CHAPTER 42 DAISY POV May mga umagang hindi na kailangang ipaglaban. Nagigising na lang ako sa liwanag na sumisilip sa kurtina, sa banayad na huni ng mga ibon, at sa init ng braso ni Zhien na nakapulupot sa akin parang paalala na ligtas na ako. Hindi na ako nagigising sa bangungot. Hindi na ako hinihingal. Hindi na ako nanginginig sa bawat biglang tunog. Tahimik na ang buhay ko. At sa katahimikang iyon, doon ko unang naramdaman kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal. Hindi na namin kailangan ng maraming salita ni Zhien. Minsan, sapat na ang isang tingin. Isang ngiti. Isang pagpisil ng kamay. Kapag nagtitimpla siya ng kape sa umaga, alam na niya kung gaano karami ang asukal na gusto ko. Kapag tahimik akong nakaupo sa sofa, alam niyang kailangan ko lang ng yakap hindi tan

