Habang kumakain, hindi mapigilan ni Summer na mapatingin sa lalaking kasama ni Shine. Akala n'ya kapatid lang n'ya ang i-memeet n'ya pero kasama nanaman nito ang lalaki na guwapo nga pero para naman pinag lihi sa sama ng loob. Na ramdaman n'ya na sinipa s'ya ni Shine sa ilalim ng mesa dahil marahil kanina pa s'ya tingin ng tingin sa lalaki. Inis na napabuga ng hangin si Summer hindi talaga n'ya kayang manahimik na lang lalo pa't na iinis talaga s'ya sa kinikilos ni Shine. "Spill it out! nagawa mo nga akong paluin ng bote sa ulo ngayon ka pa ba mananahimik." wika ng lalaki na tuloy ang pag kain na saglit s'yang nililingon na parang balewala. "Hindi kita gusto para sa kapatid ko." "At mas lalong hindi ko rin gusto ang kapatid mo." parang mas lalong uminit ang dugo ni Summer sa sinabi ng

