Chapter 63
Primrose Pov
NAKAHIGA lang ako sa kama at walang ganang bumangon. Mabuti nalang at may nahiraman ako ng cellphone kahapon at tinawagan ko si Erika. Hindi ko kasi ginamit ang cellphone ko dahil naka connect yun sa cellphone ni uncle Death.
Pagkatapos kasi ng pag uusap namin ay pinatay ko ang cellphone ko at pumunta ako sa park. Tumambay ako do'n hanggang gabi at hindi alam kung saan ako uuwi. Ang hirap pala kapag walang pamilya. Wala man lang akong mapagtanungan at matutuluyan. Pero sinubukan kong tawagan si Erika at baka sakaling may alam siya na pwede kong tuluyan. Ayaw ko sa bahay niya kahit pa nga nag offer siya na do'n nalang.
Hindi ako pumayag, hindi dahil sa ayaw ko kundi ayaw kong mapagalitan si Erika ng mama niya. Baka kasi kung ano pa ang masabi. Naalala ko pa naman na pinapagalitan siya kahit humingi man lang siya ng baon niya sa school. Paano kaya ang pagdadala niya ng kasama sa bahay.
Ayaw ko naman siyang mapahamak. Mabuti na nga lang at tinulungan niya ako makahanap ng matutuluyan. Sa lola niya 'tong paupahan na 'to kung saan ako nagpalipas ng gabi. Pinakiusapan kasi niya na kung pwede ay makitulog ako kahit two days lang. Pumayag naman ang lola ni Erika at ginawang three days. Binigyan ko na din ng pera dahil malaki naman ang baon ko mula kay uncle. Ngunit nahihiya lang ako mag withdraw lalo na't galit ako sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin binubuksan ang cellphone ko. Mas mabuti na yun para wala ng gulo.
Pagod na ako makipag usap kay Jewel at lalong lalo na pagod na din ako kay uncle Death.
Naalala ko na hindi ko man lang nakikita ang birth certificate ko dati pa. Ayaw kasi ipakita ni mama kaya nagtataka pa ako dati. Ngayon ko lang napagtanto na siguro ay alam ni mama Georgia ang trabaho ni uncle. Pero pinili lang niyang itikom ang kanyang bibig.
Napabuga ako ng hangin habang nakadapa parin sa kama. Nawalan ako ng gana sa lahat. Kanina nga ay dinaanan ako dito ni Erika para sabay na daw kami pumasok sa school. Hindi ako pumasok at sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ko. Humingi din ako sa kanya ng pabor na kung maari ay wag niyang sabihin na alam niya kung nasa'n man ako ngayon.
Sinabi ko din sa kaibigan ko na palaging wala at hindi ko alam ang isagot kapag nag tanong sa kanya si uncle Death. Panay ang tanong sa 'kin ni Erika kung ano ba talaga daw ang nangyari at kung bakit daw ako naglayas. Ang tanging sagot ko lang ay nag- ayaw lang kami ng uncle ko at nagpapalamig lang ako ng ulo.
Hindi ako sigurado kung saan ako pupunta pagkatapos ng three days ko dito. Bahala na kung anong mangyari sa 'kin basta ang mahalaga ay hindi na ako babalik sa bahay ng uncle ko kahit kailan.
Kagabi pa ako hindi makatulog dahil hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari. Hinabol din ako kahapon ni uncle pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makalayo ako ng tuluyan sa kanya.
Naguguluhan na ako sa gagawin ko sa buhay. May pera naman ako pero ayaw kong kumuha. Kaya nag iisip ako kung paano na ako ngayon. Kung hindi ako kukuha ay baka wala akong pangbili ng pagkain. Wala din akong pangbabayad ng rent dito kung sakali.
Ayaw ko kasi talaga dahil baka mahanap ako ni uncle kung nasaan ako. Hindi ko pa kayang harapin siya ngayon.
Pumasok din sa isipan ko na baka pwede kong hanapin ang dating bahay namin. Dali-dali akong bumangon at kinuha ang cellphone ko na nasa bag. Bubuksan ko na sana yun ng maisip ko na makikita ni uncle ang gagawin kong search.
Kaya ang ginawa ko ay bumangon ako at naisipang lumabas ng apartment. Suot ko ay damit ni Erika na pinahiram niya sa 'kin kagabi. Mabuti nalang at tinulungan ako ng kaibigan ko kahit sa simpleng bagay.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nagtanong-tanong kung may computer shop ba na malapit. May naituro naman ang napagtanungan ko kaya dali-dali akong pumunta do'n. Oras na para alamin ko ang totoo kong pagkatao.
Pumasok ako sa computer shop at nag renta ng computer. Agad akong nag search patungkol sa mga Sanchez. Ngunit madaming Sanchez sa mundo kaya naisipan kong buksan ang cellphone ko at tinawagan ko si Erika.
Habang hinihintay ko ang reply ni Erika ay gumagawa ako ng bagong social media account ko para do'n sabihin kay Erika ang kailangan ko. Mahuhuli kasi talaga ako ni uncle kahit pa sa social media account ko dahin meron din sa cellphone niya.
Nang mag reply si Erika ay saka ko siya chinat sa bago kong gawa na account. Hiningi ko kasi ang number ni Jewel dahil mukhang siya ang may alam sa history ng buhay ng pamilya ko. Kailangan kong makuha yun para malaman ko ang totoong buhay ko.
Isenend sa 'kin ni Erika ang phone number kaya nag tanong ako sa nagbabantay ng computer shop kung pwede ko bang rentahan ang cellphone niya. Pumayag naman siya pero 500 ang hininging bayad. Ayos lang yun kaysa wala akong gamitin.
Tinawagan ko agad ang number ni Jewel at naka ilang ring pa ako sa bruha at hindi agad sinagot. Mukhang nag iingat pa yata ang bruha at ang tagal niyang sagutin ang tawag ko.
Ilang saglit lang ay sumagot din ang bruha ngunit hindi nagsalita. "Hi, manang!" Bati ko para alam niyang ako ang tumawag.
"Oh, my pamangkin. Ano.. hiwalay na ba kayo ng uncle mo?" Tanong niya na halatang inaasar ako.
"Wala kang paki! Hindi din naman siya mapupunta sa'yo kaya wag kang mangarap." Pangbabara ko sa kanya kaya tumawa siya sa kabilang linya.
"May kailangan ako sa'yo. Siguro naman alam mo ang tungkol sa mga magulang ko. Kaya ikaw ang tatanungin ko about sakanila." Diretso kong sabi.
"Pano ka naman nakakasigurado na sasabihin ko sayo ang mga alam ko, bata. Mag ingat ka sa 'kin baka may hingiin akong kapalit bawat tanong mo." Saad niya kaya natigilan ako. Piste! Bakit ko nga ba nakalimutan na demonyeta ang babaeng 'to. "So, ano.. magtatanong ka pa ba?" Tanong niya na halatang nakangisi sa kabilang linya.
"Ano bang kapalit?" Tanong ko naman sa kanya.
"Pwede na siguro ang buhay mo," sagot niya agad.
"Baliw ka ba? Gusto kong alamin ang totoo kong pagkatao tapos papatayin mo ako! Bobo mo!" Galit kong sigaw sa kanya.
Tumawa na naman siya na parang baliw. Wala talagang kwentang kausap siya pero kailangan. Kailangan ko kasing malaman ang pangalan ng mama at papa ko. Para mas mapabilis ang paghahanap ko. Gusto kong mahanap ang dati naming bahay kung meron man. Gusto ko din malaman kung ano ang dati nilang pamumuhay.
Mukhang kailangan kong makipag sundo sa baliw na babaeng 'to para lang makuha ko ang gusto ko. Kailangan ko makipag laro sa kanya. Wala na akong pakialam kung mapahamak man ako sa kanya. Wala naman ding nagmamahal sa 'kin at ako nalang naman nag-iisa sa buhay.