Chapter 35
Primrose Pov
NAGLALAKAD ako papasok ng school habang ang uncle ko ay nakasunod sa 'kin. Ayaw kong sumabay sa kanya habang papasok ng school dahil gusto ko lang. Baka kasi may gawin siyang kapilyuhan na naman.
Habang naglalakad ako ay panay ang dasal ko na sana wag kong makita si Mico o siya ang makakita sa 'kin. Nasa likod pa naman ang uncle ko at baka magwala kapag may lumapit na lalaki sa 'kin. Alam ko kasing hindi siya nagbibiro ng sabihin niya na mananagot kapag may lalaki na lalapit sa 'kin.
Tahimik lang ako at lumingon sa likuran ko. Nakita ko si uncle na nakasunod parin sa 'kin kaya tumingin nalang ako sa harapan at naglakad ulit.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil natatanaw ko na ang classroom namin. Papasok na sana ako ng biglang sumulpot si Mico sa harapan ko. Napatigil ako sa paghakbang at nanlaki pa talaga ang mata ko.
"Hi, Primrose!" Bati sa 'kin ni Mico habang nakangiti. Napalunok tuloy ako ng ilang beses dahil sa kaba ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nasa likod ko pa naman si uncle. Sana lang talaga ay wag siyang gumawa ng eksena. Mukhang hindi alam ni Mico na uncle ko ang nasa likuran ko.
"Para sa'yo nga pala. Have a nice day!" Sabi ni Mico sabay abot sa 'kin ng dalawang chocolate sabay kindat.
Hindi niya ako hinintay na magsalita pa at agad na umalis sa harapan ko. Ako naman ay naiwan na nakatulala habang hawak ang chocolate na inilagay niya sa palad ko.
Narinig ko ang pagtikhim ni uncle sa likuran ko at nagulat ako ng nilagpasan niya ako at deritsong pumasok sa classroom. Napalunok ako ng ilang beses habang nakasunod ang tingin ko kay uncle na nilapag ang dala niyang libro sa mesa.
Tumayo pa ang mga classmate ko para batiin si uncle kaya do'n lang ako natauhan kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng classroom. Tinungo ko ang pwesto ko sa tabi ni Erika na halatang kinikilig dahil sa ginawa ni Mico. Pero ako ay hindi na madrawing ang mukha ko dahil alam kong galit si uncle Death.
Umupo ako sa upuan at tumingin sa unahan. Nakita ko ang magkasalubong na kilay ni uncle Death kaya napalunok ako ng ilang beses.
Kasalanan talaga 'to ni Mico eh. Akala ko pa naman safe na ako. Kainis talaga siya.
Inasar pa ako ni Erika kaya inabot ko sa kanya ang dalawang chocolate na binigay ni Mico sa 'kin. "Bakit mo binibigay sa 'kin?" Tanong pa ng kaibigan ko kaya napairap ako.
"Sayo na yan. Mas kinikilig ka do'n diba? Hindi ko naman siya type kay kung pwede sa'yo na yung Mico na yun." Irap kong sabi kaya natawa siya ng mahina.
"Gaga! Ikaw nga ang gusto. Wag ka na ngang mataray diyan!" Sabi pa niya. Paano kaya ako hindi magiging mataray kung nakakatakot ang uncle ko. Nakikita ko pa nga lang ang mukha ng uncle ko ay halata ng papatay ng tao.
Napabuga ako ng hangin dahil sigurado ako mananagot talaga ako mamaya pag uwi.
Nagsimula ng mag discuss si uncle at halata sa boses niya na galit siya. Mukhang nahalata din yata ng mga classmate ko na galit si uncle kaya pati sila ay tahimik din at walang nagsasalita. Nakakatakot talaga si uncle kaya pati mga classmate ko ay natatakot siguro. Siniko pa ako ni Erika kanina dahil nakakatakot daw si uncle. Sobrang seryoso daw.
Napalunok ako ng ilang beses dahil may tinawag si uncle. Mabuti na nga lang at hindi ako ang tinawag eh.
Nakatitig lang talaga ako kay uncle at hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. Bigla siyang tumingin sa 'kin at nagkasalubong ang tingin namin ni uncle. Akala ko pa nga ay papansinin niya ako o ngingiti pero umiwas siya ng tingin at seryosong tinawag ang babae kong classmate.
Isa-isa talagang tinatawag ni uncle ang nasa harap kaya lahat kami ay kinakabahan. Mas lalo na ako dahil hindi ako nakikinig sa kanya. Wala na akong maintindihan sa dini-discuss niya.
"Sana matapos na ang oras ng math. Nakakatakot uncle mo eh," sabi pa ni Erika. Paanong hindi matatakot eh kapag hindi nakasagot ay hindi pauupuin at patatayuin lang sa gilid.
"Sinabi mo pa." Sagot ko na lamang dahil mas nakakatakot siya mamaya.
"Ms. Velasco." Agad akong napaupo ng maayos ng marinig ko ang boses ni uncle. Tumingin ako sa kanya at nakita ko agad si uncle na masamang nakatitig sa 'kin.
"Solve this problem." Sabi niya sa walang emosyong boses. Napangiwi ako dahil lagot ako.
Kahit ayaw kong tumayo ay wala akong nagawa kundi ang tumayo at naglakad papunta sa harap. Kumuha pa ako ng chalk at kinakabahan na tumingin sa problem na ibinigay sa 'kin ni uncle, Siya kaya sumagot nito, siya gumawa ng problem eh kaya dapat siya ang gumawa ng sagot. Kainis talaga si uncle Death.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at bahala na kung tama ba ang sagot ko.
Sinubukan ko parin kahit alam kong mali. "Wala ka bang natututunan sa klase ko?" Tanong ni uncle sa matalim na boses.
Mabuti na nga lang at mahina lang ang boses niya at medyo malapit siya sa 'kin. Kaya ako lang ang makakarinig sa sinabi niya.
"Ahm.. a-ano po kasi.." sabi ko pa at hindi ako makatingin ng diretso.
"Ginagalit mo talaga ako, Primrose. Sinabi ko naman sa'yo diba.. akin ka lang." Bulong niyang sabi. Hindi ako nakasagot at naka focus lang ako sa pisara.
"Tumayo ka sa gilid. Hindi ka uupo. Next!" Saad ni uncle sa malakas na boses.
Napayuko nalang ako at nagkakad sa dalawang babae na pareho ko din na hindi nakasagot. Tumawag ulit si uncle ng estudyante at si Erika ang napili. Nakikita ko sa mukha ng mga classmate ko ang pamumutla at halatang natatakot na matawag ni uncle.
Ginagantihan ba niya ako dahil lang kay Mico? Nakakainis ang utak niya ha! Hindi man lang hinintay ang explanation ko. Nagalit agad sa 'kin eh hindi ko din naman gusto na bigyan ako ng chocolate ni Mico. Kapag talaga nakita ko si Mico ay tatadyakan ko talaga ang mukha niya. Ang ganda-ganda pa ng mood ni uncle kanina. Pinaghandaan pa ako ng breakfast at pinaliguan pa niya ako tapos ganito lang pala ang mangyayari.
Pati si Erika ay hindi nakasagot kaya kasama ko siyang nakatayo sa gilid. Tumawag ulit si uncle ng estudyante kaya napabuga ako ng hangin dahil damay lahat.
Hanggang sa natapos ang klase ay nakatayo lang kami sa gilid. Natapos ang subject namin ng math kaya nakaupo na kami ng mga classmate ko. Yung uncle kong tinopak ay lumabas agad sa classroom na hanggang matapos ang klase ay nakasimangot parin.
Nangalay ang dalaw akong paa kaya napanguso ako habang hinihilot ang mga paa ko. Matapilok sana si uncle dahil sa ginawa niya sa 'kin.
Goodluck nalang talaga sa 'kin mamaya. Sigurado ako na magiging basa ang pag-uusap namin mamaya sa bahay. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa mangyayari sa 'kin.