CHAPTER 15 DAISY’S POV Ang weird talaga ni Castro nitong mga araw na ‘to. As in, sobra. Kung dati, parang bato siya na walang pakialam kahit umiyak ako sa harap niya, ngayon… aba, parang ibang tao na. Kanina lang, habang kumakain kami ng breakfast, bigla niya akong tinabihan at nilagyan ng bacon sa plato ko na parang ako ‘yong bata na gusto niyang alagaan. Ano na ‘to? Pero mas na-weird-an ako sa isang bagay. Kanina habang nag-aayos siya ng polo, napansin ko may sumilip na maliit na parte ng tattoo niya nasa likod ng tenga niya. Hindi ko masyadong nakita nang buo, pero parang hugis simbolo o initials? Hmmm… di na siguro importante, pero bakit parang… hindi ko matanggal sa isip ko? Huminga ako nang malalim at binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Nasa kusina ako ngayon, nagpe-prepare n

