bc

My Best Friend, My True Love

book_age18+
1.6K
FOLLOW
14.7K
READ
HE
kickass heroine
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
witty
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sa tamang panahon, may isang taong mag papatunay sa'yo kung bakit ka para sa kanya at kung bakit hindi ka para sa iba... Mag kaibigan, mag kaaway at mag kakampi in short mag best friend pero maraming itinatagong lihim sa isa't-isa upang maitago ang tunay na nararamdaman. Bago pa man nila maamin sa isa't-isa ang tunay na damdamin pinaglayo na sila ng tadhana. Hindi s'ya gusto ng ama ni Summer na si Devin Lagdameo dahil para dito kung hindi s'ya marunong mag patawad hindi daw s'ya marunong mag mahal. Mahalin daw muna n'ya ang sarili n'ya at matutong mag patawad bago mahalin ang anak nito. At kung kelan naman handa na s'yang sundin ang payo ng ama ng kaibigan at babaeng lihim na minamahal saka naman sinubok ang tatag ng kanilang samahan kaya bago pa ang pagmamahal nila ay tuluyan mag wakas sa hindi magandang ending lalayo na lang muna s'ya dahil happy ending ang gusto n'ya. Ngunit sa kanyang pag babalik pag-aari na ng iba ang babaeng minamahal. Paano pa mag kakaroon ng happy ending ang love story nila pero sabagay lahat naman ng love story may sadyang kontrabida pagalingan na lang ng diskarte kung kanino ang end game. Sayang naman ang galing n'ya sa live selling kung hindi n'ya magagamit ang titolo n'yang the budol king kung hindi n'ya ma bubudol ang bestfriend n'yang si Summer. Tatalab kaya sa bestfriend n'yang Queen of denial ang pang bubudol n'ya? O s'ya ang ma e-end game at uuwing luhaan.

chap-preview
Free preview
Unang pasilip- Flashback
Nasapo ni Summer ang noo na dahil parang mabibitak ang ulo n’ya sa sakit pero bigla na wala ang lahat ng sakit ng ulo makita n’ya ang lalaking nakadapa sa kama na topless. Natuptop n’ya ang bibig at nanlalaki ang mata na napatingin sa ilalim ng kumot saka nag mamadali at ingat na ingat na bumangon saka nag mamadaling sinimot lahat ng damit at nag mamadaling nag bihis saka umalis pero bago s’ya tuluyan umalis nilingon muna n’ya muli ang lalaking natutulog sa kama na walang saplot bago tuluyang umalis. Diyos ko ano bang nagawa n’ya ang huling alala n’ya nag iinuman silang mag kakaibigan at mag pipinsan after ng wedding anniversary ng Lola Dana at Lolo Dylan nila nag kakayayaan na mag bar hopping since mga 18 na sila at kasama naman nila ang ibang Tita nila. Pero bakit katabi n’ya si Ryko sa kama at parehas silang hubad. May nangyari ba sa kanilang dalawa. Naloko na! She was only 18 years old at bestfriend n’ya si Ryko. Alam kaya nito na mag kasama sila kagabi paano nangyari na magkasama sila nasaan ang kakambal n’yang si Shine na kasama n’ya. Naisuko ba n’ya kay Ryko ang kalachuchi n’ya juicko naman, wala naman sana problema kung naisuko nga n’ya dahil kay Ryko lang din naman n’ya gustong ibigay ang lahat sa kanya pero hindi naman sa ganitong paraan and worst baka ito pa ang maging mitsa ang friendship nila. “Hoy! Bakit bigla kang nawala kagabi saan ka natulog?” tanong pa ni Shine na kasama n’ya sa condo unit nila. “Sa hotel.” “Saan hotel?” “Kila Tito Den-den.” “Nakapag motor ka pa hanggang doon.” nag salubong ang kilay ni Summer. ‘Hala ka! Dala mo kaya si Red, patay ka kay Mommy.” natuptop nga ni Summer ang bibig ng maalala na dala nga pala n’ya si Red ang motor ng ina saka inisip kung saan n’ya naiwan si red pati ang susi lagot s’ya kapag hindi n’ya na alaala. "Patay ka talaga, sinabihan ka na ni Daddy na wag ka ng mag motor lagot ka talaga. Bilisan mo tawagan mo si RJ." utos pa ng kakambal. "Bakit ko naman tatawagan si Ryko e hindi naman kami mag kasama." "E bakit ka sumisigaw magkaharap lang naman tayo ah!" reklamo naman ng kakambal. Oo nga naman bakit high pitch agad s'ya. "Hindi ako nasigaw napalakas lang sakit kasi ng ulo ko." "Tawagan mo na bilis. Lagot ka talaga kapag nawala si Red." napapakamot ng kilay na kinuha na lang ni Sum ang cellphone para tawagan ang kaibigan sana tulog pa ito dahil hindi pa n'ya kayang makipag-usap rito kinakabahan s'ya buti na lang hindi sumagot si Rycko baka tulog pa. Sana tulad n'ya lasing din ito at walang maalala kung anong eksaktong nangyari pero paano sila nakarating ng hotel kung parehas silang lasing naloko na talaga hay! Buwisit na alak wala talaga nagagawang matino sa buhay ng tao. First time nilang nag-inom masama na agad ang naging epekto sa kanya. Paano na ang friendship nila ni Rycko iyon na nga lang ang meron sa kanila at dun na lang s'ya kumakapit para lang makasama ang binata mukhang masisira pa dahil sa letseng alak. ***** Tulala pa si Summer sa labas ng bintana ng classroom nila kaka-isip kung nasaan si Red. Hindi na n’ya inaalala kung may nangyari ba sa kanila ni Ryko dahil malakas ang kutob n’ya na meron dahil na sasaktan s’yang umihi kanina at may kasama pang dugo ang wiwi n’ya. Sana lang talaga tulad n’ya walang maalala si Ryko dahil ayaw n’yang masira ang friendship nila dahil lang sa may nangyari sa kanila mula pa kanina iyon na ang laman ng isip n'ya. Pero mas inaalala pa n’ya ang motor ng Mommy n’ya kesa sa nawala n’yang virginity. “Ms. Lagdameo.” Galit na sigaw ng prof nila na ikinagulat n’ya na napatayo. "RA 2457 ma’am.”mabilis na sagot ni Summer na tinawanan ng lahat na ikinangiwi n’ya ng mabanggit n'ya ang plate number ng motor n’yang madalas na gamit. Pinayagan naman s’ya ng ina na gamitin ang mga motor nito basta mangangako lang daw s’ya na mag iingat since 18 na s’ya at may lisensya. “Lumabas ka!” sigaw pa ng matandang teacher nila napapakamot na lang ng ulo si Summer na binitbit ang libro na inutos ng teacher n’ya na bitbitin n’ya. Habang nakataas ang mga kamay sa labas ng classroom nila. Bs engineering ang course n’ya habang si Shine ay Bs tourism. Kaya mag kaiba silang building pero parehas silang 1st college. Engineering course ang kinuha n’ya para kasama n’ya sa iisang building si Ryko na ultimate crush n’ya mula pa pag ka bata pero mamatay muna s’ya bago nito malaman iyon. Noon bata oo umamin s’ya buti na lang hindi sineryoso ni Ryko noon at ginagawa na lang nilang joke sa isa't-isa. “Psst! Ano nanaman ang ginawa mo.” napalingon si Summer ng marinig ang boses ni Rycko na ikinalingon n’ya at nakita n’ya itong nag wawalis sa hallway ng school nila. Working student kasi ang kaibigan kahit mayaman naman ang papa nito pero dahil sa sobrang taas pride ayaw nitong lumapit sa sarili nitong ama na hinid n’ya alam kung anong dahilan at wala naman itong sinasabi. Ang dami nitong part time jobs na pinasukan para lang makapag aral kaya naman lalo n’ya itong hinangaan ng palihim. Kabado s’ya habang naka tingin kay RJ alam kaya nito ang nangyari sa kanila. Paano na kung alam nito ang nangyari sa kanila. Dami n’yang alalahanin dahil sa letseng alak, hindi na talaga ma uulit na mag iinom pa s’ya. “Poging-pogi ka nanaman sa akin, kurap-kurap din naman pinabibilis mo ang kabog ng puso ko.” biro pa ni RJ napangiwi naman si Summer. “Pupusta ko nag da-day dreaming kananaman kaya ka naitapon palabas.” anito habang tuloy sa pag wawalis, pinakikiramdaman ni Summer ang binatang kaibigan parang wala naman itong na aalala kagabi. “Ay! Oo nga pala, here.” mula sa bulsa inilabas ni RJ ang susi ng motor n’ya na ikinagulat n’ya. Bakit napunta rito ang susi n’ya wag naman sana sa hotel room n'ya naiwan ang susi. “Ba--Bakit na sa’yo ang susi ko?” patay malisyang tanong n’ya. “Galing ako sa hotel at ewan ko rin ba bakit nasa bulsa ko ang susi ng motor mo. Mag kasama ba tayo kagabi?” tanong ni Rj na dahilan para mabitawan ang libro na hawak n’yang nakataas na agad naman pinulot ni Rj at muling ipinatong sa ibabaw ng kamay n’ya na itinaas n’ya ulit. “Hindi kasama ko si Shine at ibang friends ko.” pag sisinungalin n’ya sabay iwas ng tingin rito na ibinulasa na n’ya ang susi. "Okay, sabay tayo pag-uwi mamaya ha! Wala akong pamasahe pauwi. Napabayad sa hotel ang sinahod ko.” wika pa nito saka tumalikod n’ya. Sobrang kabadong-kabado si Summer. Sana walang na aalala si Rj sa nangyari sa kanila para sa ikakatahimik ng world peace. Hindi n'ya gustong masira ang friendship nila kaya kahit anong mangyari kahit mag kaipitan ng tinggi* hindi talaga s'ya aamin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.9K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
49.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
253.6K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
71.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
95.3K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
57.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook