"Juicko Rycko, mag kasama na tayo mag hapon." reklamo ni Summer ng pahiga na sana s'ya ng bigla itong tumawag sa vcall. "Na mimiss na kasi agad kita, akala ko kapag naging official girlfriend na kita okay na ako pero hindi pala girlfriend ang kailangan ko kundi ilaw ng aking tahanan." natawa naman si Summer ng mahiga na. "Bakit wala ka bang ilaw sa bahay mo? Ang dami kaya." "Ang ilaw dito sa bahay ko kuryente ang nag papailaw, ang gusto ko ako yung sasaksak para malakas yung voltage na papasok." "Basta kahalayan napakagaling mo talaga." ngiti ni Summer na ikinabuga ng hangin naman si Rycko na naka higa na din. "Hay! hndi mo ba ako na mimiss." tanong pa ni Rycko na sinagot ng iling ni Summer. "Wag ganun! Hindi naman masamang mangarap lalo na kung ako ang pangarap mo." "Excuse me lang

