CHAPTER 82

1172 Words
Chapter 82 Death's Pov (Ito po yung scene kung saan niya nakuha si baby Primrose) BINIGYAN kami ng mission ng pinakataas-taas ng agency. Sa Pilipinas kami pupunta kasama ang team ko. Apat kaming inutusan para patayin ang mag-asawang Sanchez. Ang utos samin ay lahat ay patayin at walang itira kahit bata man o matanda. Nakarating kami ng Pilipinas at hindi nag sayang ng panahon para isagawa ang mission. "Utos ni boss ay patayin lahat. Kaya mamaya ay pati ang batang sanggol ay papatayin natin." Saad ni Jewel na kasama ko sa team. "Kailangan ba talaga?" Tanong ko dahil nagtataka lang ako sa mission na binigay ng agency. Ngayon lang sila nag utos ng ganito na pati sanggol na walang kamuwang-muwang ay gusto nilang idamay. "Yun ang utos satin, Death. Kaya kailangan natin sumunod dahil tayo naman ang mananagot." Sagot naman ni Jewel na halatang walang pakialam kung sino man ang patayin niya. "Bakit, Death? Nagdadalawang isip ka ba?" Tanong ni Jcanz sa 'kin na ka team din namin. "Hindi. Pero hindi naman makatao kung isasali ang sanggol na wala namang kinalaman dito." Depensa ko. "Yun ang utos satin kaya sumunod ka nalang at wag na magreklamo." Sabat naman ni Holland sa usapan. Tumahimik nalang ako kahit hindi ko gusto ang pinaplano nila. "May kukunin daw tayong box sabi ni boss." Saad ni Jewel samin. Lumapit pa sa 'kin ang babae saka kinindatan ako. Walang emosyon ko siyang tinitigan dahil nakakairita ang mukha ng babaeng 'to. Pakiramdam niya ay nagagandahan lahat ng lalaki sakanya. Ang hindi niya alam ay mukha siyang tae sa paningin ko na ang sarap tapakan. Naghanda na kami dahil ngayong gabi na namin papasukin ang bahay. Dumating ang oras na kailangan na namin akyatin ang bahay ng mag-asawang Sanchez. Nauna akong umakyat at wala akong balak na pumatay ngayong gabi. Manonood lang ako sakanila at bahala silang gawin ang mission. Pumasok sa loob ng kwarto si Holland na binasag pa talaga ang bintana. Ako naman ay naglalakad lang sa kwarto ng mag-asawang mahimbing na natutulog at hindi man lang napansin o narinig ang pagkabasag ng bintana nila sa kwarto. Pumasok din sa kwarto si Jewel at tinungo ang cabinet ng mag-asawa para hanapin ang box na sinasabi ng boss namin. Hinayaan ko lang sila at akmang lalabas sana ako ng kwarto ng mag-asawang Sanchez ay bigla nalang sumenyas sa 'kin si Jewel. "Ikaw na bahalang pumatay sa anak ng mag-asawa. Madali lang yun lalo na't baby pa lang." Sabi ni Jewel sa mahinang boses at nakangisi. Hindi ako sumagot sa sinabi niya at nakapamulsa akong lumabas ng kwarto at bahala silang gawin ang mission. Nang makalabas ako ay nakita ko ang isa pang kwarto. Alam kong kwarto yun ng mag-asawang Sanchez kaya naglakad ako palapit sa pinto saka ko pinihit ang siradura at binuksan. Bumungad sa 'kin ang nakabukas na ilaw habang nasa gitna ng kwarto ay isang puting crib. Punong- puno din ng design ang kwarto na pang baby. Kulay pink ang pader kaya alam kong baby girl ang anak ng mag-asawang Sanchez. Lumapit ako sa crib at nakita ang isang sanggol na mahimbing na natutulog. Ilang segundo akong nakatitig hanggang sa baby hanggang sa narinig ko ang malakas na ingay na nanggaling sa kwarto ng mag- asawa. Alam kong nagsisimula na ang mga kasama ko. Naririnig ko ang sigaw ng mag-asawa kaya kinuha ko ang kutsilyo na nasa sapatos ko saka ko sinugatan ang braso ng baby. Si Holland ay kayang mag test kung blood pa talaga ng mga target namin. Hindi ko kayang patayin ang baby kaya naisipan kong sugatan ang braso niya. Umiyak ang baby at tumulo din ang dugo no'n sa puting kumot na nasa loob ng crib. Nang magawa ko yun ay kinarga ko ang baby at gamit ang hoodie jacket ko ay ipinasok ko siya sa loob saka ko isinara ang zipper. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ng baby bago pa ako makita ng mga kasama ko. Bumaba ako ng hagdan at tinungo ko ang main door saka ako lumabas. Naririnig ko pa kung paano nila pahirapan ang mag-asawa kaya sigaw sila ng sigaw sa sakit. Lumabas ako ng bahay habang dala ang baby na umiiyak parin dahil sa ginawa ko. Lakad takbo ang ginawa ko at hindi lumilingon sa likuran. Mabuti nalang at may nakita akong taxi kaya agad kong pinara. Huminto ang sasakyan kaya agad kong binuksan ang pintuan ng backseat at pumasok sa loob ng taxi. "Sa hospital tayo, manong." Walang emosyon kong sabi sa taxi driver. "Sige po, sir." Sagot niya saka niya pinausad ang sasakyan. Inilabas ko naman ang baby sa loob ng jacket ko at umiyak ng makina. Sa laki ng baby ay nasa tyansa ko ay nasa 6 months old ang baby. Nakatitig sa 'kin ang baby at hinawakan ko ang pisngi niya. Inabot naman ng baby ang daliri ko at at hinawakan. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba at para bang natuwa ako ng hawakan ng baby ang daliri. Para bang may hurnaplos sa puso ko at hindi mapigilang mapangiti habang nakatitig sa kanya. Ito ang unang beses na ngumiti ako. Buong buhay ko ay puro galit ang nanalaytay sa katauhan ko simula ng patayin ang mga magulang namin. Kami nalang ng nakakatanda kong kapatid ang naiwan. Nabigyan kami ng pangalawang buhay dahil sa massacare na nangyari sa pamilya namin. Kaya mas pinili kong pumasok sa agency na nagbibigay ng hustisya na nararapat. Pinigilan pa ako ng kapatid ko dahil sinisira ko daw ang buhay ko. Ayaw niyang mawalan ng pamilya dahil ako nalang ang kasama niya. Ngunit mas nanaig sa 'kin ang galit at ang nais na ipaghiganti ang mga magulang ko. Nakuha ko naman ang hustisya na hinahanap ko. Sa paglipas ng panahon ay nakasanayan ko ng pumatay. Para bang hindi ko na kayang tanggalin yun sa systema ko. Kaya ngayon ko lang naranasan na ngumiti dahil sa paghawak ng baby. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa hospital. Dollar ang inabot ko sa driver na may halagang 5k. Dali-dali akong lumabas ng taxi niya para magamot ang baby na ako lang din ang gumawa. Kailangan kong gawin yun para alam nila na pinatay ko ang baby. Nang magawa ko yun ay inabot ko sa isang nurse ang batang sanggol. Binayaran ko din ang nurse at sinabi ko na babalikan ko ang baby. Kailangan kong bumalik sa bahay ng Sanchez at upang hindi nila ako mahuli. Nakipag sabwatan din ako sa nurse na baka may alam siyang baby na patay na ngayong gabi. Iba talaga nagagawa ng pera kaya nagawa ng nurse na ibigay ang gusto ko. Bumalik ako sa bahay ng Sanchez dala ang isang patay na sanggol. Tulad kanina ay sinugatan ko din ang baby. Para magmukhang makatotohanan ang ginawa kong pagpatay. Sana lang ay hindi nila ako mahatala sa ginawa ko para hindi nila hanapin ang sanggol na iniligtas o sa kamatayan. Hindi ako papayag na masaktan ang bata kaya nag iisip ako kung paano ko siya maitatago at hindi maghinala ang mga kasamahan ko na magagaling kumuha ng impormasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD