CHAPTER 41

1180 Words
Chapter 41 Primrose Pov WALA NA akong klase ngayon dahil bakasyon na. Kaya ang sarap ng buhay ko ngayon dahil pwede akong gumising ng tanghali. Si unice ko naman ay nanliligaw parin hanggang ngayon. Hindi ko pa siya sinasagot. Gusto ko muna kasi siyang pahirapan. Wala ngayon ang uncle ko dahil maaga siyang umalis. Nagpaalam naman yun sa 'kin dahil may aasekasuhin lang daw siya sa opisina niya. Balak nga niya akong isama ngunit hindi ako pumayag dahil masyadong maaga. Ito ang unang araw ng bakasyon ko tapos gigisingin din niya ako ng maaga. Nakahiga parin ako sa kama habang nag s-scroll sa social media. Mabuti nalang yung ibang teacher ay hindi nagbigay ng mga project samin. Mas mabuti talaga yun para walang iisipin talaga. Ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng chat mula kay Erika. Kumunot pa ang noo ko dahil sa message niya. Erika: Alam mo na ba ang balita? Text ni Erika kaya nireplayan ko dahil medyo may pagkatanga yung text niya. Malamang hindi ko alam. Nireplayan ko kaya nag send siya ng emoji. Ilang sandali lang ay nag text ulit siya at napatakip ako sa bibig ko gamit ang isa kong palad. Sinabi kasi ni Erika na naaksidente nga daw si Mico. Alam ko yun dahil kilala ko kung sino ang gumawa. Pero ang hindi ko lang inaasahan ay namatay na daw si Nico ngayong araw. Nagkaroon daw ng komplikasyon kaya tuluyan na daw binawian ng buhay. Bigla akong nanghina dahil pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit nawala si Mico. Hindi ko siya gusto at ang totoo ay naiirita talaga ako sa kanya. Pero hindi ko naman ninais na mamatay ang isang tao. Kaya na gu-guilty ako dahil pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan. Hindi naman kasi yun gagawin ni uncle Death kung hindi siya nagseselos. Napahilot ako sa sintido ko at napabagon ng higa. Kinakabahan talaga ako dahil sa nangyari. Paano na lang pala kung may makakita sa kanya nong ginawa niya yun. Paano kung makulong siya. Alam ko pa naman mapera ang pamilya ni Mico. Paano kung ipahanap ang nakabangga. Natigilan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller at nakita ang pangalan ni Erika. Dali-dali kong sinagot yun at itinapat yun sa kaliwa kong tenga. "Hoy, girl!" Bungad sa 'kin ni Erika na halatang tsismosa. "Nakakagulat diba? Naalala ko pa binigyan ka niya ng chocolate eh, ngayon tigok na. Rest in peace nalang talaga kay Mico." Dagdag pa niyang sabi kaya mas lalo akong natatakot. Baka kasi mapagtagpi-tagpi nilang lahat at mahuli si uncle. Ano ba naman kasi 'tong ginawa ni uncle. "Oo nga eh. Nakakabigla." Saad ko na lamang at hindi pinahalata na natatakot ako. "At ito pa ang isang balita, girl.." sabi ni Erika. "Ano?" Tanong ko na halatang hindi na makapaghintay sa susunod niyang sasabihin. "Hindi na daw ang mga magulang ni Mico ang may-ari ng school." Sabi ng kaibigan ko. "Sino daw?" Tanong ko habang nakatitig sa pader. "Wala pang balita eh. Basta ang balita ngayon ay may nakabili daw ng school. Pero hindi pa sinasabi kung sino. Naku.. sana lang ay walang babaguhin na rules sa school." Saad pa ni Erika. Ako naman ay hindi nakapagsalita dahil sa kinakabahan ako. Mali naman siguro ang pumasok sa isipan ko. Hindi naman siguro tototohanin ni uncle ang sinabi niyang bibilhin niya ang school. Panay ang daldal ni Erika sa kabilang linya habang ako naman ay tahimik lang. Hindi talaga ako nagsasalita dahil yung isip ko ay kung saan-saan na napupunta. Alam ko kasing hindi nagbibiro si uncle eh. Nagawa nga niyang banggain si Mico yun pa kayang bilhin ang. eskwelahan. Nalinis na ako kay Erika dahil kung saan-saan na napapadpad ang chika niya. Nagpaalam nalang ako at sinabing may gagawin pa ako. Nagpaalam naman na din siya dahil maglalaba pa daw siya. Pinatay ko na ang tawag at napatulala nalang. Hindi talaga mawala sa isipan ko na baka binili ni uncle Death ang school. Pero.. ganun ba siya kayaman para kaya niyang bumili ng school. Para naman yatang napaka imposible kung ganun. Napasabunot nalang ako sa buhok ko at naisipang bumangon sa kama. Tinungo ko na muna ang banyo at agad na naghilamos. Ginawa ko lang ang daily routine ko habang iniisip parin ang nangyari kay Mico. Ipagdarasal ko nalang talaga ang nangyari sa kanya. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng banyo at tinungo ang walk in closet. Nagpalit na muna ako ng damit dahil sobrang nipis ng suot ko. Baka kasi dumating na naman si uncle Death at makita na naman akong ganito ang suot ko. Manyak pa naman yun. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ay lumabas na ako ng kwarto. Balak kong magluto ng breakfast ko dahil sabi ko kay uncle na wag na siyang magluto pa dahil maaga siyang aalis. Sabi din kasi niya ay may meeting din daw siya kay kuya Diego. May business daw silang pag- uusapan. Nalaman ko din na isa palang police si kuya Diego na nasa Bicol naka assign. Ang gwapo din no'n pero ayaw kong matulad kay Mico na nasa kabilang buhay na kaya mas gwapo si uncle Death. Nakakatakot pa naman yun magalit kaya hinding- hindi ko na siya gagalitin kahit kailan. Pero hindi ko yata kayang asarin siya na matanda. Ang cute kasi tignan ng panga niya kapag nagagalit. Tinungo ko ang kusina at agad nagluto ng almusal. Mabuti nalang at nakinig din ang uncle ko na wag na siyang magluto. Nag init na din ako ng tubig dahil coffee is life. Nagprito lang ako ng hotdog, tocino at ham. May nakita din akong tinapay sa loob ng ref kaya pinainit ko na din at nilagyan ng butter. Nang matapos ako ay umupo na din ako saka nagsimulang kumain. Ang tahimik ng bahay kapag wala si uncle. Sobrang legit din na bahay ko pala talaga 'to. May ipinakita kasi si uncle na titulo din ng lupa. Kasama na din do'n ang bahay at may isang kotse na nakapangalan din pala sa 'kin. Pero ayaw pa akong turuan ni uncle magmaneho ng sasakyan at baka daw tumakas ako sa kanya. Masyado talaga siyang advance mag-isip. Kaya natatawa talaga ako lalo na kapag tinatakot ko siya na tatakasan ko siya ulit. Pero alam ko naman na hindi ko magagawa yun dahil bukod sa maraming cctv ang bahay niya ay hindi ko yata kayang umalis na sa bahay niya. Hindi ko kayang hindi siya makita kahit pa nga puro mukha nalang niya ang nakikita ko. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko dahil mamaya ay maglalaba ako ng mga uniform ko. Hindi ko na hihintayin na si uncle ang maglaba. Kaya ko naman at sanay naman akong maglaba ng mga gamit ko. Tinuruan naman talaga ako ni mama sa mga gawaing bahay para daw kapag nag-asawa ako ay hindi daw ako mabugbog ng mapapangasawa ko. Dati naiisip ko na bakit naman ako mabubugbog kung hindi naman ako mag-asawa. Pero sa tingin ko ay hindi naman talaga ako mabubugbog dahil ako ang bubugbog kay uncle Death kapag hindi siya sumunod sa 'kin. Akala niya ha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD