Chapter 36
Primrose Pov
NAKASIMANGOT akong nakatayo sa gilid ng gate habang hawak ang cellphone ko. Kanina ko pa kasi tine-text si uncle Death kung susunduin ba niya ako. Pero kahit isa wala man lang reply. Galit parin siya siguro dahil kanina.
Napabuga ako ng hangin dahil mukhang no choice ako kundi sumakay ng taxi nalang. Kung pwede nga lang ay mag jeep ako pero naalala ko na walang jeep na dumadaan sa subdivision namin kaya wag nalang.
Naglakad na ako sa gilid ng kalsada at itinago nalang ang cellphone sa bulsa ng palda ko. Akmang tatawid sana ako ng may humarang na sasakyan sa harap ko. Nagulat pa ako dahil bigla nalang sumulpot yun. Bumaba ang bintana ng driver seat at nakita ko ang mukha ni Mico. Siya na naman.
"Ikaw na naman.." saad ko pa sabay irap.
"Hi!" Bati niya ay hindi man lang pinansin ang mukha ko na naiinis na ako sakanya. Hindi yata niya nararamdaman na hindi ko siya gusto.
"Ano na naman?" Masungit kong tanong.
"Ito naman.. ang taray agad. Siguro gusto mo din ako kay tinatarayan mo ko." Sabi niya kaya napangiwi ako.
"Kapal naman ng mukha mo! Ibahin mo ko sa ibang babae, Mico.. hindi ako katulad nila na kindatan mo lang ay magkakagusto sa'yo. Eww.. hindi ka naman gwapo." Saad ko kaya natawa siya.
"Diyan talaga nag uumpisa ang lahat eh. Sa away hanggang sa magkatuluyan." Sabi niya habang nakangiti. Sipain ko kaya mukha niya. Uuwi ka na ba? Gusto mo hatid na kita?" Tanong niya sa 'kin.
"No need. Kaya kong umuwi mag- isa at may pera akong pamasahe."
Saad ko saka ako naglakad muli. Ngunit ang gagong 'to ay sinasabayan ang lakad ko.
"Problema mo ba!" Inis ko na namang sabi dahil ayaw akong tigilan. Tatawid pa naman sana ako sa kabila para do'n mag abang ng taxi.
"Ihahatid nga kita sa bahay mo." Sabi na naman niya. Gusto ko sanang sabihin na baka hindi siya makalabas ng subdivision kapag pinilit niya. Gusto yata niyang malibing ng maaga.
"Hindi ka ba makaintindi ng ayaw ko sa'yo? Ang tigas naman yata ng bungo mo kung ganun." Saad ko kaya napakamot siya sa likod ng ulo niya.
"Grabe ka naman!" Sagot niya.
"Anong grabe.. yung grabe nasa hospital. Yung naghihingalo na dahil grabe ang nangyari. Ako tigil-tigilan mo ha! May problema pa ako kaya wag mo ng dagdagan at baka mahampas ko pa sa'yo ang bag ko." Banta ko sa kanya at hindi na talaga ako nakapagpigil sa inis ko sa lalaking 'to. Kasalanan niya 'to kapag natali ako ni uncle mamaya.
Aalis na sana ako ng mapansin ko si Mico na parang natakot. Hindi ko alam kung bakit siya natakot. Para bang.. nakakita siya ng multo sa likod ko.
Agad naman akong lumingon at halos mapatili ng makita ko si uncle Death. Sobrang lapit pa niya sa 'kin at at magkasalubong pa talaga ang kilay niya.
Napahaplos ako sa dibdib ko dahil sa gulat ko sakanya. "Ano ba yan, uncle! Bakit ka ba nanggugulat?" Tanong ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko man lang naramdaman na nasa likod ko siya. Siguro dahil sa ingay din ng mga sasakyan na dumadaan kaya hindi ko napansin.
"Don't bother Primrose again, kid. If you don't want me to break your bones." Saad ni uncle sa matalim na boses.
Nagulat naman ako kaya tumingin ako kay Mico na halatang nagulat. Ngunit nakabawi naman siya agad saka tumawa ng mahina. "Teka.. ikaw ba yung uncle na sinasabi ni Erika? Oh, mukhang mahigpit ka nga sa pamangkin mo. Anyway, uncle.. mabait po ako. Kaya makakaasa ka na hi hindi ko sasaktan ang pamangkin mo." Sabi ni Mico habang matamis na nakangiti. Siraulo talaga! Ginalit niya lang lalo ang uncle ko.
"Magtigil ka nga! Wala naman akong gusto sa'yo!" Sagot ko na halos isigaw ko na. Sa'n kaya siya kumukuha ng kapal ng mukha para sabihin yan.
Nakita kong paatake si uncle Death kay Mico kaya hinawakan ko ang braso niya. Mabuti nalang at tumigil siya at lumingon sa 'kin. Umiling ako na para bang sinasabi ko na wag niyang patulan şi Mico. Siya kaya mas matanda kaya dapat lang na hindi siya pumatol sa bata.
"Masusuntok ko yan, Primrose! Wag mo akong pigilan!" Galit niyang sabi sa 'kin.
"Wag ka na magalit sa 'kin, uncle. Pwede naman kitang tawaging uncle po diba?" Tanong pa ni Mico na pinapalala lang ang sitwasyon.
"Umalis ka na nga! Bwisit ka eh no!" Inis kong sabi ngunit hindi naman siya nakinig kaya hinila ko nalang si uncle palayo sa kotse ni Mico.
Mabuti na nga lang at nagpatianod siya sa 'kin. Hindi ko alam kung saan naka park ang sasakyan niya kaya lumingon ako sa kanya para itanong sana. Ngunit tinabig niya ang kamay ko kaya nabitawan ko ang braso niya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun kaya medyo na hurt ako.
Hindi siya nagsalita at naunang naglakad sa 'kin. Talagang nilagpasan lang niya ako kaya napasunod ang tingin ko sa kanya. Napabuga nalang talaga ako ng hangin dahil mas lalo lang siyang sinumpong. Sarap talagang pektusan ni Mico.
Kahit galit ang uncle kong may topak ay sinundan ko parin siya. Hindi niya ako tinawag na sumakay sa kotse pero binuksan ko parin ang pintuan ng passenger seat. Bumungad sa 'kin ang nakasimangot na mukha ng uncle ko kaya mas lalo akong napabuntong hininga.
Pumasok ako sa loob ng kotse saka ko isinara ang pinto. Tahimik lang ako at naghihintay na paandarin ni uncle ang makina ng kotse.
Pero kahit galit siya sa 'kin ay hindi ko mapigilan mapangiti. Kasi kahit galit siya ay pinuntahan parin niya ako dito sa eskwelahan. Akala ko talaga ay hindi na niya ako susunduin.
Hindi parin siya nagsalita pero binuhay naman niya ang makina ng kotse at agad na pinausad. Tahimik lang ako at tumingin nalang sa labas ng bintana. Nag iisip kasi ako kung paano ko siya susuyuin. Wala naman kasi akong kasalanan sa kanya pero feeling ko kailangan ko talaga siyang suyuin at sabihin na hindi ko naman gusto si Mico. Hindi ko nga lang alam kung paano ako magsisimula o kung anong sasabihin ko.
Ang hirap pala ng ganito. Sumakit tuloy ulo ko. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina dahil iniisip ko si uncle. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain lalo na't alam ko na galit siya sa 'kin. Hindi nga niya ako tinext kanina na lagi naman niyang ginagawa yun kapag tapos na ang klase niya samin. Kaya talagang alam ko na galit talaga siya. Paano ba sumuyo ng lalaki kasi. Naiisip ko nga na bakit ko ba siya susuyuin eh hindi ko naman siya boyfriend. Pambihira talaga!
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi talaga nagsasalita si uncle Death. Napanis na yata ang laway niya, pati ako napanis na dahil ayaw kong magsalita din. Bahala na talaga 'to mamaya kung hindi parin niya ako papansinin. Hindi ko naman siya jowa. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pagpapatayo sa 'kin kanina sa gilid dahil hindi ako nakasagot.