CHAPTER 84

1137 Words
Chapter 84 Death Pov PINAPASOK ako ng kapatid ko sa bahay niya at nalaman ko na pinalayas niya ang kanyang asawa kanina. Pasalamat talaga siya ay hindi kami nag abot dahil baka gilitan ko siya ng leeg. Nagluluto naman ang kapatid ko ng makakain kahit pa nga anong oras na. "Masaya ako na binisita mo ako, Death. Salamat at naalala mo ko. Akala ko talaga wala ka ng pakialam sa 'kin." Saad ng kapatid ko. "Bakit naman kita hindi maalala?" Tanong ko naman pabalik. "Eh kasi naman.. ilang taon ka ng hindi nagpapakita sa 'kin." Nakanguso niyang sabi. "Busy lang ako, ate. Pero talagang balak kitang bisitahin pero lagi akong naabutan ng maraming mission." Sagot ko kaya tumango siya. "Hanggang kailan ka ba titigil sa trabaho mong yan? Nakuha na natin ang hustisya na para sa mga magulang natin, Death. Kaya oras na siguro para umalis ka diyan sa trabaho mo." Saad ng kapatid ko na nag-aalala sa 'kin. "Okay lang ako, ate. Wag kang mag-aalala sa 'kin." Sagot ko na lamang. Napabuga naman siya ng hangin at para bang may iniisip. "Gusto ko sanang mag ampon kami ng asawa ko ng anak, Death. Hindi kasi kami maka anak pero hindi na din pala mangyayari dahil nambabae ang siraulong yun." Saad ng kapatid ko sa malungkot na boses. Pumasok sa isipan ko ang anak nila Sanchez. "Gusto mo parin ba mag ampon?" Tanong ko kaya napatingin siya sa 'kin. "Oo sana. Pero baka hindi ko na ituloy dahil wala naman na akong asawa." Mungkot niyang sagot. "Mag ampon ka. Akong bahala sa gastusin, ate." Saad ko kaya kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin, Death?" Naguguluhan niyang tanong. "May baby akong dadalhin sa'yo bukas. Gusto kong ipangalan mo ay Primrose Saad ko dahil ang ibig sabihin ng Primrose ay first love. Tulad ng Primrose na unang tumutubo kapag spring na nagsisimbolo ng first love. At nag s-symbolize din ito ng long-lasting love. Gusto kong ipangalan sakanya yun dahil nararamdaman ko na siya ang magiging first love ko. "Gamitin mo ang apelyido ko na Velasco, ate. Hindi sa asawa mo." Dagdag ko pang sabi kaya nanlaki ang mata niya. "Seryoso ka ba talaga diyan? Gusto mo talaga akong bigyan ng baby?" Gulat niyang tanong. "Yes," tipid kong sagot. "Pero sa'n mo naman nakuha ang sanggol na yun? Wag mong sabihin na may ginawa ka, Death. Pe-pektusan na talaga kita makikita mo. Sabi ng ate ko. "Wala naman akong ginawa. Basta sundin mo nalang ang utos ko, ate. Alagaan mo ng mabuti ang batang yun dahil balang araw ay siya ang magiging asawa ko." Saad ko kaya binatukan ako sa ulo ng kapatid ko. "Siraulo ka! Pinagnanasahan mo ba ang isang sanggol ha! Sasakalin talaga kita." Inis na sabi ng ate ko, Napangiwi naman ako at hindi na sumagot. Pero napapayag ko naman ang ate ko dahil matagal na talaga niyang hinihiling na magka baby siya. Kinabukasan, pumunta ako ng hospital habang nakasuot ng sumbrero para hindi ako makilala agad ng mga kasamahan ko. Pinuntahan ko ang nurse at kinuha ang baby na pinatago ko sa kanya. Binigyan ko ulit siya ng pera para matuwa naman siya. Nang makuha ko ang sanggol ay agad akong umuwi sa bahay ng ate ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil panay ang ngiti ng baby sa' kin. Nakarating ako sa bahay ng ate ko at agad kong inabot sakanya ang sanggol. Sinabihan ko siya kung anong isasagot niya kapag may magtanong sakanya patungkol kay Primrose. Pinasunog ko din ang mga picture ng asawa niya para kapag lumaki na si Primrose ay wala siyang kilalaning ama. Halata sa mukha ng kapatid ko ang tuwa habang karga niya si Primrose. Binigyan ko din siya ng pera pang gastos sa pang araw-araw ng baby. Sinusulit ko ang oras ko na kasama si Primrose kaya panay ang buhat ko sa kanya dahil sa bukas ay babalik na ako sa grupo at aalis na ng Pilipinas. Parang ayaw kong umalis. Parang ayaw kong iwanan ang sanggol na niligtas ko. "Nakakatuwa naman ang baby na yan, Death. Kapag sa 'kin umiiyak sa t'wing binubuhat ko. Pero kapag ikaw ang bumubuhat ay hindi umiiyak." Sabi pa ng ate ko kaya napangiti ako habang nakatitig kay Primrose. Hindi talaga siya umiiyak sa 'kin kaya parang ayaw ko ng umalis. Pero kailangan dahil alam kong malalaman nila na hindi yun ang anak nila Sanchez. Kailangan kong pumunta para makagawa ako ng palusot. Dumating ang araw na aalis na ako. Hirap na hirap ako dahil ayaw kong iwanan si Primrose. Pero nangako naman ang kapatid ko na aalagaan daw niya at hindi pababayaan. May picture pa ako habang karga ko si Primrose. Gusto ko sanang i-wallpaper pero baka aksidenteng makita ng ka grupo ko kaya hindi ko na tinuloy pa. Bumalik ako sa hotel kung saan naka book ang mga kasamahan ko. Nadatnan ko silang tatlo na seryoso ang mga mukha habang nakaharap sa box na kinuha nila sa bahay ng pamilyang Sanchez. "Bakit ganyan mga itsura ninyo?" Tanong ko pa kahit alam ko na kung bakit. Malamang sinubukan na nilang buksan ang box sa pamamagitan ng fingerprint ng sanggol na kasama namin. "Ayaw bumukas ng box. May mali dito." Seryosong sabi ni Jcanz. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at hindi nagpahalata na may alam ako. "Mukhang hindi ito ang anak ng mag-asawang yun." Sagot ni Jcanz. "What?" Gulat na gulat kong tanong. "Mukhang naisahan tayo ng mag-asawang yun. Siguro ay pinalitan nila ang anak nila at alam nila na may susugod sa bahay nila. f ^ ** k^ 1^ prime prime Galit na sabi ni Holland. Lihim akong napangiti dahil naisahan ko ang mga gago. "Galit si boss satin. Hindi daw natin inalam muna." Sabi ni Jewel na halatang na stress. "But don't worry, guys.. leave it to me. Mahahanap ko ang impormasyon mg batang yun." Saad ni Jewel habang nakakuyom ang kamao. Hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako. Bago kasi ako umalis ay sinabihan ko na ang kapatid ko na iparehestro niya si Primrose gamit ang apelyido ko. "Mukhang naisahan nga nila tayo. Nandamay pa sila ng ibang bata," sabi ko pa at nagkunwaring galit. "Yari tayo sa pinakamataas. Saad ni Jewel. Napatigil kami dahil biglang tumunog ang cellphone ni Jcanz. Binasa niya naman ang text kaya naghintay kami sa sasabihin ni Jcanz. Nag angat siya ng mukha at parang may gustong sabihin. "Ibalik daw natin ang box sa bahay ng Sanchez. Darating at darating daw ang panahon na kusang babalik ang anak ng mag-asawa. Yun ang utos ng boss natin." Saad ni Jcanz kaya tumango kami. "Hindi pa natin maibabalik yan ngayon lalo na't may nag iimbestiga sa nangyari sa mag-asawa." Sabi ni Holland. "Ako ng bahalang magbalik diyan," sabay naman ni Jewel na kanina pa malalim ang iniisip. Sana lang ay hindi niya mapagtanto ang ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD