Hindi magkamayaw si Summer sa pag-iyak ng ipasarado ng ama n'ya ang shop n'ya dahil sa pag-amin n'yang s'ya ang nag bigay kay James ng drawing ni Rycko. Hindi na s'ya lumaban pa naki-usap na lang s'ya na bigyan ng bagong trabaho ang mga tauhan n'yang mawawalan ng trabaho. Pero hindi daw iuurong ng mga ito ang kaso kay Yuan kung mapapatunayan daw ni Yuan na wala talaga itong kasalanan since umamin daw na ito ang nag bigay ng plano kay Gio Staford. Wala itong sinabi na s'ya ang nag abot dito ng plano kung 'di pa s'ya ang umamin sa mga magulang n'ya. Pero mahigpit ang bilin sa kanya ng ina na wag na s'yang maki-aalam at hayaan na ang mga ito ang umayos ng gulong nagawa n'ya. Si Rycko lang daw ang may karapatan na mag-urong ng kaso pero wag daw n'yang subukan na lumapit ngayon kay Rycko kung a

