CHAPTER 20 DAISY POV Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung anong nangyari kagabi. Parang bigla na lang siyang nagbago. Si Castro o dapat si Castro nga ba talaga ang nakasama ko? Nong Isang araw parang hindi siya yung dati kong kilala. Hindi siya yung laging malamig, laging mainit ang ulo, laging pasigaw. Kanina lang, hawak niya ang kamay ko, at ramdam ko pa rin ang init ng palad niya sa balat ko. Nakakapanibago. Habang nakahiga ako sa kama, nakatitig lang ako sa kisame. Ang daming tanong sa isip ko. Pero higit sa lahat… mas nangingibabaw yung kakaibang kilig na naramdaman ko. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. “Daisy,” tawag niya. Umupo agad ako, halos matapon ang unan na yakap-yakap ko. “Oh… C-Castro…” Nakatingin lang siya sa akin, nakangiti. Yung tipong ngiti

