KINAGABIHAN, sabay-sabay na kumain sa kusina sina Aza. Bukas na ang flight nila papuntang Greece at maaga ang alis nila. Kahit papaano ay masaya si Aza na nakasama niya ang kaniyang mga kaibigan bago siya umalis bukas, nag-enjoy siya lalo na ng dumaan sila ni Zild sa isang parke kung saan may isang event na nangyayari, na hindi niya inasahan na kakanta doon si Zild sa harapan ng madaming tao. Hind rin sya makapaniwala na may babaeng nagugustuhan ito at handa nitong bitawan, gusto man magtanong ni Aza kung sino ang babaeng tinutukoy nito sa kantang inawit nito ay sinarili na lang niya. Bahagyang nilingon ni Aza si Zild na tahimik na kumakain sa upuan nito, nasasayangan si Aza sa nararamdaman ni Zild para sa babaeng nagustuhan nito. Sino kaya ang babaeng nagugustuhan ni Zild? Tanong ni Aza

