CHAPTER 76

1225 Words
Chapter 76 Primrose Pov LUMIPAS ang isang buwan at talagang pataba na ako ng pataba. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa kakalamon. Maiiyak na talaga ako pero ang sarap talaga kumain eh. Yung bibig ko hindi ko na mapigilan kaya pataba ako ng pataba at pasikip ng pasikip ang suot kong damit. Nandito ako sa harap ng salamin habang nakasuot lang ng bra at panty. Kanina pa naka busangot ang mukha ko habang pinagmamasdan ang katawan ko na sobrang laki na. Yung tiyan ko din ay naka umbok na kaya kapag hindi maluwang na damit ang suot ko ay mahahalata na talaga siya. Natigilan ako sa pagtitig sa katawan ko ng bumukas ang pintuan at pumasok si uncle Death. Nakatitig siya sa katawan ko habang natigil siya sa paghakbang. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanasa habang pinagmamasdan ko siya sa malaking salamin. "You're so beautiful, baby. Damn. Bakit ang swerte ko?" Sabi pa niya saka naglakad palapit sa 'kin. Nakanguso naman akong nakatitig sa reflection ko sa salamin habang niyayakap ako ni uncle Death mula sa likuran. "Bakit ganyan ang itsura mo, baby?" Tanong niya sa 'kin kaya mas lalo akong napabusangot. "Kasi naman.. ang laki-laki ko na. Malapit ng hindi makita ang leeg ko. Yung pisngi ko naman nagmumukha ng siopao dahil sa taba. Yung braso ko parang naghahamon ng away. Sinong hindi malulungkot kapag ganito ang katawan ko." Malungkot kong sabi habang nakanguso parin. "Baby, natural lang yan dahil buntis ka. Maganda ka parin naman kahit saang anggulo." Sabi niya sa malambing na boses. "Binobola mo lang ako eh," sagot ko naman. Hinaplos niya ang tiyan ko habang nakangiti siyang nakatitig sa 'kin mula sa salamin. "Hindi kita binobola, baby. Maganda ka naman talaga kahit tumaba ka. Wag ka ng malungkot sa size mo. Papayat ka din niyan pagkatapos manganak." Sabi niya habang hinahaplos ang tiyan ko. Isinandal ko naman ang likod ko sa matipuno niyang dibdib at bumuntong hininga. "Nagtataka na nga si Erika dahil tumataba daw ako. Lagi ko nalang sagot ay kain ako ng kain." Sagot ko at mas lalong namroblema sa katawan ko. "Tama na yan, baby. Tama na yang pagtitig mo sa katawan mo. Tinitigisan na ako dito. Baka maangkin pa kita ng wala sa oras." Saad niya kaya inirapan ko siya habang magkatitigan kami sa salamin. "Parang ayaw ko ng pumasok ng school, uncle. Dito nalang kaya ako sa bahay. Home school nalang ako." Sabi ko kaya mahina siyang natawa. "Matagal ko ng hinihintay yan na sabihin mo, baby. Alam mo naman na lahat ng gusto mo ay binibigay ko sa'yo." Saad pa niya kaya napangiti ako. "Thank you, baby. Ngayon gusto ko na dito nalang mag- aral. Babalik din ako sa school kapag nakapanganak na ako." Sabi ko habang hinahawakan ang kamay ni unice na nakapatong sa tiyan ko. "Sige. Ako ng bahala kumuha ng teacher mo. Bukas na bukas din magsisimula ang home school mo. Sa ngayon ay magpahinga ka muna at kalimutan mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano. Lagi mong tandaan na maganda ka parin baby kahit maging balyena ka pa kalaki." Sabi niya saka dinampian ng halik ang ulo ko. Napangiti ako dahil lagi talaga niyang pinaparamdam sa kin na maganda parin ako kahit para sa 'kin ay mataba na talaga ako at pumapangit. Yung leeg ko din ay nagsisimulang mangitim pati na ang kilikili ko. Ang tagal ko 'tong iningatan pero ngayon ay umiitim na talaga siya. Sabi naman ng obgyne ko na talagang side effects daw yun sa pagbubuntis ko. Pati na din ang mga pimples kaya wala talaga akong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyayari sa 'kin. Kinabukasan, 9AM na ako nagising. Si uncle naman ay maagang nagising dahil hinihintay niya ang teacher na magtuturo sa 'kin. Sa ibang school siya tumawag dahil yun ang request ko sa kanya kahapon. Ayaw ko ng teacher na galing sa school na pag-aari ko. Kaya ang ginawa ni uncle ay tumawag siya sa ibang school. Ang sabi ay may ipapadala daw silang teacher kaya hinihintay ngayon ni uncle. Bumangon na din ako at inayos ang kama namin. Malamang at nagluluto na yung uncle ko kaya kailangan ko na ding bumaba. Pero bago ako lumabas ng kwarto ay pumunta na muna ako ng banyo para maghilamos. Kahit buntis na ako ay may daily routine parin ako na ginagamit sa mukha ko. Sinuggest 'to ng obgyne ko kaya safe sa 'kin at kay baby. Naghilamos na muna ako at nag toothbrush. Nagugutom na ako kaya nagmamadali na ang kilos ko. Ang sarap ng tulog ko at pakiramdam ko ay ang taas ng energy ko ngayong araw. Mamaya nalang ako maliligo dahil sabay kami ni uncle Death naliligo. May rules kasi siya ngayon na lagi kaming mag sabay maligo dahil baka madulas daw ako sa sahig ng shower room. Pumayag naman ako para hindi na siya mag-alala sa 'kin. Napaka maalalahanin talaga niya pagdating sa 'kin mula noon hanggang ngayon na magkaka anak na kami. Hindi naman madulas dito sa may sink kasi nilagyan ni uncle ang sahig ng punas na hindi madulas. Sobrang pranning talaga niya na pati ang pag ihi ko ay sinasamahan niya ako. Natapos na akong maghilamos at lumabas na ako ng banyo. Nagpalit na din ako ng damit na oversize para naman hindi mahalata ng teacher kung sakali man na dumating na siya. Nang matapos yun ay itinali ko lang ang buhok ko saka ko naisipang lumabas na ng kwarto. Tinungo ko ang hagdan at sobrang tahimik ng bahay. Hindi naman talaga nakakapagtaka yun dahil simula ng dumating ako dito sa bahay na 'to ay tahimik naman talaga. Nag- iba nga lang ngayon na kami na ni uncle. Bumaba ako ng hagdan at dahan-dahan lang ang ginagawa ko. Nang makababa ako ay naisipan kong pumunta ng kusina dahil sigurado ako nando'n ang uncle ko. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa kusina ay napatigil ako sa paghakbang ng may narinig akong boses ng babae na nang gagaling mula sa kusina. Para bang kausap yun ng uncle ko kaya dali- dali akong pumunta do'n dahil baka yung teacher na pinadala na yun. Nakarating ako sa kusina at natigil ang pag-uusap ng dalawa ng makita nila ako. "Hi, baby!" Bati sa 'kin ni uncle habang nakangiti. Ngunit hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nakatuon ang tingin ko sa babaeng dali-daling tumayo mula sa pagkakaupo at humarap sa 'kin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa dahil nakakairita ang ikli ng palda niya. Maganda ang babae at halatang dalaga pa. Kulay brown ang buhok niya at maputi din siya katulad ko. Nakasuot naman siya ng uniform na pang teacher pero masyadong maikli ang palda niya. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi naman ganun ka ikli ang mga palda ng teacher sa school. Kahit hindi pa samin ang school ay ganun talaga ang suot nila. "Hi, Primrose! Ako nga pala si Lady. Ako ang magiging teacher mo araw-araw." Pagpapakilala niya habang nakangiti. Lumingon pa siya kay uncle Death kaya napasunod ang tingin ko. "Ang ganda pala ng pamangkin mo, sir Death." Sabi niya sa malambing na boses. "Yes. Maganda talaga ang baby ko." Sagot naman ng uncle ko na sa 'kin lang nakatitig. Hindi ko alam pero parang mabigat ang loob ko sa babae. Hindi ko alam kung bakit o dala lang siguro sa pagbubuntis ko kaya ako nagkakaganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD