CHAPTER II: THE THREATS

1338 Words
HALOS lumuwa ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa screen ng kaniyang laptop. He was watching Erin dela Torre while dancing. Nang ipokus ng camera ang mukha ni Erin ay mabilis na umangat ang kaniyang kamay upang haplusin ang pisngi ng aktres sa screen. Marahan siyang pumikit habang pinakikinggan ang tila nang-aakit nitong boses. Pakiramdam niya ay tila nag-iinit ang kaniyang katawan sa bawat paghagod ng boses ng aktres sa kanta. “Erin…oh, Erin,” paanas na wika niya. Nang imulat niya ang mga mata ay tumambad sa kaniya ang makurbang beywang ni Erin at hindi nakaligtas sa mapanuri nitong mga mata ang kumikislap na bato sa pusod nito. Hindi na niya napigilan ang sariling ilapit ang mukha sa screen at tila dinama ang lambot ng beywang doon ni Erin. He was obsessed with the actress. Hindi pa siya nakontento at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Kinuha niya ang isang larawang may mukha ng sikat na aktres. Marahan niyang pinaraan ng kaniyang dila ang larawan ng dalaga habang dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Umalpas din ang mahinang ungol mula sa kaniyang lalamunan. “Erin… ikaw lang ang babae sa buhay ko. Magiging akin ka rin. Matitikman ko rin ang napakasarap mong katawan,” mahinal usal niya na sinundan ng paanas na ungol. Ang dingding ng kaniyang silid ay puno ng posters ng dalaga. Ang karamihan ay mga mukha ni Erin na idinikit sa hubad na katawan ng ibang babae. He’s fantasizing all about her. He’s fantasing of kissing her, of touching her body and he is fantasizing having s*x with her. Minsan ay hinahayaan niya ang sariling mag-masturbate sa harap ng picture ni Erin. He’s mad. Madly want Erin dela Torre to be his. Gagawin niya ang lahat upang mapasakaniya ang dalaga. Come hell or high water. “YOU SHOULD have seen yourself on TV, Erin. My God! You’re so hot there! Siguradong tuwang-tuwa na naman si Veronica sa taas ng ratings ng show niya. And for your information, my dear, top trending ang hashtag Erin dela Torre in Famous and Fame sa Twitter worldwide mula pa kahapon! Oh, my God! I’m so happy for you, chika!” tila uod na inasinan ang manager niyang si Celine habang nakaupo sa couch kaharap niya. Naroon sila sa condo unit niya na malapit lamang sa istasyong pinagtatrabahuan niya. Alam niya ang tungkol sa bagay na iyon dahil nakita niya sa Twitter. Kahit tahimik lang siya’y kinikilig pa rin naman siya. Ang mga ganoong achievement gaano man kaliit ay naa-appreciate pa rin niya. “Hindi na nga ako makaihi sa phone calls na natatanggap ko. Marami na rin akong tinanggihang offer! Mind you, iyong iba ay hindi basta-basta. Akalain mo ba namang babayaran ka ng sampung milyon para lamang sa dalawang gabi?” Hindi mapigilan ni Erin ang mahinang pagtawa. “Really? Sino naman iyon?” Curious niyang tanong. Celine leaned slightly towards her. Ang isang palad nito’y nakatakip sa isang bahagi ng bibig nito. “The Oil magnate, Salvador Espinosa,” halos pabulong na wika ni Celine na sinundan ng tili. “Yuck,” nakangiwing wika ni Erin. Kilalang babaero ang oil magnate na iyon at may asawa. “Kahit bigyan pa niya ako ng isang daang milyon ay hindi ako tatabi sa kaniya ng dalawang gabi, ‘no!” “Tsk! Alam ko. That’s why I politely declined his offer. Sinabi kong masyado kang busy dahil may gagawin kang pelikula at may music video pa para sa bagong ere-release mong kanta. “Ano pa?” tanong niya na muling itinuon ang mga mata sa cellphone. She’s currently playing word games. “Well, may isang brand na nag-offer sa ‘yo na maging calendar girl nila. I took it down, too.” “Hindi ko pa kayang maghubad sa harap ng camera, Celine. Sorry,” pilit ang ngiting wika niya sa manager.” “Loka. I know that. We need to maintain your wholesome image. Alam mo naman ang mga tao ngayon. Mas gusto ay fresh at virgin—aw!” “Shut up!” wika ni Erin matapos batuhin ng throw pillow ang manager. Sapol ito sa mukha. “Totoo naman, ‘di ba?” wika ni Celine na niyakap ang unang ibinato ni Erin sa kaniya. “Kaya nga sa lahat kayong talents ko ay ikaw ang alagang-alaga ko. Bukod kasi sa marami kang naipapasok na pera sa akin ay love na love pa kita. Bias ako, eh,” sabi ni Celine na binuntutan pa nang malakas na tawa. “I know pare-pareho ang pag-aalaga mo sa amin. Kaya hindi ako naniniwalang bias ka. Kung hindi dahil sa ‘yo ay nasa kalsada na nakatira ang karamihan sa amin ngayon. We owe you big time, Celine. That’s why we love you, too.” “Ow, I’m touched,” maarteng wika ni Celine na napahawak pa sa dibdib. Akma na sana niyang babatuhin uli ng throw pillow ang manager nang marinig nila ang sunod-sunod na tunog ng door bell. “Are you expecting someone today?” takang tanong ni Celine sa kaniya. “Nope.” Mabilis na tumayo si Celine at tinungo ang pintuan. Erin saw her took a peek on the peephole bago buksan ang pinto. Nang bumalik si Celine ay may dala na itong sobre na nasa lima ang bilang. Inilagay nito ang mga iyon sa ibabaw ng mababang mesa na sa pagitan ng kinauupuan nila. “Ano ang mga iyan?” tanong niya na umayos ng upo at pinanood si Celine habang binubuksan ang isang sobre. Binasa nito iyon at hindi nakaligtas sa kaniya ang pagsalubong ng kilay nito. “Damn it!” malakas na ibinagsak ni Celine ang hawak na sobre at nanginginig ang kamay na mabilis ding binuksan ang isa pa. Nagtatakang kinuha ni Erin ang laman ng sobreng binitawan ni Celine at binasa ang laman niyon. Akin ka, Erin. Walang sino man ang maaaring umangkin sa ‘yo! Sunod niyang binasa ang isa pang binuksan ni Celine. Huwag kang magkakamaling magmahal ng iba, Erin. Akin ka lang! Papatayin kita kapag nalaman kong may ibang umangkin ng katawan mo! Mahal kita, Erin. Mahal na mahal kita! Narinig niyang sunod-sunod na ang mura ni Celine. Binasa niya ang isa pang binuksan nito. You’re dead, Erin! Bullseye! Napapitlag si Erin nang marinig ang sigaw ni Celine kasabay ng paglamukos nito ng papel at malakas na itinapon. “Calm down, Celine. Gawa lang ito ng obsessed fans!” “How am I supposed to calm down? You’re receiving nasty letters and death threats for how many times now! Paano akong kakalma?” mataas ang boses at nanginginig sa galit na bulalas ni Celine. “Huwag na lang nating pansinin. These are just empty threats!” “You ‘ve received letters and threats like this for the nth times already, Erin. Hindi na ito basta-basta prank o panti-trip lang!” “What if gawa-gawa lang ito ng mga naiinggit sa akin? Baka gusto lang nilang matakot ako at sirain ang career ko. Just…just calm down, okay?” “No. I need to hire a bodyguard for you, Erin. I need to keep you safe at all times.” “No!” mabilis na tutol niya. “Hindi ko kailangan ng bodyguard, Celine. Hindi ako komportableng may nagbabantay ng kilos ko biente-kuwatro oras!” “Walang ipinagkaiba iyon sa mga mata ng fans at bashers mo, Erin!” “Iba ‘yon! Ayokong kahit privacy ko ay mapasok ng ibang tao!” “Hire a bodyguard or your mother will know about this?” pananakot nito sa kaniya. Napahilot si Erin sa kaniyang sentido. She doesn’t want to cause trouble to her family anymore. Ang mag-alala ang mama niya sa kaniya ay ang huling nanaisin niya. Ayaw niyang muling masabihan ng ama niyang mali ang daang tinahak niya. Ibinagsak ni Erin ang katawan sa couch at mariing ipinikit ang mga mata. Hindi niya maiwasang dumaloy muli sa kaniyang isipan ang alala ng nakaraan. Ang lahat ng hirap at sakripisyo niya maabot lang ang kinaroroonan niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD