Hindi ko alam kung nakailang lunok na ako habang naglalakad kami patungong bulwagan. Halos ng kamag-anakan ni Owen ay naroon na mas lalo gumapang ang kaba at takot sa aking sistema. Lalo na't hindi ko alam kung papaano ko haharapin sa muling pagkakataon ang kaniyang ina na si Chavelle Hochengco. Hindi mabura sa isipan kung papaano siya nagalita sa akin noon. Na ako ang dahilan kung bakit sa selda ang kinabagsakan ng kaniyang anak. Naiitindihan ko naman siya dahil isa siyang ina, ang tanging gusto lang niya ay protektahan ang lalaking pinakamamahal ko. Pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha at tono ng kaniyang boses habang kausap niya ako, hindi ko maiwasang matakot.
Ilang beses na rina ko nagtataka na huwag nalang namin harapin si Madame Chavelle pero kita ko ang determinasyon sa mukha ni Owen sa kaniyang pasya. Sa mga oras na ito ay dapat nga talaga namin siya harapin lalo na't kasal na kami. Hindi na ako umaasa na tatanggapin niya ako bilang asawa o maging parte ng pamilya. Kahit ang mga magiging anak namin ay sana matanggap niya. Kahit iyon lang, masaya na ako sa hiling ko na iyon.
Sa pagbukas ng malaking pinto ay tumambad sa amin ang halos buong angkan ni Owen! Nakuha namin ang kanilang atensyon. Ang mga pinsan naman niya pati ang mga asawa nito ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Tulad ko ay nag-aalala din kami sa ginawang desisyon ng asawa ko. Ang isa ko pang napansin ay wala si Sir Harris.
Napalunok ako nang nagtama ang tingin namin ni Madame Chavelle, katabi niya ang isang matandang babae na tinutukoy nilang Grande Matriarch ng pamilya. Sa mga tingin niyang iyon ay tila hindi aaya-aya tingnan na magkasama kami ng anak niya, o kasama niya ako. Dahil d'yan ay mas bumilis ang pintig ng aking puso. Anumang oras ay maaari na itong sumabog!
Kahit dalawang taon nang nakalipas ay hindi pa rin mawala ang pagkamangha ko sa kagandahan ng ginang. Her beauty is timeless, light man ang make up niya, ay hindi ko pa rin matukoy ang edad niya. She looks classic in her classic v neck fifties vinatge dress. Nakasuot din siya ng high heels. Nakapusod ang kaniyang buhok. Mas tumingkad ang kagandahan niya sa mga mamahaling alahas sa kaniyang tainga. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nanlilii ako sa aking sarili kaya pinili ko nalang na bawiin ang aking tingin mula sa kaniya at yumuko ng kaunti.
"And finally, nagpakita din kayo." she finally mutter. Kahit papaano ay nakikita ko pa rin ang kaniyang inaakto ay kita ko na tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan na malapad na sofa. "At talagang dinala mo ang walanghiya na babaeng iyan dito sa pamamahay na ito!"
"Mama," saway sa kaniya ni Owen. Matigas ang pagkatawag niya sa kaniyang ina. "Please pay some respect to my wife."
"Why should I?" bumaling siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ako nakikisama sa isang tulad niya na isang sampid sa isang pamilya, lalo na't mang-aagaw pa. Manang mana siya sa kaniyang ina na malandi din!"
"Ma!" hindi na mapigilang tumaas ang boses ni Owen. Napatingin ako sa kaniya para ako naman ang sumaway sa kaniya.
Napasapo ng dibdib si Madame Chavelle dahil sa ipinakita ng kaniyang anak. Napasinghap siya. Nakaukit sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Galit na bumaling sa akin ang kaniyang ina. Walang sabi na dinuro niya ako. "Look what have you done? Dahil sa iyo ay sumasagot-sagot na ang anak ko sa akin na dati na hindi siya ganyan! And this is all your fault!" matigas niyang turan sa akin.
Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko kasi ay nanunuyo ang aking lalamunan. Wala akong makapang salita upang sagutin o depensahan ang aking sarili. Bigo ako.
"Hindi ka pa talaga kuntento. Talagang tinanggap mo ang kasal na inaalok ni Owen para dumikit dikit ka dito sa angkan na ito! May hiya ka pa bang natitira sa katawan, ha?!"
"Can you please stop, ma? Why you wouldn't accept the fact na hindi ko kayang pakasalan ang mga babaeng ipinagkakasundo mo sa akin?" hindi na mapigilang sambitin ni Owen ang mga salita na iyon laban sa kaniyang ina. Ginawa pa talagang harang ang kaniyang sarili para maprotektahan niya ako.
"Can't you see, Owen? She's not a chinese! She's from the family of traitors! Ngayon, hindi rin ba malinaw sa iyo na hindi siya pupwede sa pamilyang ito, ha?!" saglit siya natigilan. "Hindi ko matanggap ang babaeng iyan bilang asawa mo! I don't even give you my blessings!"
"It doesn't matter, ma. Hindi kami narito o nagpakita para hingin namin ang blessings ninyo. Humarap kami sa iyo.. sa inyo na kasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko."
Dahan-dahan na umiiling si Madame Chavelle habang nabuka ang kaniyang bibig. Mas lalo siya hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. "That was... Bullshit, Owen." ang tanging nasabi niya. Nababasa ko sa kaniyang mga mata ang panggagalaiti. Napugto ang kaniyang pasensya. Walang sabi na sinugod niya ako at sinasabunutan niya ako. Pilit umawat si Owen. Nagsilapitan na din ang mga kamag-anakan nila para umawat.
"Narito tayo para mag-usap nang mahinahon at magkanilawan, hindi para rumambol, ano ba?!" biglang sigaw ni Laraya sa ina ni Owen.
Nanlaki ang mga mata ni Madame Chavelle saka bumaling kay Laraya. "Huwag kang makialam dito!" ganting sigaw ni Madame Chavelle.
Humarang pa si Laraya. "Gusto kong makialam, bakit ba?"
Mas lalo umukit ang hindi mapaniwala sa mukha ni Madame Chavelle. "I can't believe this! Hindi ko akalain na isang tulad mo, nagawa kang pakasalan ni Suther! Ang isang tulad mo na walang respeto sa mas nakakatanda! Napakabastos!"
Taas-noo siyang tiningnan ni Laraya. Humalukipkip siya. "May respeto naman ako, sa kaso mo, hindi ka kasi karespe-respeto! Sino ngayon sa atin ang bastos? Ako na ipinagtatanggol ko lang ang babaeng tinapak-tapakan mo o ikaw na ang walang magawa kungdi mapagmataas? Sige nga?"
Napasinghap ang ina ni Owen. Lumingon siya sa Grande Matriarch. "Tita Eufemia, hindi ka ba talaga pumagitna sa mag-asawang Suthe at Laraya?! Bakit tumatanggap ka sa pamilyang ito na isang tulad niya?! Ang akala ko ba ay may pinag-aralan ang isang ito?!"sabay turo niya sa gawi ni Laraya.
"Chavelle, huminahon ka muna. Bakit ayaw mong pakinggan kung anuman ang kagustuhan ng iyong anak?" malamunay na tanong ng Grande Matriarch habang abala ito sa iniinom nitong tsaa.
Napabuga ng malalim na buntong-hininga si Madame Chavelle. Napasapo siya sa kaniyang noo. Tila nalilito na siya sa nangayayari. Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi sa silid na ito. "I can't believe this!" bumaling pa siya sa akin. "You are a disaster!" akusa niya sa akin. "You made a big mess in this family!"
"Oy, oy, oy, huwag na huwag mong gaganyanin ni Jaz, ha? Baka hindi mo alam sa mga pinagsasabi mong iyan, ikaw pa ang magiging kasalanan kapag nalaglagan iyan ng anak. Patay ka talaga sa akin." naiiritang sambit ni Laraya.
"W-what?"
"Tama ang iyong narinig, Madame Chavelle. Buntis si Jaz." seryosong pahayag ni Laraya. "See? Love always wins."
Kami ni Owen ay nagulat sa kaniyang sinabi. Anong buntis na pinagsasabi niya?
Kita ko kung papaano kinuyom ni Madame Chavelle ang kaniyang mga kamao. Mas tumindi ang galit niya sa sinabi ni Laraya. Dahil d'yan ay nilagpasan niya kami. Nakasunod lang sa kaniya ang kaniya ang asawa nito, humingi pa ito ng pasensya sa amin bago man niya kami iwan. Mabibigat na hakbang ang pinakawalan ni Madame habang papalabas siya dito sa bulwagan hanggang sa marinig nalang namin ang malakas na pagsara ng pinto na umalingawngaw sa buong silid.
Sumunod na din ang mga tiyuhin at mga tiyahi, siguro ay para macomfort nila si Madame. Humingi din sila ng paumanhin dahil sa inasala ng ina ni Owen. Nang nakalabas na sila ay doon ako kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Ang tanging naiwan lang dito ay mga magpipinsan pati ang Grande Matriarch.
Biglang lumapit si Tarrah kay Laraya, kinalabit niya ito. "Hoy, anong pinagsasabi mo na buntis si Jaz?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Painosenteng nagkibit ito ng mga balikat. "Para maniwala," tugon niya.
Napatampal ng noo si Miss Inez. "Laraya, mas lalo mo naman nilalagay ang dalawa sa malalang sitwasyon." kumento niya.
"She's right, Laraya. Papaano kung hindi pala buntis si Jaz?" segunda pa ni Vladmir na prenteng nakaupo at katabi si Sir Kalous.
"Eh di gumawa na sila ng baby, problema ba iyon?" biglang suhesyon ni Carys sa isang gilid, umiinom ng red wine, kasama niya ang kaniyang kapatid na si Nemesis at ang asawa ni Vaughn na si Shakki.
"Yeah, she's right." sang-ayon naman ni Faena nakangiti.
Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko sa topic nila! Bumaling si Laraya sa direksyon ng Grande Matriarch. "Uy, Madame Eufemia, ayaw mo talaga makialam at tulungan sila?"
Tumaas ang kaniyang kilay nang tumingin siya sa gawi namin. "Iba ang sitwasyon ninyo sa sitwasyon nila."
Biglang lumapit si Laraya kay Madame Eufemia, talagang tumabi siya sa Grande Matriarch. Medyo nawindang naman ito. "Dali na, tulungan mo sila. Promise, lilinisin ko mga sapatos mo to return a favor. Pleaseee?"
Napangiwi ang Grande Matriarch. Marahan niyang ipinatong ang tasa sa mababang mesa. "Fine, tutulong ako. Huwag mo lang linisin ang mga sapatos ko dahil nasisira kapag ikaw ang humahawak!"
Imbis na mainis si Laraya ay tinawanan lang niya ito. "Aksidente ko lang nasira, bakit ba ang big deal sa iyo?" saka ngumuso ito.
Nanlaki ang mga mata nito. "Bakit big deal? Aba, syempre, apat na pares ng sapatos ko na ang nasira mo! Lahat iyon ay limited edition! My goodness, Laraya!" napasapo siya sa kaniyang noo at pumikit ng mariin. "Mamamatay na ako sa pangungumsume sa iyong bata ka! Manang mana sa lolo mo!"
"Uyy, namiss mo na si Lolo Alejandro, ano? Huwag naman, baka magselos si Lolo Joselito!"
"Walanghiya ka talagang bata ka!"
Lahat kami ay natawa sa kanilang ginagawa. Bakit hindi ang tinuturing nilang tigress in business world ang nakikita ko? Parang tipikal na lola lang ng isang masayang pamilya?
Pumormal ng upo ang Grande Matriarch. Tuwid siyang tumingin sa amin. Huminga siya ng malalim. "Oh siya magpahinga muna kayo, nakahanda na ang guest room sa second floor. Sasamahan nalang nila kayo. Pagpasensyahan mo na si Chavelle, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Unti-unti din niya matatanggap ang katotohanan." wika pa niya.
"N-naiitindihan ko po..." sambit ko, nahihiya.
"Sana ay habaan mo din ang pasensya mo habang naririto ka sa mansyon, iha. Alam naman natin na likas na maldita talaga itong si Chavelle. Hayaan mong kakausapin ko siya."
"Maraming salamat po, lola."
"Anyway, bukas ay dating ni Harris, kasama ang kaniyang fiancee. Tumawag siya sa akin na dito niya muna niya itutuloy ang mapapangasawa niya..."
"Pero, ahma..." biglang nagsalita si Kalous. "Papaano kapag nalaman niya ang sikreto ni Harris? Papaano kung umatras siya sa kasal?"
"Kung mahal niya si Harris, tatanggapin niya ito. Walang alinlangan." simpleng tugon ni Madame Eufemia.
"Naks, hindi ka na talaga bitter, Madame! Bet na talaga kita!" biglang sumingit si Laraya, hindi pa siya tapos sa pang-aasar niya sa kawawang matanda!
"Tapos na ako d'yan." tumatawa na din ang Grande Matriarch. Tumayo na ito. "I need to go back in my room for my business. Enjoy and feel at home, mga apo."
Ramdam ko ang isang braso ni Owen na aking bewang. "Welcome to this crazy family, my lady." he whispers.
Nilapitan siya ni Laraya para alalayan siyang makalabas hanggang sa ihatid na ito sa silid. Sa pagkakataon na ito, kahit na hindi pa ayos ang gusot sa pagitan namin ng ina ni Owen, kahit papaano ay napawi ang takot, kaba at kalungkutan sa aking puso dahil hindi ko akalain na matatanggap nila ako, lalo na ang Grande Matriarch.