KASALUKUYANG pumailanlang ang masigabong na palakpakan nang matapos kantahin ni Erin ang kantang Sana Maulit Muli na request mula sa audience. She was only a guest singer ngunit masyadong nagugustuhan ng manonood ng Blue Wave ang boses niya kung kaya sunod-sunod ang pagre-request ng mga ito ng kanta sa kaniya. Erin’s heart wanted to burst at that moment because of happiness. She felt really appreciated and it was so overwhelming.
Malapad ang ngiting kumaway si Erin sa audience at bumaba na ng stage. Jerick’s band, Cyclone, was the official band na tutugtog sa gabing iyon kung kaya tuwang-tuwa si Erin. Malaki ang lugar ng Blue Wave at mahigit limangdaan katao ang maa-accommodate nito. Sikat din ang bar c*m restaurant na iyon kung kaya tiwala si Erin na isa sa mga araw mula ngayon ay may makadidiskubre rin sa kaniya. She was very hopeful at kahit ano’ng mangyari ay hindi niya susukuan na abutin ang pangarap niya.
“I’m sorry, guys. Pagpahingahin muna natin si Erin, okay?” wika ni Jerick na hawak ang electric guitar. Sinagot siya ng audience ng pagtutol kaya natawa ito.
“Maya-maya lang ay tatawagin natin uli si Erin. But may I remind you, guys that she’s only the guest singer here. Nakakatampo kayo,” biro ni Jerick sa mga ito. He was the original vocalist ng banda nito. Ilang beses na siyang inalok ng kaibigan na maging bokalista ngunit tinanggihan niya. Noong mga panahong iyon at napagbibigyan niya pa ang daddy niya sa gusto nitong mag-aral siya nang mabuti. But unfortunately, hindi na niya magagawa iyon ngayon. Mabigat man ang loob niya sa pagsuway sa daddy niya ngunit nakararamdam siya ng saya na ginagawa kung ano talaga ang gusto niya. And she really felt guilty.
Muling kumaway si Erin sa audience bago tinungo ang table kung saan nakaupo ang isa pang kaibigan nina Jerick. Inabutan siya ni Karen ng inumin. San Mig Lights lang iyon at apple flavor pa kung kaya tinanggap ni Erin. Alam niyang hindi siya malalasing dahil doon.
“My God, Erin. Napakagaling mong singer. Bakit hindi naisipan ni Jerick na kunin kang vocalist nila?”
Erin smiled at her and put the bottle on the messy table after she drank from it. “Actually, inalok na ako ni Jerick noon pero hindi ko siya pinagbigyan. Naka-focus kasi ako sa pag-aaral.”
“Sayang naman,” sagot ni Karen na nasa tono ang panghihinayang. “Maganda at magaling ka pang kumanta. Ang ganda mong tingnan sa ibabaw ng stage.”
“Thank you,” maikling pahayag niya na ibinaling ang tingin sa bandang nagsimula na uling tumugtog. Kinakanta ng mga ito ang hit song ng December Avenue na may pamagat na Sa Ngalan Ng Pag-ibig. Malakas ang sounds ngunit hindi naman nakabibingi kung kaya kailangan pa ni Karen na ilapit ang mukha sa kaniya para magkarinigan sila.
“Kung ako sa ‘yo, ipapakita ko sa buong mundo ang talent ko. Aba, binigay iyan ng Diyos sa ‘yo. Talagang dapat na marinig ng buong mundo. Mapalad ka at may ganyan ka kagandang boses.”
I intend to do that now. I’m nervous and excited but I’m worried and broken hearted at the same time.
“Thanks for the compliment, Karen,” tanging naisagot niya. Wala siyang lakas ng loob na sabihin ang nasa isip niya dahil alam niyang hindi naman siya maiintindihan ng kaharap. “How about you? I heard from Jerick na gustong-gusto mo ring kumanta,” pag-iiba niya ng usapan.
Karen laughed and shook her head. “Ang gago talagang ‘yon! Gusto kong kumanta pero ‘yong boses ko hindi nakikipag-cooperate. Pambihira!”
Napangiti si Erin sa tinuran ng kaharap.
“Frustrated singer lang ako. Kapag ganitong may gig sina Jerick sumasama-sama lang ako, ganoon. Sa pagplano ng bahay at building lang talaga ako magaling.”
“You’re an architect?” hindi makapaniwalang wika ni Erin. Hindi kasi halata sa hitsura ni Karen. She was beautiful, and sexy. Mas mukha pa nga itong modelo kaysa arkitekto.
“Yes. By profession.”
“Really? Kung ganoon ay mas matanda ka sa amin nina Jerick?”
“Yeah. Bakit naman parang gulat na gulat ka?” natatawang puna ni Karen.
“I thought we’re just on the same age. Parang magka-edad nga lang tayo.”
“Come on, Erin.”
“Promise,” napangiti ng malapad si Erin.
“Well, I’m already twenty three and a licensed architect. Oh, I’m not bragging,” agap nito.
Umiling si Erin. “You’re awesome. Sana katulad mo’y kaya ko ring tapusin ang kursong gusto ni daddy para sa akin.”
“Come again?” tanong ni Karen na hindi narinig ng malinaw ang sinabi niya.
Umiling ang dalaga. “I said your parents must be really proud of you,” she said instead.
Tumango si Karen nang marinig ang sinabi niya. “They are.”
Erin suddenly felt bad about herself. Mabuti na lamang at natuon na ang pansin ng kaharap sa bandang tumutugtog kung kaya hindi nito napansin ang paghilam ng luha sa kaniyang mga mata. She knew she failed her father for all the hopes he had for her.
I promise, someday, dad will be proud of me, too.
MAUGONG na palakpakan ang sumalubong kay Erin mula sa mga nanonood nang muling tawagin ni Jerick ang pangalan niya at umakyat siya ng stage. Supposed to be ay iisang kanta lang ang kakantahin niya nang gabing iyon ngunit dahil sa demand ng mga naroon na pakantahin uli siya ay nagpahinuhod si Jerick.
“I’m sorry. Although inaasahan ko na ring mangyayari ito,” bulong ni Jerick sa kaniya nang makalapit siya rito.
“Ako nga dapat ang humingi ng pasensya sa inyo. Mukhang inagawan ko pa kayo ng trabaho.”
Ngumiti si Jerick. “No, Erin. Dahil nga sa ‘yo ay mukhang hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang ibang pumasok dito sa loob. Look to your left.”
Sinundan ni Erin ng tingin ang direksyong itinuro ni Jerick. Nakikita niya mula sa floor to ceiling na glass wall na maraming tao ang nanonood sa kaniya mula sa labas.
“Do you really think na ako ang ipinunta nila rito?”
Mabilis na tumnago si Jerick. “No doubt.”
Malawak ang ngiting sinuyod ni Erin ng tingin ang apat na sulok ng bar na iyon. Napansin nga niyang mas dumami ang tao roon kaysa kanina. Nang mahagip ng kaniyang tingin ang manager ng naturang bar ay nakita niyang nag-thumbs up pa ito sa kaniya. Tinapik ni Jerick ang kaniyang balikat senyales na kailangan na nilang tumugtog.
“You wanna sing your own song, Erin?”
Kunot ang noong lumingon siya kay Jerick. “What do you mean?”
“I remembered you showed me once your original composition. Hindi ba at sinubukan pa natin iyong lapatan ng music?”
Nanlaki ang mga mata ni Erin nang maalala ang tinutukoy ni Jerick. Yes, may nagawa nga siya noong kanta at sinubukan nila noong lagyan ng music ngunit hindi lang nila na-polish dahil naging abala siya sa pag-aaral. Literal na pagsusunog ng kilay kasi ang ginawa niya para lang makapasa sa lahat ng exams niya.
“Can we do that?” excited niyang tanong.
“Of course.”
Sandaling kinausap ni Jerick ang mga kasama nito at muling humarap sa kaniya. Nanginginig ang mga kamay ni Erin habang hinahawakan ang microphone at hindi malaman kung tatanggalin ito sa mic stand o hahayaan na lang doon. Ito ang unang pagkakataon na iparinig niya sa iba ang orihinal na ginawa niyang kanta. She’s nervous because what if it went wrong and at the same time she was excited. Kung ilang beses siyang nanalangin na sana ay tumugma sila ni Jerick na binitawan ang electric guitar at kinuha ang wooden guitar na nakasandal sa dingsing ng stage. But knowing Jerick, he’ a genius when it comes to guitar and music.
Muling nilingon ni Erin si Jerick at nang sumenyas ito na handa na ito ay inilapit niya ang bibig sa microphone.
“Hello, again ladies and gentlemen. Maraming salamat po sa muling pag-request sa akin na tumuntong sa ibabaw ng entabladong ito,” Erin smiled at the audience when they started clapping. That made her feel even more nervous. She's almost trembling.
Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili at muling nagsalita.
“This time. I’ll be singing my original composition. Actually, mahilig din po akong gumawa ng kanta. Pero isa lang ang nabuo ko since abala po noon sa pag-aaral. I know, hindi ganoon kaganda ito, so please bear with me. Minsan po kasi bida-bida po ako, eh!” biro niya na ikinatawa ng mga nanonood. “This song is entitled, ‘Ikaw Ang Tanging Hiling'.
Tinanguan siya ni Jerick na nakatayo sa right side niya. Huminga siya nang malalim at ngumiti muna sa audience bago ipikit ang mga mata para damhin ang liriko ng kanta.
"Isang sulyap sa maganda mong mga mata," Erin started singing. Sa una'y medyo nanginginig pa ang boses niya. Jerick started to strum his guitar.
"Hindi maitatangging ako’y nahulog na
Sa mga tawa mong kay sigla
Ikot ng mundo ko’y biglang nag-iba…" Erin opened her eyes and glanced towards Jericks direction. Nakita niya ang binatang titig na titig sa kaniya at nang magkasalubong ang kanilang mga tingin ay ngumiti ito at tumango sa dalaga. Af is he was encouraging to continue what she was doing. Tila sinasabi nitong, ‘Go, Erin. Kaya mo ‘yan!’ Kaya lumakas lalo ang loob niya.
Erin smiled at Jerick at muling itinuon ang mga mata sa manonood na natahimik habang nakikinig ng kaniyang kanta. She was singing a song that is hopeful and emotional at ang makitang matamang nakikinig ang audience sa bawat lirikong inaawit niya ay isa ng malaking achievement para sa kaniya. This is what she wants. She wanted to be heard. She wanted her music to be heard.
Umangat ang kamay ni Erin upang hawakan ang microphone na nanatiling nakakabit sa stand nito. Hinayaan niya ang sarili na lunurin ng bawat liriko ng kanta. And Jerick was doing a great job.
Ikaw ang tangi kong hiling
Na sa habambuhay ay makapiling
Sa puso ko’y ikaw at ikaw lang
Mahal, sana sa dulo ay walang hanggan…
Sabihin mong ako’y mahal mo rin
Mga halik mo'y nais kong damhin
Ngunit ikaw, mahal ay nasaan
Bakit bigla na lamang lumisan
Nagdurugo ang damdamin
Lumuluhod sa mga bituin, nagdarasal ng taimtim
Mahal, ikaw lang at wala nang iba pa
Tanging hiling sana’y makamit na…
Ikaw ang tangi kong…hiling.
Pagkatapos niyang sambitin ang huling liriko ng kanta ay sandaling kinabahan si Erin. Pumagitna ang katahimikan sa loob ng bar at nagdulot iyon ng kaba sa kaniya. Kumakabog ang dibdib na nilingon niya si Jerick ngunit agad ding ibinalik ang atensyon sa harap ng stage nang makarinig siya ng mabagal na palakpak. She saw a man standing near the entrance door and she was stunned to see Dylan. He’s clapping slowly while smiling at maya-maya ay pumailanlang ang malakas na palakpakan mula sa mga nanonood.
Erin couldn’t believe what she just heard. Halos lahat ay pumupuri sa kaniya. She even heard whistles and people calling out her name and praising her. She couldn’t contain the joy that enveloped her heart. First time niyang kumanta ng original song at first time din niyang makatanggap nang ganoong recognition mula sa ibang tao.
Nang lingunin niya si Jerick ay kumindat lamang ito sa kaniya. Itinuro niya ang direksyon ni Dylan at sinagot lamang siya nito ng isang tango bago harapin ang mga ka-banda.
“Thank you, everyone,” pasalamat ni Erin at mabilis na bumaba ng stage. Hindi pa rin naapuhap ang malakas na palakpakan. Pakiramdam niya ay naroon siya sa sarili niyang concert at naging matagumpay siya nang gabing iyon. Napakasaya niya lalo na at nakita niyang naroon si Dylan.
Mabilis siyang lumapit sa kaibigan at niyakap ito.
“Oh, my God, Dy! You’re here!”
Natatawang gumanti ng yakap ang binata. “You’re reaction is priceless, sugar.”
Kumalas si Erin sa kaibigan at natatawang hinampas ito sa balikat. “I didn’t expect everything that happened tonight, Dy. Para akong nag-concert dito. I even sang my own song, could you believe that?” hindi matawaran ang saya na nababakas sa mukha ni Erin.
“I knew you were this good, Erika.”
“Thank you. You know, I believe all the compliments coming from you,” natatawang wika ni Erin. “Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito. Is everything okay?” gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng dalaga.
“Don’t worry. Nothing happened. I’m just making sure you’re having a good time here. Isa pa’y gusto kong ako ang kasama mo pauwi.”
“Why? Okay lang naman ako. Nandito naman sina Jerick.”
“Kailangang ihatid kita sa inyo, that is if you want your father to believe ‘our’ alibi kung bakit ka ginabi ng uwi.”
Erin’s lips formed an ‘oh’. “Thank you, Dy. You’re very thoughtful.”
Dylan just shrugged his shoulder and gave her his dashing smile that could sweep a woman off her feet.
“I think, this is enough for tonight. Hintayin mo ako rito at magpapaalam ako kay Jerick na mauuna nang uuwi.”
“You can still stay if you want.”
Umiling si Erin. “Ayos na ako. Labis-labis na ang kaligayahan ko sa gabing ito. Thank you, Dy.”
“Okay, hihintayin na lang kita sa labas.”
Nakangiting tumango si Erin at bumalik sa kinaroroonan nina Jerick upang magpasalamat at magpaalam. Habang si Dylan naman ay lumabas na ng establisyemento. He was walking towards his car when he saw the familiar figure of a man. Nagulat siya nang mapagsino iyon.
“Tito Miguel!” bulalas ni Dylan nang makilala ang daddy ni Erin. He’s glaring at him and judging by how he looked at him, Dylan knew he was mad.