CHAPTER 45

1181 Words
Chapter 45 Primrose Pov NIYAYA ako ni uncle Death sa kusina at do'n daw namin pag-usapan ang dati niyang trabaho. Ayaw niya dito sa kwarto dahil hindi daw siya makapag concentrate at baka daw maangkin niya ako habang umaamin siya. Nang sabihin niya yun ay nauna pa akong bumangon sa kanya sa kama at dali-daling lumabas ng kwarto. Mahirap na, baka sumakit na naman ang singit ko. Malibog pa naman siya. Siya lang ang masungit na may pagka malibog. Nandito ang ngayon sa kusina habang nakaupo sa stool. Si uncle naman ay nasa harapan ko at naghihiwa ng sibuyas. Magluluto daw kasi siya habang mag kwekwento sa 'kin para hindi daw siya kabahan. "So, uncle Death.. ano ba talaga ang dati mong trabaho na sinasabi mo na baka matakot ako sa'yo. Dati ka bang macho dancer sa club kaya ba nagustuhan ka ni Jewel dahil gumiling- giling ka sa harapan niya?" Tanong ko na parang reporter lang. Tumigil naman sa paghihiwa si uncle at masama akong tinignan. Pikon talaga siya eh. Nagtatanong lang naman ako. Malay ko bang hindi siya macho dancer. "Kung hindi ka macho dancer, uncle.. baka dati kang sumasali sa miss gay. Sabi ko kaya pinukol niya ako ng masamang tingin habang umiigting ang panga niya. Halatang naiinis na naman sa 'kin. Kagatin ko panga niya eh. "Eh kung anakan kita ng dose, baby. Tignan ko lang kung masabi mo pa ang salitang miss gay." Sabi niya sa inis na boses. Napangiwi naman ako at umayos ng upo. "Ito naman.. hindi na mabiro. Ano ba kasi yun, uncle? Dati ka bang carnapper? drug dealer? Macho papa? O dan- "I'm a killer" Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Hindi naman ako nakapagsalita habang nakatitig lang ako kay uncle Death. Tumawa ako at hindi sineryoso ang sinabi niya. Malamang nag jo-joke na naman siya. Mahilig kasi talaga siya mag joke pagdating sa kin. Hindi pa naman halatang nag jo-joke siya dahil ang seryoso ng mukha niya. "Nice joke, uncle Death." Sabi ko pa habang nagpipigil ng tawa. "I'm serious, Primrose. I'm a killer. Trabaho ko yun dati sa isang agency is kung saan ko nakilala ang mga kaibigan ko." Saad niya sa seryosong boses. Napatigil ako sa pagtawa dahil halata sa mukha niya na hindi siya nagbibiro. "H-Hindi ka talaga nagbibiro, uncle?" Tanong ko pa habang magkatitigan kaming dalawa. "Hindi. Gusto kong malaman mo ang dati kong trabaho, Prim. Ayaw ko ng itago pa. Isa din sa dahilan kung bakit nasa ibang bansa ako nakatira dahil nando'n nakatatag ang agency kung saan binabayaran kami para ibigay ang hustisya na nararapat." Saad ni uncle Death saka binitawan ang kutsilyo na hawak niya. "Isa sa miyembro no'n si Jewel, baby. Siya ang kasama ko pati na ang ibang miyembro bago ako nalipat at nakasama sa team sila Diego, Ziven, Declan at Jasper." Dagdag niyang sabi saka bumuntong hininga. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay uncle. Pero naisip ko naman ang sinabi niyang hustisya. Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. "Ano pong ibig sabihin mo po do'n sa nagbibigay ng hustisya, uncle?" Tanong ko dahil naguguluhan ako. "Maraming mga taong mahihirap sa mundo, baby. Kahit sila ang biktima ay hindi nila nakukuha ang hustisya na para sakanila. Malaya parin sa labas ang mga taong mapang-api sa kapwa at hindi nabibigyan ng hustisya ang mga taong mahihirap dahil na din sa walang pera. Alam naman natin na natatakpan ng pera ang krimen o iba pa. Kaya ang agency na napasukan ko ang nagbibigay ng hustisya sa maduming paraan." Mahaba niyang sabi kaya tumango- tango ako. "Ibig pong sabihin.. pinapatay niyo ang may sala po talaga? Ganun po ba?" Tanong ko. Tumango siya. "Yes, baby. Kami ang pumapatay dahil alam namin na hindi sila huhuliin dahil sa mapera sila." Sagot niya saka pinulot ang kutsilyo ba nasa mesa at nagpatuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nag-iisip pa ako ng tanong. Kailangan ko ng sulitin 'to habang pwede ko pang gamitin ang alas na 'to. Hindi naman kasi siya sasagot sa mga tanong ko kung hindi ko sinabi yung ligawan. "Pati po sila kuya Diego ay pumapatay, uncle?" Tanong ko pa. "Yes, baby. Karning lahat. Pero nag bagong buhay na kami. Matagal na kaming umalis sa agency na yun at umuwi ng Pilipinas. Ako ang pinakahuling umuwi dito dahil mas pinili ko munang manirahan sa ibang bansa. Panay kasi ang habol sa 'kin ni Jewel kaya palipat-lipat ako ng tinitirahan para iwasan ang babaeng yun." Pagkukwento ni uncle kaya napayuko ako. Iniisip ko na baliw yata si Jewel. May mga ganun pala na babae. Kayang sundan ang lalaki kahit saan kahit wala namang gusto. Kung ako yun ay hindi na ako magpapagod pa na habul-habulin ang lalaki. Kung hindi gusto eh di hindi. Pero bakit si Jewel.. ganun kung makahabol kay uncle. Nadagdagan na naman tuloy ang iisipin ko. Pinanood ko lang si uncle na nagluluto ng pagkain namin. Nag init pa siya ng tubig para ipagtimpla niya ako ng gatas. Pero hindi ako pumayag dahil hindi naman ako mahilig sa gatas. Gusto ko kape lang. "Pati po ba sila kuya Ziven at kuya Declan ay nagbagong buhay pala, uncle. Mabuti naman at naisipan niyong umalis sa ganung trabaho, uncle. Hindi po ba nakakatakot yun?" Tanong ko dahil baka marami din silang kalaban kapag ganun. Siyempre, pumapatay sila eh. Hindi malabong imbestigahan yun ng mga pulis lalo na kung mga mayayaman ang pinapatay nila. Pero ang cool siguro no'n. Parang ang ganda isipin na nakikipaglaban sa mga masasamang tao. Pero hindi ko kaya yun. Demonyita ako minsan pero pagkatapos kung mag taray ay nakokonsensya ako kaya bawal sa 'kin ang pumatay. Baka makonsensya lang din ako. Natapos na si uncle magluto ay naglagay na siya ng plato sa mesa. Hindi talaga niya ako pinatulong at siya na daw ang bahala. Pinagmamasdan ko lang siya at napapaisip. Yung killer siya pero maalaga naman pala. Kaya pano ako matatakot sa kanya kung ganito niya ako pagsilbihan. Ngumiti siya sa 'kin saka niya nilagyan ng pagkain ang plato ko. Nakakatuwa dahil mas inuuna talaga niya ako lagyan bago ang plato niya. "Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi mo, baby. Sabi mo sasagutin mo ko kapag sinabi ko sa'yo ang dati kong trabaho." Saad niya napangiwi ako. Akala ko kasi hindi niya maaalala. Naka memory plus gold yata 'to si uncle eh. Pero napangiti nalang ako saka kinindatan siya. Sumubo ako ng pagkain at talagang napapikit pa ako sa sarap. Ang sarap talaga niyang magluto. Si uncle naman ay nakanguso habang nakatitig sa 'kin. Ang sarap tuloy - kagatin ng nguso niya dahil alam kong nagtatampo siya dahil hindi ko pa siya sinasagot. Sasagutin ko naman talaga siya eh. "Oo, uncle" Sabi ko saka sumubo ulit ng pagkain. Hindi ko pinapahalata na yun ang sagot ko. "Anong oo?" Tanong niya habang nakabusangot ang mukha. "Oo nalang," sagot ko naman saka tumawa. Mas lalo tuloy nalukot ang mukha niya kaya natawa ako. Bahala siya mag-isip. Patas na kami dahil pinag-isip din niya ako lagi dahil sa pag alis niya sa bahay t'wing 12AM. Ang hirap kaya mag overthink.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD