KINABUKASAN, Pagsapit palang ng umaga ay maaga ng nakarating sina Raizen sa airport para sa kanilang pag-alis papuntang Greece, private plane ng pamilya Yvanov ang gagamitin nila sa kanilang paglipad at hindi maitago ni Haruka ang saya na muli siyang makakadalaw sa Royal Palace. Kinakabahan naman si Aza sa mga oras na ‘yun, aapak siya sa isang tunay na palasyo kung saan makakakita siya miya-miya lang ng tunay na hari at reyna, ang mga magulang ni Raizen. Pakiramdam ni Aza mas maipapakita ng pagpunta niya sa royal palace ang pagakalayo nila ng agawat sa buhay ni Raizen. “OMG! This is it! Greece here we come!” bulaslas ni Haruka habang hinihintay nila na makapasok sila sa eroplano. “Ate ang ingay mo, mahiya ka nga parang hindi ka pa nakakatuntong sa Greece eh.”suway ni Tomi sa kaniyang at

