Kagat-labi akong naglalakad palayo kay Owen. Ilang beses na niya akong tinatawag ay sige pa rin ang paglalakad ko hanggang sa nagawa niyang hulihin ang isang braso ko. Pinaharap niya ako. Napalunok ako nang nagtama ulit ang aming paningin. Umukit sa kaniyang mukha ang pagsusumao, na parang nagsisi siya sa kaniyang ginawa. Hindi ko pinatagal ang tinginan namin, dumapo ang tingin ko sa sahig. Pero walang humpay ang paghuhuramentado ng aking puso. Ganito ang epekto niya sa akin!
"Look, Owen, I'm... I'm so sorry..." ang tanging nasabi ko. Ako na nga nag-walk out, ako pa ang humingi ng tawad.
"No, I should one to say sorry, my lady." masuyo niyang sabi. "Dapat ay hindi kita binigla..."
Hindi ko magawang sumagot. Nanatili pa rin akong nayuko. Aminado ako, medyo nag-panic ako sa ginawa niya kanina. Aminado din ako na wala akong alam pagdating sa ganitong bagay. Para akong naculture shock. I mean, I know him for a a very short time pero biglang ganito. Syempre, hindi ko alam kung ano ang dapat ireact ko sa mga pinagsasabi niya. Oo, gusto ko siyang makita dahil espesyal na gabi ito para sa akin pero...
Naputol ang pag-iisip ko nang marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Ang mas hindi ko inaasahan ay masuyo niyang hinalikan ang likod ng aking palad na dahilan para tumingin ako sa kaniya na may gulat sa aking mga mata. "O-Owen..." mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan.
Tumingin siya sa akin nang tuwid. Namumungay ang kaniyang mga mata, mukhang may gustong ipahayag sa akin ang mga mata niyang iyon. "I will do it slowly, my lady. I will respect you..." he said.
Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. Hindi alam kung normal pa ba itong nararamdamam ko? Kasi, parang kaming dalawa nalang ang narito sa lugar na ito. Nawawala ang mga nakakaindak na tunog sa paligid. Kasabay na nagwawala ang halimaw ko sa tyan. Maraming katanungan sa aking isipan, gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawa. Wala akong lakas ng loob upang tanungin siya. Kung bakit ganito siya sa akin? Kung bakit ganito ang turing niya sa akin? Noong huling kita naman namin, hindi naman siya ganito. Kaswal lang ang turingan namin sa isa't isa. He can treat me as his little sister that time pero ngayon...
-
Pagkatapos kong kumain ng sandwich na siyang agahan ko ay nagsalin naman ako ng orange juice sa baso. Hindi ko kasabayan kumain ang magpinsan dahil abala si Milyn na sermunan ang kaniyang pinsan na si Jelly. Umalis kasi ito nang walang paalam. Rinig ko mula sa mga trabahador ay may naghatid sa kaniya pabalik dito sa Villa Amador. Hindi nga lang daw ito nakilala dahil hindi lumabas sa sasakyan ang nagmamaneho ng Fortuner.
Wala akong panahon para maging referee sa magpinsan. And besides, si Jelly naman ang may kasalanan kung bakit siya pinapagalitan ni Milyn. Pero sana naman, huwag mangyari ang inisiip ko.
Wala rin akong natanggap na mensahe mula kay mama upang batiin ako sa birthday ko kahapon pero isiniksik ko din sa isipan ko na huwag na akong umasa dahil alam kong masyado siyang busy sa kaniyang trabaho. Mabuti pa si tito Chano ay nagbigay ng mensahe sa akin. Nagpasalamat ako sa kaniya. Nagtanong siya sa akin kung nabati na daw ako ni mama, nagsinungaling ako sa kaniya. Sinabi ko na opo. Ang sabi niya sa akin ay babawi daw siya, bibilhan daw niya ako ng pasalubong o kaya regalo dahil hindi sila nakarating para sa birthday ko.
Mapait man ang nararamdaman ko ay wala na akong magagawa pa. And besides, ginusto ko din naman ito. Sanay na ako na nag-iisa.
Habang umiinom ako ay rinig ko na may nagdoorbell. Tumaas ang isang kilay ko at ipinatong ko ang hawak kong baso sa counter. Nagpasya akong lumabas mula sa Dining Area. Ako na ang magbubukas ng pinto dahil abala ang mga kasamabahay sa paglilinis ng mga kuwarto sa second floor.
Pagpihit ko ng pinto ay tumambad sa akin ang isang bouquet na punung-puno ng mga puting rosas. Gulat akong tumingin sa may hawak n'on. Umaawang nang kaunti ang aking bibig nang masilay ko ang isang misteryosong lalaki, hanggang balikat lang niya ako, he's wearing a simple navy blue polo shirt and pair of jeans, nakausot din siya ng high-cut chuck taylor shoes. His black hair kinda bit messy na bagay din naman sa kaniya.
"I pressume, you're Miss Jaz Amador?"
Tumaas ang isang kilay ko. "Yes... What can I do for you, Mister...?" hindi ko maidugotng ang sasabihin ko dahil ngayon ko palang siyang nakita sa tanan ng buhay ko.
Ginawaran niya ako ng isang maliit na ngiti. "Gervais Chua, you can call me Gervais. Owen's buddy."
Napaletra-O ang aking bibig. Inabot niya sa akin ang hawak niyang bulaklak. Tinanggap ko nalang ito. "Salamat... Pero, para saan ito?"
"My buddy seems very worried for his lady since last night. So he called me to get a flower for his lady and telling that he wants to see her before he's getting insane..." he answered. Tumaas ang isang kilay niya. "Mukha ngang mababaliw nga siya."
Hindi ko alam kung ano bang gusto niyang ipahayag sa mga pinagsasabi niya. Kumawala ako ng buntong-hininga. "Bakit hindi nalang siya ang pumunta dito? Kaysa inabala ka pa niya." iyon ang nasabi ko.
"Yeah, right. But he's busy for some errands in his barn house." sagot pa niya. "Well, you can see him there around six, tonight."
"P-pero..."
"It's nice to meet you, Miss Amador. Have a nice day." tinalikuran na niya ako. Iniwan lang niya akong nakatayo dito sa doorway. Hinatid ko lang siya ng tingin. Pinapanood ko lang siya kung papaano siya naglakad patungo sa kaniyang sasakyan, hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.
Bumaling ako sa hawak kong bulaklak. Napangiti ako kahit papaano. Hindi ko mapigilan na amoyin ang mga ito. Smell so sweet. Peor bakit may pabulaklak pa si Owen?
Nagkibit-balikat ako. Pinili kong pumunta sa studio ko habang dala ko ang buqouet. Pinihit ko ang pinto ng studio hanggang sa nakapasok na ako. Dahil sa marami akong nagawang flower vase dati ay pumili ako kung anong plorera na gagamitin ko para paglagyan ng mga puting rosas. Napukaw ng aking atensyon ang isang plorera n gawa ko, kung hindi ako nagkakamali, nagawa ko ito isang buwan nang nakalipas. Pininturahan ko ito ng kulay pink.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ako nagdalawnag isip na ilabas ang plorera mula sa shelf. Hinugasan ko ito saka nilagyan ng tubig. Ipinatong ito sa mababang mesa pati na din ang bouquet. Kumuha din ako ng gunting saka inumpisahan ko na ang flower arranging. Gumaan ang pakiramdam ko habang ginagawa ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kay Owen pa galing ang mga bulaklak na ito although ang isang Gervais Chua ang naghatid nito sa akin. I can feel the sweetest of Owen through these flowers.
Nang matapos ko ang flower arrangerment. Mas lumapad ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmasdan kong mabuti ang plorera. Nakapangalumbaba ako habang pinagmamasdan ko ito. Ang ganda nang tingnan. Hindi na nalulungkot nag flower vase na gawa ko. Bumaling ako sa bintana. Sa malayo ang aking tingin kahit na nanatili akong nakapangalumbaba. Makulimlim ang kalangitan ngayon. Hindi ko malaman kung uulan ba o ano. Sana nga umulan dahil hindi mahirapan ang mga trabahador na magdilig sa mga gulay at halaman na kanilang tinatanim.
Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan na isang ideya.
"Ceramic wall art," bulong ko sa sarili ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa bulaklak na nasa harap ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Agad kong dinaluhan ang work table. Tinitingnan ko kung lahat ba ng mga materyales na gagamitin ko ay kompleto ba. Nagpapasalamat naman ako dahil kumpleto naman ang mga kailangan ko. Pinihit ko ang pinto saka sa nilagyan ko na 'don't disturb.' sa may pinto. Ayoko kasing mawala ako sa concentration ko.
Kumuha ako ng clay pati ng rolling pin. Using a rolling pin, I rolled a chunk of wet clay into a canvass underneath para hindi dumikit ang putik sa mesa, ang mga wood sticks din na ginagamit ko ay nasa magkabilang gilid to ensure an even thickness. I placed them into four squares. Bale ito ang magiging base ko. Sunod kong pinuntahan ang maliit na clay wheel dahil gagawa ako ng ceramic flowers bilang dekorasyon ng mga ginawa kong base ng gagawin kong art. Hindi ko naman kailangan basain ang clay
Hindi ko alam kung bakit magaan talaga ang pakiramdam ko ngayon. Dahil ba nakaisip ako ng ideya para sa project na gagawin ko o dahil sa mga bulaklak na ibinigay sa akin ni Owen?
Matagal ko nang gustong sumali sa Ceramic Constest. Pero sa mga nakaraan na kompetisyon ay sa malalayong lugar iyon ginanap at wala rin akong nakuhang tamanag pagkakataon para gawin iyon dahil abala pa ako sa pag-aaral. Bukod pa d'yan, kaunti lang ang materyales na meron ako at nahihiya akong humingi kay mama ng mga oras na iyon. Kaya ang ginagawa ko, pumapasok ako sa isang workshop para maenchance ko pa ang aking skills pagdating sa ceramic arts. Kahit sa maiksing panahon lang, marami na akong natutunan. Kaya nang nalaman ko na mayaman si tito Chano, oo, naging madamot ako. Dahil sa pagiging desperada ko na maging magaling pagdating sa ceramic arts ay hiningi ko sa kaniya iyon. Ticket kumbaga para mas maging malapit siya sa nanay ko. Alam kong mali pero iyon nalang din ang naisip kong solusyon para marating ko ang pangarap ko.
Kaya nang nalaman ko magkakaroon ng art convention sa Taiwan at may kinalaman din sa ceramic arts, papatulan ko ito kahit anong mangyari. Nakahingi na din ako ng suporta mula kina mama at tito Chano, kahit hindi na nila ako samahan na makarating sa ibang bansa, ayos lang sa akin. Gusto ko lang maranasan kung anong pakiramdam kapag naroon na ako, Hindi bale na matalo o manalo. Atleast, I tried. Experience lang din, ayos na.
At isa pa, nagpaplano na isang araw ay aalis na ako sa Villa Amador. I will leave soon. Sa oras na maipanalo ko ang premyo sa contest na iyon, ay gagamitin ko ang pera para magtayo ng pottery school, at gagamitin ko din iyon para sa sarili ko. Kahit hindi na ako hihingi ng tulong kina mama at tito Chano, I know they will happy without me. Ang mabuti pa siguro ay pupuntahan ko nalang kung nasaan si papa. Ang pagkaalam ko ay nasa isang probinsiya siya sa Visayas.
At isa pa, gagawa ako ng sarili kong gallery o kaya magtuturo din ako ng pottery school class sa mga kabataan na nais maranasan din ang ganitong sining. Malaking tulong na din sa akin iyon kung sakali.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagpipinta sa mga pinatuyo kong ceramics ay bumuhos ang malakas na ulan. Napatingin ako sa labas. Hindi ko namalayan na umuulan na't gabi na?!
Buong araw na pala akong abala sa aking ginagawa! Siguro dahil sa sobrang excited lang ako ilabas ang ideya na naisip ko kanina. Hindi naman ako sa nagmamadali, mahirap na, baka kasi mawala na sa isipan ko ang ideya kong iyon kaya agad-agad kong ginawa ang art. Bukod pa d'yan ay hindi ako nakaramdam ng gutom dahil sa tubig na iniinom ko, may sariling ref din ang studio kaya ayos lang kahit magkulong ako dito. At saka, alam na rin ng magpinsan na hindi ako magpapaistorbo at abala ako ngayon dahil naglagay na ako ng signage sa may pinto ng studio.
Bumuntong-hininga ako. Ipinagpatuloy ko pa ang aking ginagawa. Ibinalik ko ang aking atensyon sa mga bulaklak na ginawa ko bilang ceramic wall flower. Dalawa palang ang natapos ko sa pagpipintura ng mga ito. Medyo nakaramdam na ako ng pangangalay. Nag-unat ako. Inistretch ko din ang aking leeg at batok. I shake my hands when I heard a knock on my door. Napabaling ako doon at kumunot ang noo. Sino naman ang kumakatok? Impsoible naman sina Jelly o Milyn dahil alam nila na abala ako. Napaisip ako ng kaunti. Hindi kaya si Manang Lourdes? Kungsabagay, lunch at dinner ay wala pa akong kain.
Umalis ako mula sa kinauupuan kong high stool. Dinaluhan ko ang pinto saka binuksan iyon. Umaawang nang bahagya ang aking bibig, I found a tall and well-dressed man standing by the doorway.
"O-Owen?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. Basang basa siya ng ulan!
His eyes, dark and serious, wandered over my face. Hindi lang iyon ang napansin ko. Mukha siyang hapong-hapo, wait, tumakbo ba talaga siya bago siya makarating dito?
"Owen..." muli kong tawag sa kaniya.
He suddenly cupped my face. He bent his head towards me. His forehead pressed to mine. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. "Why can't I get you out of my mind, my lady?" namamaos niyang tanong.
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Wala akong pakialam kung nababasa na din ako ng tubig ulan. Nanatiling nakabukas ang aking bibig. Nangangapa kung anong isasagot ko. Heto na naman ang puso ko, nagwawala na naman. Kasabay na parang kakapusin ako ng hininga. "I... I can't answer that, either, Owen." I answered. Totoo, hindi ko rin alam kung ano sasgautin ko sa kaniyang tanong. I am clueless!
"Damn, I was been waiting for you for the whole day. I want to be with you, Jaz. I want to celebrate your birthday with me. Just two of us though it's late."
"Owen..." hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. Nang marinig ko ang mga sinabi niya ay tila hinaplos ang aking puso. "Why... Why are you doing this?" I finally speak.
He gently opened his eyes. Inilayo niya ng kaunti ang kaniyang mukha sa akin upang maigi ang tinginan namin. Ito ang unang pagkakataon na lakas-loob ko siyang tingnan ng ganito katagal. Siya naman ay pinagmamasdan niyang mabuti ang aking mukha.Ilang saglit pa ay ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. Marahang hinaplos ng hinalalaki niyang daliri ang aking pisngi.
"Because you are the first and last thing on my mind, each and everyday, my lady."