CHAPTER IV: SHE'S DECIDED

1805 Words
“YOU looked liked you’ve been lacking sleep, Erika. Nagpuyat ka ba at para kang inaantok ngayon?” puna ni Dylan nang maabutan niya ang dalaga sa loob ng kanilang klase. Wala itong imik at mukhang malalim ang iniisip. Humarap sa kaniya si Erin. Noon niya napansing namumugto ang mga mata nito kaya nag-aalalang inilapit niya ang silya sa dalaga. “Did you cry?” tanong ni Dylan. He even tucked her hair behind her ears. Nag-aalala siya sa dalaga. She has been his only girl bestfriend at ang makita itong ganoon ang mukha ay labis na pinag-aalala niya. “What happened? Ibinaba ng dalaga ang tingin at huminga nang malalim. Wala naman siyang ibang mapagsasabihan ng problema niya kung hindi si Dylan. He is so understanding and thoughtful. Mga bagay na nagugustuhan niya sa kaibigan. She could live forever with Dylan by her side, as a friend of course. Mas gugustuhin pa nga niyang makasama ito kaysa sa ama niyang hindi niya nakakasundo at laging sinasalungat ang mga desisyon niya sa buhay. Pakiramdam niya ay nasasakal siya. Wala siyang kalayaan na gawin ang mga bagay na makapagpasaya sa kaniya at dahil doon ay nawawala na rin ang gana niya sa pang-araw-araw. Mas gugustuhin na nga lang niyang magmukmok sa loob ng kuwarto niya. There, she’s free to do what she wants. Maaari siyang kumanta, magsulat nang hindi nakikita ng daddy niya. “Erika, speak up. Your silence makes me worry more…” untag ni Dylan. “Sinabi ko kay Daddy ang nais kong mangyari, Dy.” “Did he hurt you?” He was worried. She can see it in his beautiful eyes. Erin sighed and shook her head. “No. Hindi ako sinaktan ni daddy. He got mad. Tutol siya sa pangarap ko, Dy. He told me na magiging doktor ako whether I like it or not.” Erin started to cry. “He said walang kuwenta ang ambisyon ko, Dy. Napakababa ng tingin ni daddy sa pag-aartista. Even I have said that I can still earn from it, hindi siya naniwala. Kailangan ko pa raw maghubad sa harap ng camera para kumita. My God! Ganoon kababa ang tingin niya sa akin, Dy!” she burst out. Hinaplos ni Dylan ang likod ng kaibigan at hinayaan itong umiyak at maglabas ng sama ng loob. “I am his daughter. Pero bakit hindi niya kayang ibigay ang suporta na kailangan ko? It was my dream, my ultimate dream. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa ibang larangan, Dy. I’m seeing myself as a singer and actress.” “How about your mother? What’s her take on this?” Pinahid ni Erin ang mga luha. “Walang problema kay mommy. She’s always been supportive on everything I do. Si daddy lang talaga ang may ayaw. He doesn’t want me to be happy.” “Don’t say that, Erika. Your father loves you. Nais lang niyang masigurado na maayos ang magiging kinabukasan mo. Lahat ng magulang ay gustong mapabuti ang kanilang mga anak,” Dylan explained. “As if hindi makabubuti sa akin ang pag-aartista. Hindi naman ako mabo-bold star, eh. Hindi iyon ang gusto ko,” Erin reasoned out. “I know. Kaya lang…alam mo naman ang buhay sa mundo ng showbiz. Hindi pangmatagalan ang kasikatan doon, Erika. Ngayon sikat ka, the next day hindi na. You know how show business works. I think, that is what your father was trying to say to you.” “That’s the risk I am willing to take, Dy,” matatag na wika ni Erin. “Gusto lang ng daddy mo na mapabuti ka…” “Pero hindi nakabubuti sa akin ang gusto niya. Mamamatay ako sa pag-aaral. Hindi ko na maaabot ang kinabukasang gusto niya para sa akin,” agap ni Erin sa sasabihin niya. Dylan didn’t know if she meant it as a joke pero napangiti siya sa tinuran ng dalaga. She was exaggerating. “Don’t smile at me like that, Dylan. Kapag ganitong masama ang loob ko’y nakakalimot ako ng bestfriend. Kahit kasing guwapo mo pa,” she glared at him. Dylan chuckled. “Why don’t you make a deal with your father? You will do what you really like and pursue being a doctor at the same time? Kakayanin mo ba iyon?” Tumawa ng pagak si Erin. “He won’t allow it, Dy. Ayaw ni daddy na pumasok ako sa show business. Kahit pa sabihin ko iyan ay lalo lang ikagagalit nito. He hates the industry,” magkahalong lungkot at paghihinayang sa boses ng dalaga. “So, what do you think?” tanong sa kaniya ni Dylan. “Susundin mo ba ang gusto ng daddy mo? Will you sacrifice your dream para paluguran ang daddy mo?” “I’m having doubts until last night, Dy. I’m not going to pursue medicine. Hindi ko talaga kaya…” “But you know it would hurt your father.” “Kapag hindi ko sinunod ang gusto ng puso ko’y mawawalang silbi rin ang buhay ko, Dy. I just can’t do something I don’t like!” “It’s up to you, Erika. Ikaw ang makakaalam kung ano ang dapat mong gawin.” “Ano sa tingin mo, Dy? Kag pinili ko ba ang gusto magtatagumpay ba ako? You know I’m really confused now. Paano kung hindi naman pala ako sisikat? Kapag sinunod ko ang gusto ko ay palalayasin ako ni daddy. Ano’ng mangyayari sa akin kapag hindi ako sumikat?” “If you chose to follow your heart, patunayan mo sa daddy mong kaya mo. You chose that path, panindigan mo, Erika. Whether magtagumpay ka man o hindi.” “Will you help me incase I’ll be needing your help, Dy?” “Of course. I’ll always got your back. Anytime, Erika.” “Thank you, Dy. You’re an angel. Kahit papaano ay lumakas ang loob ko.” “Why do I feel like I am tolerating you, Erika?” “Hindi ba?” nakangising sagot ng dalaga. Sa kabila ng ipinakikita nitong ngiti ay nasasalamin niya sa mga mata ng dalaga ang kalungkutan. Alam niyang hindi nito gustong suwayin ang ama. She loves her father and family so much. Hindi titiisin ni Erin ang ilang taong pag-aaral ng medisina kung hindi nito nais pagbigyan ang ama. Marahil ay talagang hindi na nito kinaya dahil wala roon ang puso nito. Dylan groaned. Ngunit hindi naman nababakas sa guwapong mukha nito ang pagsisisi sa pagkunsinti sa kaniya. “Mas matimbang ka para sa akin kaysa sa kahit na sino, Erika. So, yes. I’ll going to tolerate you. Just be happy, okay? ” “Okay!” nakangiting tumango ang dalaga. “I think that’s enough for now. Kahit kinakabahan ako sa maaaring gawin ng daddy mo sa ‘yo.” “I know he will be angry and disappointed, Dy. But I’m decided now. Buong buhay ko’y ngayon lang ako naging sigurado sa desisyon ko. Ano man ang kahihinatnan ng desisyon kong ito ay hindi ko pagsisisihan.” Dylan nodded and smiled at her. Naniniwala naman siyang makakamit ni Erin ang tagumpay sa larangang pinili nito. She was beautiful, sexy and very talented. Hindi malayong maabot nito ang pangarap na sumikat sa mundo ng show business. “Erin, may gig kami mamaya sa Blue Wave, sama ka?” sabat ni Jerick na bigla na lang sumulpot sa pintuan ng kanilang classroom. Napatingin si Erin kay Dylan as if asking if it is just fine to join with Jerick and the band later. “It’s fine with me, Erika.” “Please, Dy. Kapag tinanong ka ni Daddy kung nasaan ako’y sabihin mong nasa condo mo, hm?” “You want me to lie to your father?” “Well, not really. White lies lang naman, ‘di ba? Just this once, Dy. Pretty please?” pakiusap ni Erin. Dylan sighed. “Okay. Pero kailangang malaman ko kung nasaan ka, Erika. Kapag may nangyaring masama sa ‘yo’y ako ang mananagot sa daddy mo kapag pinagtakpan kita.” “You heard Jerick. Nasa Blue Wave lang kami.” “Yeah, right.” Erin smiled widely ang gave Dylan a loud kiss on his cheek. “Thank you so much, Dy!” “No problem. Baka kasi maging zombie ka na talaga kapag wala kang daily dose of your medicine,” nakangiting pahayag ni Dylan. Alam kasi niyang ang pagkanta lang ang bagay na magpapasaya sa kaibigan niya. “Don’t worry, kapag sumikat ako’y hindi kita kakalimutan. Someday, I’ll write a song about your lovelife kahit hindi mo sabihin.” Dylan shook his head. “Hindi ka pa man sumisikat ay marami ka nang plano. At bakit nasali ang lovelife ko?” Erin smiled widely. “Mabuti na iyong advance tayo mag-isip. Sabi nga nila, ‘di ba? What your mind can conceive, your body can achieve. Isa pa’y alam mo namang gustong-gusto ko ang magsulat ng kanta. My first composition will be dedicated to you, of course. Para naman kahit papaano ay makabayad ako sa lahat ng utang ko sa ‘yo.” “You are not indebted to me, Erika. Kaya alisin mo sa isip mo iyan. But I’ll be really happy kapag nagtagumpay ka sa karerang gusto mo.” “I’m claiming it, Dy. Kaya tonight…” umisod si Erin palapit sa kaibigan, “ikaw muna ang bahala sa akin, huh? Malay mo may maka-discover sa aking talent scout sa Blue Wave, ‘di ba?” “Oo na,” pahinuhod ni Dylan. “Para namang hindi ka naniniwala. I need to expose myself and show my talent to the world. Aba, hindi lang pagkanta ang alam kong gawin. I can also act. Gusto mong makita?” “No, thanks. Makikita ko rin lahat ng talent mo kapag sumikat ka na,” biro ni Dylan dahilan para hampasin siya ng dalaga sa balikat. They were really close at madalas nga ay napagkakamalan silang magnobyo. They only laugh at that nonsense gossips na umiikot sa kanilang university. They were not really affected by it. Wala namang babae ang nagkakamaling kumanti o mang-away kay Erin dahil sa selos ng mga ito sa pagiging malapit nila ni Dylan sa isa’t isa. Bukod kasi sa palabang babae ang dalaga ay may sinasabi pa ito sa buhay. Her father owns one of the biggest hospital dito sa bansa at balang araw ay magsasanib ang negosyo ng mga dela Torre at ng Ongpauco—ang pamilya ni Dylan na may pag-aari ding ospital at pharmacies na nagkalat sa buong bansa. Dylan only smiled at her revealing his gorgeous dimple. “Thanks, Dy. For the support and everything,” Erin's voice became serious and emotional. “You are always welcome, Erika. Anytime.” He gave her an assuring smile. Hindi napigilan ni Erin na yakapin ang binata. She knew she could rely on Dylan anytime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD