chapter four

2398 Words
Hinayaan ko lang na makapasok si Owen sa loob ng studio. Habang pinapasadahan niya ng tingin ang mga kagamitan na meron dito sa loob ay kumuha naman ako ng tuwalya sa sa mini cabinet, pati na din ng pinakamaluwag kong tshirt na tingin ko naman ay magkakasya naman iyon sa kaniya. "I don't know you're busy..." rinig kong sabi niya. Bago man ako sumagot ay nilapitan ko siya na dala na ang mga damit pamalit. Inabot ko ang mga iyon sa kaniya. "Sorry, nakalimutan ko." nakangiwing tugon ko. Hindi ko naman talaga intensyon na kalimutan na pinapaunta niya ako sa barn house niya, masyado lang akong concentrated sa ginagawa kong project. Tinanggap niya ang mga damit pati ang tuwalya. "It's okay," he said. Nilagay niya ang tuwalya sa kaniyang ulo para patuyuin ang kaniyang buhok. "Dapat pala ay nagtanong muna ako sa iyo." I pressed my lips. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I feel kinda guilty, hindi na nga ako nakarating sa barn house niya para icelebrate birthday ko kahit late na, nabasa pa siya sa ulan. I feel it's my responsibility for that. Sumagi sa isipan ko na lapitan kung nasaan ang thermos. Tingin ko ay may natira pang mainit na tubig. Naglabas ako ng tasa na gawa ko mismo mula sa cupboard. Gagawa ako ng tsaa para sa kaniya. "Uhm, pwede ka muna magbihis d'yan sa divider habang pinaptitimpla kita ng tsaa." suhesyon ko. "Yeah, right." sang-ayon pa niya saka nilapitan niya ang divider na tinuturo ko para magbihis siya. Mint tea ang ginagawa kong tsaa para sa kaniya. I am a fan of teas, I can drink some coffees but not really fond of them. I prefer tea talaga. Mas nakakarelax para sa akin kapag iyon ang iniinom ko. Aside from that, I like natural herbs. Ilang saglit pa ay lumabas na siya mula sa kinaroroonan ng divider. Nilapitan ko naman ang mababang mesa. Nilapag ko ang dalawnag tasa ng tsaa na gawa ko. Dinaluhan niya ako. Umupo siya sa harap ko. Mukhang nabitin pa yata siya kanina sa kakatingin sa mga bagay na meron dito sa studio. Ginawa niya iyon habang umiinom ng tsaa. Nanatili lang akong tahimik at inoobserbahan siya. May parte sa akin na medyo nahihiya ako dahil baka sabihin niya ay napakaweird ko yata dahil ito ang inaatupag ko, instead going in some parties or what. Sanay na ako na sina Milyn at Jelly ang Tanggap ko naman kung manang na tingin niya sa akin sa mga oras na ito. "You made all of these stuffs?" bigla niyang tanong sabay turo niya sa shelf kung nasaan ang mga gawa kong plorera. Pilit akong ngumiti. "Yep..." tipid kong sagot. Muli akong humigop ng tsaa. Sunod niyang tiningnan ang mga ceramic wall flowers na ginawa ko kanina, hindi ko pa nga lang tapos ang mga iyon. "Ito na ba ang tinutukoy mo dati? Napag-isipan mo na kung anong project na gagawin mo?" Tahimik akong tumango bilang sagot. "May sasalihan ka bang kompetisyon?" he asked again. Marahan kong ibinalik ang hawak kong tasa sa mababang mesa. "Yeah, balak kong sumali sana isang ceramic art contest..." Ganoon din ang ginawa niya. Inilapag niya din ang hawak niyang tasa sa mesa. Diretso siyang nakatingin sa akin, na para bang naging interisado siya. "Where?" "Taiwan," mapait akong ngumiti saka yumuko. Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko. "Sounds funny, right?" "What's funny?" Tumaas ang mga kilay ko. "Dahil masyado pa akong bata para sumali sa mga ganoon kalaking kompetsyon, though kahit dito pa sa Pinas ay wala pa akong sinalihan." I realeased a small sighs. "I just want some experience, kahit hindi ako manalo doon, basta alam ko ang pakiramdam kapag nakasali ako sa ganoon. But all I have to do is to chase my dreams and be more hardworking." simpleng paliwanag ko. "You have a talent, my lady." masuyo niyang sabi. "No, marami pa akong dapat matutunan." natatawa kong sambit. "No, it's true. I mean it. You have such and rare talent." he added. Dahil sa salita na kaniyang binitawan ay tumingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. Wala akong makapang salita para tugunin ang kaniyang sinasabi. Kapag talaga siya ang nakaharap ko, umuurong ang dila ko. Kahit ganoon ay nakaramdam ako ng kasiyahan sa loob ko. Sa puntong ito, ay hindi lang sina Milyn at Jelly ang sumusuporta sa akin. Maski si Owen na akala ko ay pagtatawanan niya ako dahil sa unti-unti na niya nakikilala bilang ako. A eighteen-year-old girl who keeps chasing her dreams, even it's impossible to reach it. "Have you registered in that competition?" sunod niyang tanong. Mapait akong ngumiti. "Yep. Nakapagregister na ako." "Kailan naman gaganapin iyon?" "One month later?" "Who's with you? Even your relatives can come to support you?" Doon ako natigilan. I sighed. "They don't have to. Kaya ko naman ang sarili na makarating doon. They're all busy, ayokong makidagdag pa ako, instead giving me a moral support, baka maging pabigat pa ako dahil nasa kalagitnaan sila ng trabaho." tugon ko. Kahit ang totoo niyan, sa loob-loob ko ay nasasaktan na ako. "Ako ang tipo ng tao na dumedepende sa sarili ko." Nang sambitin ko ang mga bagay na iyon ay agad ko binawi ang aking tingin mula sa kaniya. Kinuha ko ulit ang tsaa saka humigop n'on. Sa gilid ng aking mata ay alam ko na nanatili siyang nakatitig sa akin na tila pinag-aaralan niya ako. Na para bang malalim ang kaniyang iniisip na hindi ko matukoy kung anuman ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Pilit kong tinatago ang pait na aking nararamdaman. "I will go with you," Halos mabitawan ko ang tasa. Gulat akong tumingin sa kaniya. Suminghap ako. "H-hindi na..." "It's my decision, by the way, my lady." giit pa niya. Bakas sa boses niya ang deteminasyon. "Since sa Taiwan ka din naman pupunta, sasamhan na kita. It's your first time there." "O-Owen..." gustuhin ko man sana tumanggi pero muli siyang nagsalita. "I'll bring some of your supporters." Huh? Sino naman ang tinutukoy niyang supporters? Hindi naman pupuwede sina mama at tito Chano, hindi rin naman puwede ang parents ni tito dahil nasa Espanya ang mga ito. Hindi rin puwede sina Milyn, Jelly, kahit ang isa pa naming kaibigan na si Norielyn dahil paniguradong hindi agad papayagan ng mga magulang nila dahil malayo ang lugar kung saan gaganapin ang kompetisyon. - Nagising nalang ako na nakahiga sa couch. Napansin ko din na may comforter sa aking ibabaw. Hinawi ko iyon saka kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Bumangon na din ako. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng studio. Medyo kumunot ang noo ko dahil wala na dito si Owen. Ni anino niya ay hindi ko na makita. Napukaw ng aking atensyon ang isang note sa ibabaw ng mesa. Hindi ako nag-atubiling kunin iyon saka binasa ang nilalaman ng note na iyon. Thanks for the tea last night. I'm hoping I can talk to you more. - Owen Ho Simpleng note lang naman pero nagawang kong ngumiti sa pamamagitan nito. Nagstretch ako na hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Pakiramdam ko ay gumanda ang araw ko dahil doon. Isa sa mga pinakamagandang gabi na nangyari sa akin ay tungkol kagabi. Hindi ko talaga inaasahan na pupuntahan ako ni Owen dito sa Studio. Tinupi ko ang comforter saka ipinatong ko iyon sa ibabaw ng couch. Nag-ayos na din ako ng kaunti dahil balak kong pumunta sa kuwarto ko para maligo at magbibihis. Para na din makakain na ako ng almusal. Kailangan kong bumawi ng kain dahil lunch at dinner ay pinalagpas ko dahil sa sobrang concentration. Pagpasok ko sa Dining Area ay nadatnan ko ang magpinsan na kumakain na. Nakuha ko ang kanilang atensyon. Biglang tumayo si Milyn saka nilapitan ako. "Mabuti naman ay nakalabas ka na sa lungga mo. Dapat eh pupuntahan kita sa studio mo, ang kaso nakalagay ay don't disturb, eh di hindi na ako nangulit pa." sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya. "Sorry, masyado lang akong concentrated sa ginagawa ko." sambit ko. Hindi ko muna sasabihin sa kanila ang tungkol kay Owen para hindi sila mabigla ng sobra. Hinawakan niya ang isang kamay ko. "Tara, kumain na tayo. Daig mo pang nagfasting sa lagay mong iyan, eh." marahan niya akong hinatak patungo sa mesa. Talagang siya pa ang nag-aasikaso sa akin. "Ako din nagluto ng almusal. Heto, oh." nilagyan niya ng ham at sunny side up egg ang plato ko. Pati na din ng kanin. "Kumain ka ng marami, baka sabihin nila ay pinapabayaan ka namin." Natawa ako ng kaunti sa mga pinagsasabi niya. Lumipat ang tingin ko kay Jelly na tahimik na kumakain. Sa lagay niyang iyan ay parang may bumabagabag sa kaniya. Gustuhin ko man siyang tanungin kung ano ang gumugulo sa kaniyang isipan ay pinigilan ko lang. Pinili ko nalang siyang kausapin kapag nagkaroon ako ng tyempo na kaming dalawa lang. Pagkatapos kumain ay nagprisinta si Milyn na siya din daw maghugas. Nagpaalam naman si Jelly na magpapahangin lang daw muna siya sa labas. Iyon na ang sinyales na makakausap ko siya ng sarilinan. Matatanong ko na sa kaniya ang mga dapat kong tanungin. Tahimik ko lang siyang sinusundan hanggang sa napadpad siya sa garden ng Villa. May swing doon, pinili niyang umupo doon saka dinuduyan niya ang kaniyang sarili. Nasa lupa ang kaniyang tingin. Bumuntong-hinnga ako't walang alinlangan na akong lumapit sa kaniyang direksyon. Umupo ako sa bakanteng duyan. I hold the chain. "What's the problem, Jelly?" malumanay kong tanong sa kaniya. Gulat siyang tumingin sa akin. Napasapo pa siya sa kaniyang dibdib dahil sa biglang pagsulpot ko sa kaniyang paningin. "J-Jaz..." Ngumiti ako. "Sorry, pero, napansin ko kasi na mukhang problemada ka. Mind it to share? If you don't, it's okay, I understand." dinuduyan-duyan ko na din ang sarili ko. Inilapat niya ang kaniyang mga labi sabay ibinalik niya ang kaniyang tingin sa lupa. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi ito alam ni Milyn. Dahil natatakot ako sa mga posibilidad na mangyayari. Na ibabalik ako sa probinsiya at hinding hindi na ako makakatapat pa dito..." "A-anong ibig mong sabihin?" medyo naguguluhan ako sa sinasabi niya. Tumigil siya sa pagduyan. Tumingin siya sa akin. May nababasa akong takot sa kaniyang mga mata. "Please, Jaz. Huwag na huwag mong sasabihin o banggit kay Milyn tungkol sa bagay na ito." pakiusap pa niya. "Ano ba talagang nangyari sa iyo ng gabi na iyon?" Bago man niya ako sagutin ay lumunok siya ng ilang beses. She composing herself. "I got a one night stand." dahan-dahan niyang sagot. Natigilan ako. Nanatili akong nakatiitg sa kaniya ng ilang segundo bago man masink in sa akin ang sinabi niya. "With whom?" sunod kong tanong. "Who took your virginity?" Kinagat niya ang kaniyang labi. "Russel Ho. Russel Anthony Hochengco." Nabato ako sa posisyon kong ito nang malaman ko kung sino ang lalaking nakasama ng kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala. Kung hindi ako nagkakamali ay kamag-anakan ni Owen ang lalaking tinutukoy ni Jelly. "Jelly Doreteo, are you sure? Siya ba talaga...?" Hindi na maituloy ang sasabihin ko dahil kita ko na may pumatak na luha mula sa kaniyang mata. Yumuko siya. "I was so stupid, Jaz. Ang tanga ko dahil hinayaan ko mangyari ang bagay na iyon." marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga nakawalang luha. "Ako nalang din ang inaasahan nina nanay at tatay para umahon sa kahirapan, mas ikinatatakot ko na baka magbunga ang pagkakamali na ito." ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "So please, don't dare to tell Milyn about this." Tumango ako. "Pero kung magbunga man iyan, sana ay sabihin mo sa kanila ang totoo. Para hindi ka mahirapan ng sobra." - Pagkatapos namin mag-usap ni Jelly ay nagpasya akong puntahan si Owen sa mismong barn house niya na gamit ay ang kabayo. Marami akong itatanong sa kaniya. Nag-alala ako para sa kaibigan ko. Hindi ko man kilala ang tinutukoy niyang si Russel Ho, ay malaki ang maitutulong sa akin ni Owen kung sakaling malalaman ko na kamag-anakan nga niya ang lalaking iyon. Pinahinto ko ang kabayo saka itinali ko ito sa puno. Mabilis kong narating ang entrahada ng bahay. Nasa tapat ako ng pinto ngayon. Kumatok ako. Sana ay narito siya. Ilang saglit pa ay nagbukas iyon. Tumambad sa akin si Owen na naka-robang puti at naka-tsinelas. Dahil basa pa ang kaniyang buhok at magulo pa iyon ay alam kong kakagaling lang niya sa pagligo. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa bigla kong pagbisita sa kaniya. "My lady? I didn't expect..." "We need to talk." diretsahan kong sabi. "Can I come in?" "Of course!" mabilis niyang nilakihan ang awang ng pinto, nagawa kong pumasok sa barn house. "May problema ba, my lady?" Kumawala ako ng isang malaking buntong-hininga. Humarap ako sa kaniya. "It's not my problem. It's my friend's problem. Before that, you know Russel Ho?" "He's my third cousin. He's living in Dasmariñas. Why? Did he do something bad to you?" he sounds territorial at this point. Umiling ako. "No, wala naman siyang ginawa sa akin. Pero sa kaibigan ko, meron. And I want to talk to him! He took my friend's virginity for Pete's sake! I'm kinda mad because he taking away my friend's dreams! She's already afraid that she got pregnant—" "What?!" bulalas niya. Iyan lang ang naging reaksyon niya?! "Stay put and wait., my lady." nilapitan niya ang bar counter. He grabbed his phone. May pinipindot siya doon hanggang sa marinig ko ang ring. Loudspeaker? Sino naman ang tatawagan niya? Habang hinihintay niya ang sagot ng kaniyang tawag ay sumulyap siya sa akin. Someone's picked up! "Hello, Owen?" boses ng isang lalaki! "Hey, cousin Keiran! How are you today?" masiglang bati ni Owen sa kausap niya. Who's Keiran? "Feeling great and contented. Why you suddenly calling at this moment?" "Because Russel did something. One night stand, cous." nakangiting sagot ni Owen. What the hell?! Talagang sinabi niya iyon sa pinsan niya?! "And the girl is now scared for losing her dreams... And you know what I mean, right?" "Alright, I get it. Well, kasalukuyan nang pinagbubugbog nina Vladimir, Archie, Vaughn at Finlay sina Kal at Harris." we heard his heavy sighs. "They drugged my little brother Russel. And I feel sorry for that girl who you talking about, Owen." Are they serious?! "I need a report from you, Owen. Kapag nabuntis ng kapatid ko ang babae, hinding hindi kami magdadalawang-isip na ipapakasal silang dalawa. Please do some background check, too. Atleast we know about her." "Sure. Have a greatest day!" saka pinatay na niya ang tawag. Bumaling siya sa akin na may ngiti sa labi. "Ever since, wala kayong poproblemahin sa pamilya ko, my lady." lumapit pa siya sa akin. He suddenly wrapped his arm on my waist! Ang bago talaga ng isang ito! "Soon, you will be one of the wives of a Hochengco. You will be part of my family, my lady. I assure you." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD