paglalakad ko nang nakaramdam na naman ako ng panghihilo. Wala pa naman akong nainom, ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD