Hindi ko alam kung ano ang dapat ireact ko nang marinig ko ang rebelasyon mula kay Madame Eufemia. Dahil doon ay tila nagkabuhol-buhol ang isipan ko. Hindi na ako makapag-isip nang diretso. Nagkahalo-halo ang gulo at kaba sa aking sistema. Naguguluhan ako. Papaano nangyari iyon? Bakit wala man lang nabanggit sa akin si mama tungkol sa bagay na ito? Bakit wala akong alam tungkol sa bagay na ito? Ganoon din si tito Chano?
Animo'y wala ako sa sarili habang kasama ko si Madame Chavelle. Kahit na sinasamahan niya ako dito sa boutique ay tila wala rito ang isipan ko. Oo at sige po ang tanging naisasagot ko sa tuwing tatanungin ako ng nanay ni Owen. Pinipilit kong kumilos nang normal sa tuwing kasama ko siya dahil baka sermon ang aabutin ko sa kaniya. Nakatanggap din ako ng mga mensahe mula kay Owen. Kinakamusta niya ako, baka daw inaway na naman daw ako ni Madame Chavelle pero ang totoo ay hindi naman. Katahimikan lang ang pumapagitna sa amin. Ni isa sa amin ay wala nagbabalak na magsalita o pumuna man lang. Dapat nung nakaraan pa namin makukuha ang mga dapat makuha pero dahil sa reasons ni Madame na may kailangan daw siyang asikasuhin, nadelay iyon ng isang buwan bago man siya tuluyang pumayag na sasamahan ako. Ibig sabihin, isang buwan na din na saVilla Amador si papa, naghihintay lang naman daw siya doon, ayon kay Madame Eufemia.
Tahimik lang ako nakasunod sa kaniya nang nakalabas na kami sa boutique na tinutukoy ni Madame Eufemia. Ang driver na mismo ang nagbitbit ng mga paperbag saka ipinasok niya ang mga ito sa compartment ng sasakyan. Pinagbuksan niya kami ng pinto. Unang siyang pumasok bago ako. Tanging espasyo ang pumapagitan sa aming dalawa habang naririto kami sa backseat ng sasakyan. Nasa kandungan ko lang ang mga kamay ko, nakadungaw lang ako sa bintana habang naghihintay kami na makausad na ang sasakyan.
Sa totoo lang ay naiilang pa rin ako sa aking byenan. Kahit na masasabing civil kami sa isa't isa. Pero ilang ulit ko din naririnig ang pagbuntong-hininga niya. Kahit hindi man niya sabihin, ramdam ko na ayaw niya akong makasama at napipilitan lang siya dahil sa utos sa kaniya ng Grane Matriarch. Wala na siyang magagawa pa.
Ngayon ay tutulak na kami sa Silang, Cavite para makita ko na din si papa. Nakatatak pa rin sa aking isipan ang kaniyang hitsura bago man niya kami tuluyang iniwan. Hinding hindi ko makakalimutan kung papaano sila nag-away ni mama. Hindi ko rin maitindihan ang kanilang pag-uusap dahil masyadong malalim at siguro ay dahil sa wala pa akong muwang ng mga oras na iyon. Iyong nga lang, nawala na din sa isipan ko ang pinag-usapan nilang dalawa. Malinaw din sa alaala ko kung papaano umiyak si mama ng mga panahon na iyon. Bakit umiiyak si mama? Hindi niya sinabi sa akin ang dahilan niya. Kahit isang clue man lang, wala.
Wala pa kami sa Villa Amador ay tumigil ang sasakyan sa isang tea house dito sa Tagaytay. Bago lang ito sa aking paningin. Wala din akong nababalitaan tungkol sa bagay na ito. Kumsabagay, matagal-tagal na din bago ako huling tumapak sa probinsiya na ito. Pakiramdam ko ay nakauwi na ako.
Pinagbuksan kami ng driver. Talagang nakasunod lang ako sa biyenan ko hanggang sa nakapasok na kami sa naturang tea house. Sa aming pagpasok ay may lumapit na babae na naka-corporate attire. Malpad ang kaniyang ngiti nang makita niya si Madame Chavelle.
"Good day, Madame! Mabuti naman po at nakagawi kayo dito sa teahouse." hindi halata na masaya siya sa lagay na iyan. Pero sa tono palang ng boses niya, parang sumisipsip siya, pinili ko nalang na huwag nalang ito pansinin.
"Gusto kong magtsaa, hindi lang ako. Pati na din itong kasama ko..." pormal na sambit ni Madame Chavelle sa kausap.
Bumaling sa akin ito.May bahid na pagtataka sa kaniyang mukha. "Bagong PA ninyo ba siya, Madame?"
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin ang bagay na iyon!
"What? Of course not! She's my daughter-in-law!" tumaas ang boses ni Madame. "How dare you to tell that things in front of her?!"
Napasinghap ang babae. "S-sorry po..." wika niya na natataranta.
"This is thr first warning, sa oras na kutyain mo ang asawa ng anak ko, kaya kitang patalsikin sa trabaho mo!" singhal pa niya.
Ilang beses humingi ng paumanhin ang babae. Hiyang hiya niyang itinuro sa amin ang daan patungo sa bakanteng mesa. Hindi talaga mawala kay Madame ang pagiging elegante niya kahit pag-upo niya ay napupuri ko pa. Kahit naman sa iabang tiyahin ni Owen, napaka-class at elegante nilang tingnan dahil na din siguro sa status nila sa lipunan.
"I want organic tea," biglang sabi ni Madame Chavelle. "Assam tea, how about you, Jaz?"
Halos malundag naman ako sa kinauupuan ko nang tinawag niya ang pangalan ko. "A... ano nalang po... Oolong tea." sagot ko.
Kita ko ang pagtaas ang kaniyang kilay, for me, it's like... She's impressed or something. Muli niyang binalingan ang magseserve. "One assam and oolong tea. That's all. Hindi naman kami magtatagal."
Nang umalis na ito ay umayos ako ng upo. Natetense talaga ako sa tuwing talaga nakakaharap ko si Madame. Pipilitin ko pa rin maging okay sa harap niya.
"We should take some tea to calm your nerves." bigla niyang sabi. Gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na bigla niya akong kinausap. Nagpangalumbaba siya habang diretso siyang nakatingin sa akin. "And I'm quite surprise because you know something about tea."
Isang maliit na ngiti ang aking iginawad sa kaniya. "Kaugalian ko na po talaga at mahilig po ako sa tsaa kaysa po sa mga kape." pormal kong sagot. Binawi ko din agad ang aking tingin.
"I see. How do you feel right now?" sunod niyang tanong.
Muli akong tumingin sa kaniya. Napalunok. "P-po?"
"Magkikita na kayo ng biological father mo. Anong nararamdaman mo ngayon? Are you mad at him? Are you going to shout at him if ever?"
"Ang totoo po niyan, hindi ko po alam, Madame." pag-amin ko. "Matagal ko na po siyang hindi nakikita... Hindi ko rin po alam kung ano po ba ang dapat magiging reaksyon ko sa oras na makaharap ko na siya... Lalo na't maraming katanungan na tumatakbo sa isipan ko..."
Muli nabalutan ng katahimikhan sa aming dalawa ng ilang saglit. Pero muli din siya nagsalita. "Galit pa rin ako sa iyo." bigla niyang sabi. Pero hindi na nakakapagtataka iyon. Alam ko naman sa umpisa palang kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. "Pero dahil mahal na mahal ka ng anak ko, susubukan kong kilalanin at tanggapin ka."
Nagtama ang tingin namin ni Madame Chavelle. Umaawang ang aking bibig at naestatwa sa aking kinauupuan. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko mismo sa kaniya ang mga bagay na iyon. "M-Madame..."
"Ayokong magalit sa akin nang tuluyan ang anak ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang naging suwail ang anak ko. Kaya galit na galit ako sa iyo kung bakit nagawa niyang suwayin ang kagustuhan ko. Lalo na't kasama sa tradisyon ng pamilya. Kaya nagalit din ako dahil ayokong tumulad ang anak ko sa mga pinsan niya na minsan ay pinutol ang tradisyon namin." paliwanag pa niya. "Ayokong masaktan si Owen."
"Hindi ko po siya sasaktan, Madame."
Naniningkit ang mga mata niya. "Kanina mo pa ako tinatawag na madame. Ayaw mo ba akong tawagin na mama?" tumalikwas ang isang kilay niya.
"N-nakakahiya po. Baka sabihin ninyo—"
"Ako na ang mismo magsabi, bakit mahihiya ka pa?" isang maliit na ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin. "Now, say it, Mama na ang tawag mo sa akin."
"S-sige po... Mada—I mean, mama."
"Good."
-
Nang muling tumapak ang mga paa ko sa lupain ng mga Amador, tila nanumbalik sa akin ang lahat ng alaala. Tahimik at wala akong makita na dating tauhan ng mga Amador kahit si Manong Fidel at ang asawa nito na si Manang Lourder ay hindi ko nakita. Masyadong tahimik na dahilan para ipagtataka ko. Nakatingala ako sa malaking bahay ng Villa. Parang kailan lang... Teka, narito pa kaya ang studio?
"Let's go..." rinig ko mula kay Madame Chavelle. Siya ang naunang lumapit sa pinto para kumatok. "You must prepare yourself, iha."
"Opo..." mahina kong tugon.
Maya-maya pa ay nagbukas ang naturang pinto. Tumambad sa amin ang may edad na babae. Hindi siya si manang Lourder. Ibang tao na ito. Hindi ko rin masabi kung tagadito ba siya sa lugar na ito o hindi. Kung nahired ba siya o anuman. "Sino po sila?" magalang nitong tanong sa amin.
"Narito kami para makita si Atty. Bien Ticmon. Narito naman siguro siya, hindi ba? Kasama ko ang kaniyang anak." si Madame ang sumagot.
Umaawang ang bibig niya nang nabanggit ni Madame na kasama ako—ang anak ng attorney na hinahanap namin. Ang abogado na tinutukoy ni Madame Eufemia na may hawak ng last will ni tito Chano. Ang aking ama at ang naituring na matalik na kaibigan ni tito Chano! Agad niyang nilakihan ang awang ng pinto. Pinapasok niya kami. Humakbangkami papasok. Agad inilibot ng aking mga mata ang loob. Halos walang nagbago sa interior. Medyo nagtataka lang ako dahil walang binago dito, maliban nalang na nililinisan ang mga kagamitan sa silid na ito.
"Manang? Sino ang mga bisita?"
"Ah... Ser..."
Agad akong lumingon sa may grand staircase. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin ang lalaking may edad, na tila abala sa pagtiklop ng mahabang mangas ng kaniyang polo. Tila tumigil ang pagtibok ng aking puso nang masilayan ko ang mukha na iyan sa muling pagkakataon. Ilang taon nang nakalipas pero hindi ko maitanggi na kilalang kilala ko kung sino iyon. Tulad ko ay natigilan siya nang makita niya ako. Hindi ko alam pero nababasa ko sa kaniyang mukha ang kagalakan nang makita niya ako.
"Jaz..." umalingawngaw ang boses niya sa buong silid. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap. Hindi ko magawang yakapin siya pabalik. Sa halip ay tumulo ang luha sa aking pisngi.
Panaginip ba ito? Ang inaakala ko na wala nang pag-asa na makita ko ulit ang aking ama, nagkamali ako. Mayroon pa...
"I miss you, anak." halos mapiyok na siya nang sambitin niya iyon.
"Bakit...." sa wakas nagawa ko nang magsalita. Dahan-dahan na kumalas si papa mula sa pagkayakap niya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Sa tingin niyang iyon ay inaabangan niya ang susunod kong sasabihin. "Kung kailan kailangan kita, pa... Bakit pinili mo na iwan ako at hindi na bumalik? Bakit..."
"Jaz..."
"Nalaman ko na ang lahat, pa... Matagal na kitang gustong puntahan at makita. Hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon. Ilang beses na akong nagdadasal na sana makita kita... Na sana... Kasama kita... Habang lugmok ako mula sa pagkawala ni mama... Na sana... Samahan mo ako habang nag-iisa..." hindi ko na mapigilang humagulhol. "Ang hirap pa... Ang hirap mag-isa... Kahit na buhay pa si mama... Pakiramdam ko... Hindi na niya ako kailangan... Ipinaramdam na niya sa akin na mag-isa na ako..." dahan-dahan akong bumagsak hanggang napaupo ako sa sahig.Sa pagkakataon na ito, nabuhos ko ang sama ng loob ko.
Ganoon ang ginawa ni papa para maging kalebel ko. Ikinulong niya ang kaniyang mga palad sa mukha ko. "I'm sorry. Masyado ko lang mahal ang mama mo para pakawalan siya at hayaan na nasa poder ka niya."
Kahit na malabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha ay pilit kong tumingin sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"
Kita ko na naluluha na siya. "Wala akong ibang minahal bukod sa mama mo, hanggang ngayon... Oo, nasaktan siya nang lubusan mula sa pag-ibig niya kay Chano, kahit masakit para sa akin na makita siya na nasa ganoon estado ay pilit ko pa rin samahan siya... Hanggang sa nangyari ang pagkakamali para sa kaniya. Pero para sa akin, isa iyon sa pinakamalaking bagay na nangyari sa buong buhay ko, Jaz. Lalo na't dumating ka sa buhay ko." kumawala siya ng isang malalim ba buntong-hininga. "Masokista man ako sa paningin ninyo pero ganoon ko talaga kamahal ang mama mo... Kaya nang nalaman ko na hindi natuloy ang kasal ni Chano at nagkrus ulit ang mga landas nila, sinubukan kong ipaglaban ang nararamadaman ko pero mas pinili niya si Chano... Ang matalik kong kaibigan... Mas pinili niya ito kahit ako naman ang naunang nagmamahal sa kaniya..."
"Sana isinama mo nalang ako..."
Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Alam kong marami pa akong dapat ikahingi ng tawad. Kukunin ko ang pagkakataon na ito para makabawi sa iyo, anak..." idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "Walang araw na hindi kita naiisip, anak." inaalalayan niya akong makatayo pero biglang sumakit ang puson ko na dahilan para bumagsak ulit ako sa sahig. Nakapakagat ako sa aking labi dahil sa sakit. Kasabay na nanghihina ako. Pinagpapawisan ako ng malamig.
May nararamdaman akong likido sa aking hita.
"Oh my goodness, Jaz!" malakas at natatarantang tawag sa akin ni Madame Chavelle sabay turo niya ang sahig sa aking tabi. Napatingin ako doon. Napasinghap ako nang makita ko ang bagay na iyon—d-dugo?!
"What happend, Jaz?" kahit si papa ay natataranta na din.
"We need take her in the nearest hospital! Buntis ang anak mo, Atty. Ticmon!" bulalas ni Madame Chavelle.
Walang silang sinayang na oras. Agad ako binuhat ni papa at nagmamadali silang lumabas hanggang sa marating namin ang sasakyan. Ilang beses nang sumisigaw ang biyenan ko dahil sa pagkataranta. Kaming dalawa ang nasa backseat, nakaantabay sa akin, samantalang sina papa at ang driver ay nasa frontseat.
-
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bahagya kong iginala ang aking paningin. Nasa isang puting silid ako hanggang sa masilayan ko ang nag-aalalang mukha ni Owen.
"Thank God, you're awake!" nag-alalang sabi niya. Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa isa kong kamay. Dinampian din niya ng halik iyon.
"A-anong nangyari?" I don't think if I'm still subconcious or what.
"Mama calleded me while in work, sinabi niya sa akin na isinugod ka nila sa Ospital dahil sa pagdudugo." he explained. Isinadal niya ang kaniyang noo sa aking sentido. "You're pregnant, my lady." sagot niya. Sa hindi ko malaman na dahilan ay kita ko na tumulo ng isang butil ng luha mula sa kaniyang mata. Kumunot ang noo ko.
Buntis ako... Kaya ba umiiba ang pakiramdam ko tuwing umaga? Ang akala ko may sakit lang ako! Pero mismong si Owen na ang nagsabi na buntis ako.
"H-how's our baby, Owen? Kamusta ang anak ko...? Ang anak natin? Ayos lang ba siya?" halos wala na akong boses nang tanungin ko siya.