Chapter 44
Primrose Pov
NAKATULALA lang ako habang nakahiga ako sa karna. Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari nong isang araw. Pakiramdam ko talaga ay ang babae ang may dahilan kung bakit ganun nalang kabilis ang pagmamaneho ni uncle Death.
Dumiretso kami sa bahay ni kuya Ziven ng araw ba yun. Akala ko nga ay kaming dalawa ang tatambay do'n pero iniwan ako do'n ni unice. Umalis siya at sinabing may gagawin lang daw siya. Ang tagal din niyang bumalik kaya nainis ako ng araw na yun. Yung isipan ko kasi ay kung ano-ano na naman ang naiisip. Baka kasi pumunta siya sa babaeng yun.
Pinuntahan naman ako ni uncle pero gabi na. Nahihiya nga ako kay kuya Ziven dahil todo tanong siya sa 'kin kung anong gusto kong kainin. Pero sabi ko hindi ako kakain dahil wala akong gana. Sino ba naman kasing gaganahan kumain kung ang iniisip ko ay si uncle at yung Jewel na yun.
Kaya nang masundo niya ako ay hindi ko talaga pinapansin si uncle Death. Tanong siya ng tanong kung kamusta daw ako o kumain na ba daw ako pero hindi ako sumasagot.
Hanggang ngayon ay malamig ang pakikitungo ko sakanya. Kung dati ay dito siya natutulog sa kwarto ko.. pero ngayon ay nilock ko ulit ang pinto at hinarang ang cabinet. Maging sa bintana ay naglagay din ako ng harang.
Ayaw ko muna siya kausapin. Kaya mas ginusto ko munang iwasan siya.
Napabuga ako ng hangin saka dumapa sa kama. Nakatulala parin ako at punong-puno ng scenario ang isipan ko. Lagi kasing umaalis si uncle Death sa gabi. Siguro ay akala niya ay natutulog na ako. Kaya sinasadya niyang umaalis ng 12AM. Hindi ako makatulog kapag umaalis siya kaya hanggang sa pagbalik niya ay gising ako.
Mas lalo lang akong nalulungkot dahil pakiramdam ko ay may ginagawa si uncle Death na hindi ko alam. Nakakalungkot lang dahil mukhang hanggang sa ligawan stage lang kami.
Napabalikwas ako ng bangon ng biglang natumba ang cabinet sa sahig. Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pintuan at pumasok do'n si uncle Death na walang emosyon ang mukha habang nakatitig sa 'kin.
"A-Anong ginagawa mo, uncle?" Tanong ko sakanya at pinawalang emosyon ko din ang mukha ko para patas kaming dalawa.
"Hindi ka sumasagot sa 'kin, Primrose. Kanina pa kita tinatawag." Sabi niya sa 'kin na halatang nagtitimpi na naman ng inis.
"Eh alam mo palang hindi ako sumasagot.. ibig sabihin lang po nơn ay ayaw po kitang makausap o gustong makita." Sagot ko sa walang buhay na boses.
Hindi naman siya nakasagot kaya humiga ulit ako sa kama at tumagilid. "Inaantok pa po ako kaya pakisara nalang po ng pinto." Sabi ko sakanya saka ipinikit ang mga mata ko.
Alam kong nasa kwarto ko parin siya dahil naririnig ko na parang binubuhat niya ang aparador. Hindi na nga lang ako nagsasalita at hinayaan siya. Mabuti na din na itayo niya ang cabinet dahil hindi ko naman kayang buhatin yun.
Naramdaman kong lumubog ang kaliwang bahagi ng kama kaya sigurado ako na tumabi sa 'kin si uncle. Sunod ko nalang naramdaman ay dinampian niya ng halik ang balikat ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Alam kong gising ka kapag umaalis ako, baby. Wag ka sanang mag-isip ng kung ano-ano dahil para sa'yo ang ginagawa ko. Ayaw kong saktan ka niya. Hindi ko kakayanin yun." Saad ni uncle sa 'kin. "Ikaw ang kahinaan ko, baby. Kaya ko ginagawa ang mga bagay na imposible para sa'yo. Baliw ang babaeng yun, Prim. Natatakot ako na kapag sinabi ko sa'yo ang trabaho ko dati ay baka kamuhian mo ko. Baka layuan mo ako.. pero maniwala ka sa 'kin, Prim.. nagbabagong buhay ako para sa'yo. Dahil gusto kong mamuhay na payapa kasama ka at ang magiging anak natin." Mahaba niyang sabi habang yakap parin niya ako.
"Mahal na mahal kita kaya sana wag kang magalit sa 'kin. Magtiwala ka lang at mahalin mo ko. Akala mo nakakalimutan ko na ang ligawan natin.. hindi mo pa ako sinasagot, baby. Kailan mo ba ako sasagutin?" Hirit niya kaya tinanggal ko ang braso niya na nasa tiyan ko saka ako humarap kay uncle.
Ngunit sa pagharap ko ay mabilis niyang sinakop ng halik ang labi ko. Napapikit nalang ako habang tinutugon ang halik na iginawad niya sa' kin. Mabagal lang ang ginagawa naming paghalik na para bang sinusulit namin ang oras.
Nakahawak din sa baba ko si uncle at para bang ayaw niyang ilayo ko ang mukha ko sakanya.
Ilang sandali lang ay kinakapos na ako ng hangin kaya ako ang unang pumutol sa halik na pinagsaluhan namin dalawa. Ngumiti siya sa 'kin at pinatakan niya ng halik ang labi ko.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko habang nakatitig kay uncle.
"Nasa guard house lang ako, baby. Sinisigurado ko lang na hindi makakapasok si Jewel dito sa subdivision." Saad niya saka hinaplos ang mukha ko.
"Hindi mo siya kinikita?" Paninigurado ko pa kaya natawa siya.
"Bakit ko naman gagawin yun, baby? Eh di para narin akong nagpakamatay kung ganun." Sagot niya saka pinisil ng mahina ang tungki ng ilong ko.
Napabuga ako ng hangin dahil ako lang yata talaga ang nag-iisip ng kung ano-ano. Wala naman pala siyang ginawa na masama. Pranning na yata ako.
"Gusto mo sagutin kita, uncle Death?" Tanong ko ng maalala ko ang ang sinabi niya na baka layuan ko siya kapag nalaman ko ang trabaho niya dati.
"Oo. Sino ba namang hindi gustong masagot sa taong mahal niya." Sabi pa niya kaya ngumisi ako.
"Okay. Sasagutin kita pero sa isang kondisyon, uncle.." sabi ko kaya sumeryoso ang mukha niya.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Sasagutin kita kapag sinabi mo sa 'kin ang dati mong trabaho na sinasabi mo na baka layuan kita. Gusto ko maging honest ka sa 'kin," Seryoso ko ding sabi habang nagsusukatan kami ng titig dalawa.
"Paano kung layuan mo ko? Paano kung kamuhian mo ko, Primrose?" Tanong niya at parang nagdadalawang isip.
Try natin, uncle. Gusto kong malaman ang pagkatao mo kaya sabihin mo na sa 'kin ang totoo. Kaysa naman malaman ko pa sa iba diba?" Sabi ko. Hindi siya nagsalita at titig na titig lang siya sa 'kin na para bang pinag-iisipan ang sinabi ko.
"Fine, Sasabihin ko na sa'yo ang totoo. Pero sana wag kang magalit sa kin. Tandaan mo na itong tinatawag mong uncle ay mahal na mahal ka." Sabi niya kaya napangiti ako.
Inilapit ko ang mukha ko sakanya at pinatakan ko ng halik ang kanyang labi. Nadadala pala siya sa ganito.