CHAPTER 24 QUISHA POV Tahimik ang gabi sa Paris, pero sa loob ng isang pribadong lounge ng isang five-star hotel, may lihim na pulong na nagaganap. Ang mga ilaw ay dimmed, may mga kandilang nakasindi sa bawat mesa, at ang amoy ng mamahaling alak ay humahalo sa hanging malamig mula sa bukas na bintana. Nakaharap ako sa isang babae na matagal ko nang hindi nakikita si Vallerie. Ang tanging taong itinuring kong tunay na kakampi sa loob ng mundong ito na puno ng dugo, kasinungalingan, at pagtataksil. “Quisha…” she whispered, sabay ngiti na parang matalim na espada. “Still as dangerous as ever. Hindi ko akalain na tatawag ka sa akin muli.” I smirked, swirling the wine glass in my hand. “I need you, Vallerie. Hindi ko pwedeng gawin ito mag-isa. This is bigger than what you think. Castro, Da

