"Akala ko ba nahuli na?" galit na tanong ni Devin ng maka-uwi si Rycko at sabihin na falls alarm lang daw inakala ng mga pulis na si Shane ang nahuli ng mga ito pero isang babae lang pala na inutusan ni Shane na kumuha ng pera sa bahay nito para gamitin na pang piyansa sa mga anak na naka kulong. "Tutulong na kami kailangan na itong matapos Rycko baka may madamay pang iba. Nadamay na si Abby hndi na puwedeng may madamay pang-iba." mariin na wika ni Devin saka tumalikod kasunod si Ara na may tinawagan na ang mga ito. Tama ang mga ito hindi na nila maaring iasa sa mga pulis ang kaso dahil tatagal lang ang pag hahanap kay Shane baka lalo pa itong makatakas. "Are you alright let's go na. Mag pahinga ka na muna." ani Summer sa kanya na hinila na s'ya paakyat sa kuwarto. Nag patianod naman si

