chapter five

2234 Words
Isang linggo na nakalipas at isang araw na lang ang nalalabi at makakarating na ako sa Taiwan Ceramics Biennale, na gaganapin iyon sa New Taipei City. Kaya todo ingat ako sa mga ceramic flower art na ginawa ko. Tapos na din ako sa pagpipintura at pagpapatuyo nito. Nakaalis na din ang magpinsan na Milyn at Jelly dahil tumawag ang mismong nanay ni Milyn na pinapauwi na sila dahil may biglaang lakad sila, hindi ko nga lang alam kung saan. Pero nang huli kong makausap si Jelly ay sinasabi niya na uuwi muna siya sa kanilang probinsiya, gusto daw niya makahinga ng ayos at makapagmuni-muni. She can manage herself naman daw pero hindi mawala sa akin ang pag-aalala kaya binilin ko sa kaniya na tawagan o mag-iwan siya ng mensahe sa oras na may nangyari sa kaniyang masama. Hindi ko rin nabanggit sa kaniya kung anuman ang magiging plano ng mga Hochengco sa oras na magbunga ang isang gabi na pagkakamali nila ni Russel Ho. Pero sana ay huwag muna dahil marami pang pangarap na gustong marating ni Jelly, pero tulad ko ay tao din siya, nagkakamali kaya hindi ko siya magawang husgahan. Sa tuwing papasok ako sa malaking bahay na ito, pakiramdam ko ay nag-iisa na naman ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na balita kina mama at tito Chano. Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit ko na sa kanila ang tungkol sa bagay na ito. Hindi lang ako sigurado kung naalala pa ba nila iyon o hindi. Hindi bale, mag-iiwan nalang ako ng mensahe sa kanila pareho. Kakapalan ko na ang mukha ko, kailangan ko ng allowance mula sa kanila kahit pamasahe lang ay ayos na sa akin. Kahit may naitago man akong pera ay hindi pa sapat iyon. Nakatambay lang ako sa balkonahe ng aking kuwarto, dahil gabi na ay sakto lang ang panahon ngayon para makapagmuni-mun habang umiinom ako ng paborito kong tsaa. Biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ako nagdalawang -isip na silipin iyon. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang mabasa ko ang pangalan ni Owen bilang sender. Dahil d'yan ay agad kong binasa ang nilalaman ng mensahe. From Owen : Still awake? Sumandal ako sa coffee chair dito sa balkonahe. Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Nagtipa ako ng isasagot ko. To Owen : Yeah, why? Then I tapped send. Humalukipkip ako habang nakaupo. Naghihintay ako sa susunod niyang text message at hindi nga ako nabigo. Muli tumunog ang cellphone ko. Pagkasilip ko ay medyo nawindang ako dahil hindi na text message, kungdi tawag. Aligaga akong sagutin iyon. "Owen?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya sa kabilang linya. "Hey, my lady." bahid sa boses niya ang kasiyahan nang sambitin niya iyon. "Did I disturb you?" Yumuko ako sabay hawi ko sa aking buhok. "H-hindi naman. Bakit ka pala napatawag?" hindi ko alam kung tama ba ang tanong kong iyon! "I want to know your feelings right now. Bukas ay alis na natin patungo sa Taiwan." aniya. Binasa ko ang aking mga labi. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "I'm nervous, for real." pag-amin ko. "Oh, don't be, my lady. Maganda ang gawa mo. Alam kong magugustuhan ng mga judges ang mga obra mo." nahihimigan ko ang pagsuyo niya sa kaniyang boses. "I hope so, Owen. I'm so sorry for telling this. I'm so worried." napahilamos ako ng mukha saka nagpangalumbaba. "Kailangan ko magdasal ulit ng ilang ulit bago ako matulog mamaya." Hindi ko alam kung ako lang ba o nababaliw ako pero naiimagine ko na nakangiti siya ngayon. Ewan, nababaliw na yata ako. Epekto sa kakaisip ko para sa competition. "My lady?" tawag niya sa akin sa pamamagitan ng baritono niyang boses. "Hmm?" "Remember this, alright? I have something to tell you." "What is it?" "Even if you don't know what is waiting for you on your road, don't stop moving. I wish you always have luck walking with you." Hindi ko mapigilang kagatin ang labi ko. Bakit ba sa tuwing nalulungkot ako, nariyan siya palagi? Hindi niya ako pinapabayaan na madapa o kaya ay makaisip ako ng isang bagay na panliliit sa sarili ko? Nagagawa niyang pagaanin ang kalooban ko sa isang iglap lamang. Hindi ko lubos maisip na ganito kami magiging kalapit sa isa sa mga araw na ito. It was very unexpected. Ang tanging alam ko lang noong una ko siya makita ay paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kaniya pero, heto, mas nagiging malapit pa ako sa kaniya. Hindi ko malaman kung swerte ba ako o nagkataon lang na nagkatagpo kaming dalawa? "Maraming salamat, Owen. Salamat sa pagpapagaan ng loob. I really appreciate it." malumanay kong sambit. Nagpaalam na ako sa kaniya para sabihin na matutulog na ako. Napag-usapan na din kasi namin na maaga siyang dadating dito sa Villa Amador para sunduin niya ako't sabay na kaming pupunta ng airport. Pumayag naman siya. Dinaluhan ko ang kama para humiga na nang muli akong nakatanggap ng tawag. Nang silipin ko kung sino ang tumatawag ay nagtataka ako kung bakit ang pangalan ni mama ang lumalabas sa screen. Kahit may parte sa akin ang pagdadalawang-isip na sagutin iyon ay sa huli ay pinili ko nalnag na sagutin ang kaniyang tawag. Tahimik kong idinikit ang telepono ko sa aking tainga. "Ma..." "Jaz! I'm so sorry!" bigla niyang bulalas sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. "I'm so sorry if I forgot your birthday! Hindi ko namalayan na birthday mo na pala ng mga araw na iyon! Masyado lang kaming busy ng tito Chano mo sa work!" Hindi ko magawnag sumagot. Yumuko ako't naramdaman ko ang pagpiga sa aking puso nang marinig ko mula kay mama ang mga excuse niya. Hindi ko malaman kung maniniwala ba ako o magmamaang-maangan pa ako na maniwala at tanggapin ang isa sa mga pinakamalaking kalokohan na iyan. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pilit kong maging manhid sa tuwing kausap ko siya, pero mukhang magiging bigo pa ako. "Jaz? Anak?" muling tawag sa akin ni mama. "No, ma. It's okay..." pilit kong huwag mabasag ang boses ko. Kailangan kong maging matatag. "Bukas ay aalis po ako. Nasabi ko na po nang ilang beses na pupunta po ako sa Taiwan para sa sinalihan kong competition doon." "Oh! Oo nga pala! Ikaw lang ba ang pupunta?" I pressed my lips for seconds. "Sasamahan po ako ng kaibigan ko, ma." tugon ko. s**t, Jaz, don't dare to cry! Don't ever ever cry! "In that case, I'll transfer some money to your account." aniya. Tumango ako kahit alam ko na hinding hindi niya iyon makikita. "T-thank you po." ang tanging nasabi ko. "Before that, I have something to tell you, sweetheart." "A-anong po 'yon?" "I'm pregnant! And you're going to be a big sister, soon!" Saglit ako natigilan sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba guni-guni iyon? "M-magiging ate... Ako?" nanghihina kong tanong. Humihingi ng kumpirmasyon. "Yes, sweetheart. Oh, ibababa ko na ang tawag, Jaz. Papunta kami ng New York ngayon ng tito Chano para mameet ang mga clients. Goodnight!" "Ma—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nawala na siyang bigla sa kabilang linya. Lumaylay ang mga balikat ko. "Don't stress yourself." halos pabulong ko nang sambit, kahit alam ko na hinding hindi na niyang maririnig pa ang paalala ko para sa kaniya. Dahan-dahan ko na din inalis ang cellphone mula sa aking tainga. Ipinatong ko ang telepono sa aking gilid. Napaitngin ako sa pinto patungong balkonahe. Kumawala ako ng isang malaking buntong-hininga. Mas lalo ko naramdaman ang pagpiga sa aking puso. Ramdam ko nalang ang mainit na likido na marahas na dumadaloy sa aking pisngi. Pumikit ako ng mariin. Ilang beses na ba akong naramdam ng ganito kasakit? Mula pa sa sarili kong ina? Nalilito na ako. Nagagawa na niya akong itsapuwera sa kaniyang buhay. Yeah, she knows I'm going out of the country, all I want to hear from her, "I'm so proud of you, Jaz." Iyon lang at wala nang iba. Kahit huwag na niya akong sabihan ng I love you, or take care. "Ang bigat na, ma." doon na nabasag ang boses ko nang sabihin ko ang mga bagay na iyon. - Mula sa Villa Amador, hanggang sa nakarating kami ng New Taipei City dito sa Taiwan. Nakasunod lang ako kay Owen dahil may alam pala siya sa lugar na ito dahil madalas siyang nagpupunta dito dahil may business daw sila dito at nalaman ko na isang luxury hotel and resort pala ang negosyo nila dito! Hindi lang dito sa Taiwan, maski pala sa Beijing, Macau at Hong Kong ay may branch sila doon! All of them are four and five stars! Hindi ko sukat akalain na ganito pala kayaman ang isang tulad niyang Hochengco! Dahil first time kong nasa ibang bansa ay sinusulit at binubusog ko ang aking mga mata sa bawat lugar na nadadaanan namin. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na kunan ng video at litrato habang narito kami sa loob ng kaniyang sasakyan na talagang nagpasundo pa at dadalhin kami sa hotel na kanilang pagmamay-ari. Nakakahiya naman dahil sagot daw niya ang mga gagastusin maski ang pagkain ko daw. Para bang tuwang tuwa siya na makarating ako sa bansang ito. Sa pagtigil ng sasakyan sa isang matayog na gusali ay hindi ko mapigilang mamangha. Mula dito sa loob ng sasakyan ay tanaw ko ang lobby na may bahid ng karangyaan. Ang mas ipinagtataka ko kung bakit may isang lalaki na naka-amerikana at dalawang babae na nakapormal na kasuotan na naghihintay sa may entrahada ng matayog na hotel. Unang lumabas ang driver. Umikot siya sa harap hanggang sa nagawa niya kaming pagbuksan ng pinto. Nauna si Owen lumabas, bumaling siya sa akin, nilahad niya ang isa niyang kamay sa akin. Ngumiti ako saka tinanggap ko iyon hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng sasakyan. "Qing xiao xi xing li, te bie shi tao ci yi shu pin. (Please be careful in baggage, especially the ceramic arts)." rinig kong sabi ni Owen sa driver. Tahmimik na tango lang ang naging sagot ng diver sa kaniya. Isinara niya ang pinto ng backseat ng sasakyan. Sunod niyang dinaluhan ay ang compartment sa likod ng kotse. May lumapit sa kaniya na mga staff ng naturang hotel para tulungan na buhatin ang mga dala namin. Agad na pinulupot ni Owen ang isang braso niya sa aking bewang. Marahan niya akong iginiya paakyat hanggang sa nasa harap na namin ang tatlong tao na naghihintay sa amin. Sabay-sabay silang yumuko bilang pagbigay-galang nila kay Owen, dahil anak siya ng may-ari ng malaking hotel na ito. "Mei hao de yi tian, Ouwen dashi. (Good day, master Owen)." sabay-sabay nilang bati. "Wo men yi jing we Jaz xiao jie, zun bei le zong tong tao fang (We have already prepared the presidential suite for Miss Jaz.)" rinig kong sabi ng lalaking naka-amerikana kay Owen. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya! Ang hirap naman nito! Seryosong tumango si Owen sa kanila. "Dai ling wo men qian jin (Lead us the way)." "Dang ran, Ouwen dashi (Certainly, Master Owen)." nilahad niya ang isang palad niya na para bang itinuro niya sa amin na sundan namin sila. Until we reached the room. Mas lalo ako namangha sa ganda ng sinasabing presidential suite. High class ang dating. Halos kompleto ang mga narito. Marahanakong umupo sa gilid ng queen-sized bed, hinaplos ko ang hinaplos ko ang kama habang kausap ni Owen ang lalaking naka-amerikana. Bumaling ako sa kanila. Kung kanina ay masayang mukha ang nakaukit sa aking mukha ay napalitan iyon ng pagtataka dahil nasilayan ko ang kaseryosohan sa mukha ni Owen na para bang may hindi siya nagustuhan sa mga sinabi ng lalaking kaharap niya. Tumingin sa akin si Owen, nilapitan niya ako. "May kikitain lang ako sa opisina, my lady. Ayos lang ba kung mahihintay mo ako dito?" Binigyan ko siya ng isang ngiti. "Oo naman, walang problema sa akin." sagot ko. Hindi ko inaasahan na dumampi ang mga labi niya sa aking noo. "Babalikan kita, hmm?" Tahimik akong tumango at ngumiti muli. Hinatid ko lang sila hanggang labas ng kuwartong ito. Hindi maalis ang tingin ko kay Owen. Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko dahil lumiko sila ng daan. Nagbuntong-hininga ako. Papasok na sana ako sa loob nang may nakatayong babae sa gilid ko. Hindi ko mapigilang mapasinghap at napasapo sa aking dibdib dahil sa pagkagulat. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Isang maputi, petite, chinitang babae ang sumulpot sa aking paningin. Pansin ko ay kasing tangkad ko lang siya. Sa postura niya ay masasabing anak-mayaman ang isang ito. "E-excuse me... W-what can I do for you?" malumanay kong tanong sa kaniya. Nagbabakasakali lang din na maitindihan niya ang salitang Ingles. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Pinagmasdan niya ako mulo ulo hanggang paa. Tumaas ang isang kilay niya, that makes me feel intimidate by her. "I can speak tagalog." bigla niyang sabi. Nakahinga naman ako ng maluwag. Marunong pala siya magtagalog. "Girlfriend ka ba ni Owen?" diretsahan niyang tanong sa akin. Natigilan ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko. "A-anong..." "So, hindi ka niya girlfriend? Oo o hindi?" "H-hindi... Hindi niya ako girlfriend..." "Good." she snapped. Humalukipkip siya sa harap ko. "Dahil ayokong may humaharang sa nalalapit na engagement party namin." What? Engagment party?! "Ynnah Tang, remember that name. And I'm Owen's fiancee." nilagpasan na niya ako. Hindi pa siya kuntento ay tinabig pa niya ang balikat ko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. I rolled my eyes. Marahas akong huminga ng malalim. That was... Unexpected, myself, Jasmine Ticmon Amador met Owen's bitchy fiancee—Tang Ynnah. Hindi naman ang fiancé niya ang ipinunta ko dito sa Taiwan! Pero nakakainis, ah! Kailangan ko ng mahaba mong paliwanag, Mr. Owen Hochengco! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD