CHAPTER III: WHAT HER HEART WANTS

1534 Words
MALAKAS na ibinagsak ni Erin ang mga libro sa ibabaw ng table at naupo sa bench na naroon sa lilim ng puno malapit sa soccer field ng Sto. Thomas University kung saan siya nag-aaral ng medisina. Katatapos lang ng exams nila at kita sa mukha niya ang stress. Napahilamos si Erin sa mukha gamit ang palad at konti na lang ay sisigaw na siya sa labis na inis. “Erika? Ano’ng problema?” Umangat ang paningin ni Erin sa lalaking umupo sa harap niya. He was Dylan—ang kaklase niyang biniyayaan ng talino pagdating sa medisina. Her name is Erika Nyze at sa lahat ng mga kaklase niya’t kakilala ay bukod tangi si Dylan na tumatawag sa kaniya sa pangalan niyang Erika. Hindi niya alam kung napapangitan ba ito sa palayaw niya o trip lang nitong maiba. Magkasalubong ang kilay ni Dylan habang tinititigan siya. “Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa. What’s the problem?” “Wala,” kaila ni Erin. “Wala.” Dylan uttered. Halatang hindi naniniwala sa sinabi ni Erin. Erin sighed. “Kung problema lang ay hindi yata ako nawawalan niyon, Dy.” “Lahat ng tao may kaniya-kaniyang problema, Erika,” pahayag ni Dylan na tila hindi siniseryoso ang sinabi niya. “I know,” walang ganang sagot niya at nangalumbaba. “Tungkol saan ba ang problema mo? Maybe I can help.” “Tungkol sa studies ko. Palit na lang tayo ng utak, puwede?” biro niya. Tumaas ang isang kilay ni Dylan. “Hindi ko naman napapansing nagkakaproblema ka sa pag-aaral mo, Erika. Care to provide details?” Napalatak si Erin. “Ewan ko ba, Dy. Kahit ano’ng aral ko ay hindi pumapasok sa isip ko ang mga lessons natin.” “Why is that? Matalino ka naman, ah! And you always get high scores on our exams.” “Huh, and look at me. Mukha na akong zombie sa laki ng eyebags ko. I don’t like this kind of stress in my life!” “Then, ano ba ang gusto mo?” Matamang tinitigan ni Erin si Dylan. “Gitara. Gusto ko ng gitara. Gusto kong kumanta, sa harap ng maraming tao. I wanted to be a singer, Dy. That’s my greatest dream!” “Then go for it.” Erin snorted. “Madaling sabihin pero mahirap gawin. You know Dad’s expecting too much from me. Gusto niya akong maging doktor gayong wala sa pagiging isa ang puso’t isip ko.” “Paano ka magtatagumpay sa pagiging doktor kung wala naman doon ang puso mo, Erika. You should talk to your father. Sabihin mo sa kaniya kung ano talaga ang pangarap mo.” “He won’t allow it, Dy. Alam nating pareho ang kasunduan ng mga magulang natin.” “Matagal pang mangyayari ang kasunduang iyon, Erika. Besides, alam nating pareho na hindi mangyayari iyon.” Erin grinned at Dylan. Nagkasundo ang pamilya nilang ipakasal silang dalawa sa oras na maging doktor silang pareho. Ngunit napagkasunduan din nilang dalawa ni Dylan na sirain ang kasunduang iyon pagdating ng panahon. They're friends okay, pero magkaiba ang gusto nila lalo na pagdating sa taong mamahalin. Erin wanted a man that is ruggedly handsome. Hindi katulad ni Dylan na tila anghel ang kagwapuhan. While, Dylan…well, she didn’t have any idea yet kung ano ang gusto nito sa isang babae. “Paano kung hindi ako payagan ni Daddy sa pangarap ko, Dy? Ano ang gagawin ko?” “Well, it’s either you break your father’s heart or follow what your heart wants. Dalawang bagay lang ang mangyayari, Erika. Sundin mo ang gusto ng daddy mo o susundin mo ang gusto mo.” “Paano kung sinunod ko ang gusto ko? Palalayasin ako ni daddy sa bahay.” “Face the consequences of your actions.” Napabuntong-hininga si Erin. Maikling salita ngunit kay bigat gawin. Pero tama si Dylan. Kahit alin man sa dalawa ang pipiliin niya ay may masasaktan siya. Kung hindi man ang sarili niya’y ang kaniyang sariling ama. “Halika, kumain tayo sa labas,” yaya ni Dylan sa kaniya. Napatitig si Erin sa kaibigan. Kung katulad lang sana siya ni Dylan na maliban sa handang sundin ang gusto ng magulang ay pangarap talaga nitong maging isang doktor. Honestly, she wanted to obey her father. She wanted him to be proud of her. Pero paano niya iyon magagawa kung ang nais nito at ang gusto niya’y magkaiba? Alam niyang labis na magagalit ang ama kapag sinunod niya ang gusto niya, but he will be disappointed too kapag nalamang kung hindi bagsak ay lumalambitin ang marka niya sa kursong kinuha niya. Being a medical student was really a pain in her head. Pakiramdam niya ay natutuyo ang utak niya sa kakaaral huwag lang bumaba ang exams niya. Hindi siya masaya sa kursong kinuha niya. Mas magiging masaya siya kapag nasa limelight na siya. Pag-aartista ang tinitibok ng puso pero sa ngayon, mukhang imposibleng matupad ang pangarap niyang iyon. She wanted to follow Dylan’s advice. Susundin niya ang gusto niya pero kung iyon naman ang dahilan ng maagang pagkamatay ng ama niya ay huwag na lang. “Hey, Erika. You’re spacing out. Nakatitig ka na lang sa akin,” naniningkit ang mga mata ni Dylan sa pagngiti habang nakamasid sa kaniya. “Uhm, sorry. Ano nga’ng sinasabi mo?” “Ang sabi ko, samahan mo akong kumain.” Mabilis na tumayo si Erin kipkip ang mga libro. “Tara na. Kanina pa nagwawala ang mga anaconda ko sa tiyan,” aniya na nagpatiuna nang maglakad patungo sa cafeteria. Napapailing na lamang na sumunod si Dylan sa kaibigan. PAG-UWI ni Erin sa bahay nila ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Dylan. Sinalubong siya ng isang katulong at kinuha ang kaniyang mga gamit. “Gusto mo ba ng snacks, Miss Erin?” tanong ng katulong. Matipid na nginitian ito ni Erin at umiling. “Huwag na po. Kumain na kami ni Dylan sa labas.” “O, sige. Ilalagay ko lang itongga gamit mo sa silid mo.” Pagkatapos magpasalamat ay sinilip niya ang ama sa study kung saan palagi itong naroon. Nagsisilbi rin kasi itong opisina ng kaniyang ama. Nang makitang naroon ang kaniyang ama ay kumatok siya. Narinig niyang nagbigay ito ng pahintulot para pumasok. “Dad…” Umangat ang mukha ng kaniyang ama mula sa binabasa at kinuha ang salamin sa mata. “Erin,” He shortly acknowledge. “Can I talk to you, Dad?” aniya na naupo sa visitor’s chair sa harap ng table ng kaniyang ama. “About what?” anito na muling isinuot ang salamin at itinuong muli ang pansin sa binabasa. Napalunok si Erin. Nag-ipon ng lakas ng loob bago sabihin sa ama ang nais niyang mangyari. “I wanted to shift course, Daddy…” Mabilis na umangat ang mga mata ng kaniyang ama patungonsa kaniyang mukha. “Pakiulit ng sinabi mo?” Napigil ni Erin ang paghinga sa intensidad ng titig sa kaniya ng ama. Tila naagbibigay ng babala ang tingin nitong huwag siyang magkamaling ulitin ang sinabi niya. Ngunit buo na ang loob ni Erin sa nais niyang mangyari. Hindi niya mapaluguran ang kaniyang ama sa nais nitong mangyari sa future niya and she really felt sorry for it. Kung naroon sa pagiging doktor ang puso niya aybwalang magiging problema. Ngunit kahit ano’ng gawin niya ay wala roon ang interes niya kahit ano’ng pilit niya. Kapag ipinagpatuloy niya ang gusto ng ama ay baka mabaliw na siya. “Please, Daddy. Wala po sa pagiging doktor ang interes ko.” “Then what do you want!” tila kulog na tanong ng kaniyang ama. “I wanted to be a singer, Dad. Iyon po ang hilig ko. I wanted to write songs, sing or act…” “Bullshit!” Erin almost jump in her seat nang marinig ang malakas na boses ng ama. Naghilam sa luha ang kaniyang mga mata ngunit agad niya iyong ikinurap upang hindi mahulog nang tuluyan. “Ano ang mapapala mo sa pagiging artista, Erin! Ipagpapalit mo ang magandang kinabukasan mo dahil lamang sa walang kwenta mong ambisyon!” “Dad, marangal din namang trabaho ang pagiging artista. I can still earn…” “Earn? Ano’ng aasahan mo sa pagiging artista, Erin? Gusto mo bang maghubad sa TV para lang kumita, ganoon? Is that how lowly your dream was?” Labis na nasaktan si Erin sa naririnig mula sa ama. “Hindi naman porke’t gustong maging artista ay magiging bold star na, Dad—” Napasinghap si Erin nang dumapo nagbpalad ng kaniyang ama sa pisngi niya. Nasapo ng dalaga ang nasaktang pisngi at hindi napigilan ang pagtulo ng luha. “Dad!” bulalas niya. But her father’s face was still grim. “Hindi ka magiging artista, Erin. You will be a doctor. Ikaw ang magmamana ng ospital na pinaghirapan kong ipundar! Whether you like it or not!” matatag na wika ng kaniyang ama. Mabilis na tumalikod si Erin at tumakbo palabas ng study. Nakasalubong pa niya ang ina na nag-aalalang sinalubong siya ngunit magalang siyang nagpaalam na dederetso na sa silid niya. Ibinagsak ni Erin ang katawan sa kama at umiyak hindi dahil sa nasaktang pisngi kung hindi sa nasaktang damdamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD