“What?! Pupunta kang Greece kasama ang five knights?!” Ilan sa mga costumer ng coffee shop kung saan dinala ni Zild sina Mia para makita si Aza ay napalingon sa mesa nila dahil sa patayong pagkagulat ni Mia ng ibalita ni Aza sa kanila ang pag-alis nito bukas kasama ang knights para sa kaarawan ng ina ni Raizen. “Ano ka ba Mia! Hindi mo na kailangang isigaw ‘yan, ano ba!” nahihiyang sita ni Aza kay Mia na hinila ito pabalik sa upuan nito. “Nakakagulat lang kasi Aza, biruin mo pangarap mo lang ang makapunta sa Greece pero ngayon makakarating kana at kasama mo pa ang limang knights. Gaano ka na ba kalapit sa kanila ha?”ani ni Mia na ikinahawak ni Lena sa isang kamay ni Aza. “Nakakainggit ka naman, take some pictures for me Aza lalo na yung Satorini.” “Ilang araw kayo dun?” tanong ni C.C

