Chapter 42
Primrose Pov
TAHIMIK lang ako habang nakaupo sa passenger seat dahil balak ni uncle na gumala kami sa mall. Himala talaga na nag aya siya ngayon kaya natuwa ako.
Tumingin ako kay uncle na naka focus ang tingin sa daan. Seryoso pa talaga ang mukha niya.
"Ano nga pala nakain mo uncle at niyaya mo ako sa mall?" Tanong ko pa sakanya.
"Wala lang. Gusto ko lang gumala kasama ka." Sagot niya kaya napa iling nalang ako.
"Ipagpatuloy mo lang yan, uncle. Nakakatuwa kaya kapag ganyan ka. Nakakatamad naman din kasi kung puro lang ako sa bahay. Kailangan ko din naman lumabas.
"Yes, baby. Kaya nga kita igagala sa kahit saan mo gusto." Sabi niya saka lumingon sa 'kin.
"Bakit? Hindi ka ba busy ngayon?" Tanong ko habang nakanguso. Kasi naman ilang araw na siyang busy. Tapos nong isang araw din ay pumunta siya ng Bicol pero hindi niya ako sinama. Nakakatampo tuloy. Sabi naman niya babalik siya agad pero gusto ko sanang sumama dahil wala din naman akong gagawin sa bahay. Pero talagang mas pinili niya ako hindi pasamahin dahil baka hindi daw ako matuwa sa pupuntahan ko.
Mabuti na nga lang at pinasalubungan niya ako. Dati naalala ko ay panay din siya alis nong bago lang ako sa bahay niya. Ang sabi niya ay sa Bicol daw siya pupunta pero bumabalik din naman siya agad. Dati hindi naman ako nalulungkot kung aalis man siya. Pero ngayon nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakikita. Ang tahimik kasi ng bahay. Nakakabaliw mag- isa. Kung pwede ko nga lang papuntahin si Erika sa bahay ay ginawa ko na. Pero dati kasi ay nahihiya akong magdala ng kaibigan dahil nakikitira lang naman ako. At isa pa, nakakatakot si uncle at baka magalit sa 'kin kapag hindi ako nagpaalam sa kanya.
Hindi ko pa tuloy na sasabi sakanya na namatay na si Mico. Pero
sigurado ako na alam niya ang nangyari sa lalaki. Siya pa ba.
"Nga pala, uncle.. alam mo ba ba nawala na si Mico?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Alam ko. Buti nga sakanya." Sabi pa niya kaya napangiwi ako. Abnormal talaga siya.
"Pwede ba, uncle.. wag ka ngang ganyan. Patay na nga ang tao eh," sabi ko pa kaya natawa siya.
"Dapat lang sa kanya yun. Kung hindi lang sana siya lumapit sa'yo eh di sana buhay pa siya ngayon." Sabi ni uncle kaya napailing ako.
"Kahit na.. dapat hindi mo parin ginagawa yun. Maliit na bagay lang naman sana yun eh," sabi ko sabay napakamot sa likod ng ulo ko.
"Walang maliit na bagay pagdating sa'yo, baby. Lahat ng magtatangka ay haharap kay san Pedro." Sabi niya habang naka focus ang tingin sa daan.
Napabuga ako ng hangin at natahimik ng ilang saglit. "May isa pa pala akong sasabihin.." sabi ko ng may maalala pa ako.
"Ano? Yung sa school ba? Naka pangalan na yun sa'yo, baby. Sinabi ko naman sa'yo na bibilhin ko ang eskwelahan para sa'yo." Sabi ni uncle kaya nanlaki ang mata ko.
"Seryoso ka, uncle? H-Hindi ka talaga nagbibiro?" Tanong ko sa kanya.
"Mukha ba akong nagbibiro, baby?" Balik tanong niya saka lumingon sa kin.
Mas lalo akong napakamot sa likod ng ulo ko at hindi alam kung ngingiti ba ako o hindi. Grabe na talaga 'to si uncle Death.
Baka naman joke lang niya na nabili niya. Masyado talagang napaka imposible na bibilhin niya ang eskwelahan para sa 'kin.
Hanggang sa makarating kami sa harap ng mall ay tahimik lang talaga ako. Hindi ko na kinausap si uncle dahil baliw siya kausap.
Pinark ni uncle ang kotse sa gilid at tumingin sa 'kin. Tumingin din ako sakanya sabay irap. "Kagatin ko labi mo eh," dinig kong sabi.
Bineletan ko lang siya saka ko binuksan ang pintuan ng kotse.
Pinipigilan ako ni uncle na wag muna daw lumabas ng kotse pero hindi ako nagpapigil sa kanya.
Isinara ko ang pinto at nakita na bumaba din si uncle Death sa kotse. Nag peace sign lang ako sa kanya dahil nakabusangot na naman ang mukha niya.
"Nga pala, uncle.. gusto ko munang maglakad- lakad tayo sa loob ng mall. May bibilhin kasi ako pero syempre ikaw ang magbabayad." Sabi ko kaya napangiti siya saka lumapit sa 'kin.
"As if naman papayag ako na gumastos ka ng pera mo kung kaya ko naman ibigay lahat ng gusto mo." Sabi niya saka inakbayan ako at inamoy ang buhok ko.
Napangiti ako saka kami sabay na naglakad papunta sa entrance ng mall, "Gusto ko muna ng milk tea, uncle. Bili muna tayo." Sabi ko na ikinatango naman niya.
"Sige. Hanap tayo mamaya." Sagot naman niya.
Nakapasok na kami ng mall at natuwa ako dahil ngayon lang ako nakatapak sa mall simula ng nasa poder ako ni uncle. Masaya talaga ako ngayon. Naalala ko tuloy si mama Georgia.
Tulad ng sabi ni uncle ay naghanap muna kami ng milk tea. Tuwang- tuwa ako dahil ang laki ng binili niya para sa 'kin. Dati kasi hanggang medium size lang ako. Nagtitipid kasi si mama. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro ay ayaw lang talaga niyang humingi ng tulong kay uncle Death. Minsan kasi kinakapos kami ni mama pero kapag sunday ay hindi talaga nakakalimutan ni mama na ipasyal ako sa mall pagkatapos namin magsimba.
Inabot sa 'kin ni uncle ang milk tea kaya nagpasalamat ako. Hawak niya ang isa kong kamay habang ang isa kong kamay ay may hawak ng milk tea. Sumipsip ako sa straw at talagang napapikit pa dahil sa sarap.
Naglakad- lakad lang kami ni uncle Death at hinahanap ko ang bilihan ng skin care. Paubos na kasi at hindi ako natatakot magpabili sa kanya. Subukan lang niyang mag reklamo sa mga ipapabili ko. Sisikuhin ko talaga ang itlog niya pag nagkataon.
Habang naglalakad kami ni uncle ay bigla nalang may humarang na babae sa harapan namin. Nagulat pa ako dahil nakatitig lang siya kay uncle Death.
Hindi ko alam kung sino siya o kilala ba siya ni uncle. Pero sa nakikita ko ay mukhang mayaman ang babae. Matangkad din 'to at may balingkinitan na pangangatawan. May kulay din ang buhok niya na blonde. Matangos ang ilong at sigurado ako na mataray ang babaeng to.
"Finally, Nahanap din kita, Death." Sabi ng babae habang nakangisi sa harap namin.
Agad kong nilingon si uncle at nakitang walang emosyon ang mukha niya. Hinila pa niya ako at para bang tinatago niya ako mula sa babae. Naguguluhan tuloy ako kung bakit ganun nalang ang ginawa ni uncle Death.
Tumingin sa 'kin ang babaeng maganda saka ngumisi. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi kaya ex 'to ni uncle? Pero bakit parang sumasakit ang dibdib ko habang iniisip ko yun.
Nag o-overthink na tuloy ako na baka niloloko lang ako ni uncle ng sabihin niya na virgin siya. Pero pwede naman ding hindi. Pero pumasok sa isipan ko ang sinabi ng babae.. ibig sabihin talaga ay magkakilala silang dalawa ni uncle.
Hindi nagsasalita si uncle. Ang ginawa lang niya ay tinatago lang niya ako sa kanyang likuran. Gusto ko sana magsalita pero hindi ko naman magawa.